KIM POV
Lagay lang ako nang lagay nang pagkain sa plato ni Gem.. Pang bawi ko lang sa nangyari kanina,kahit pinanlakihan na nya ako ng mga mata nginisian ko lang ito.
"Kain lang nang kain Gem ha! Favorite mo lahat yang niluto namin." Turan ni Mama. Kaya naman wala na itong magawa kundi kainin ang nasa plato nito. Tiyak babanatan na naman nya ako kapag nasa kuwarto na kami. Pero ngayon ako naman muna. Magkatabi kaming naka upo sa mahabang lamesa. Kasalo si Mama si Papa at si Kirby.
Susubo na sana ako ng bigla nitong sinipa ang isang binti ko."Ouch!?" Bigkas ko at sabay sabay namang napa tingin yung tatlo sa akin. Samantalang si Gem ay deadma lang at mukhang sarap na sarap sa pagkain. "May lamok yata sa ilalim kinakagat yung binti ko.'' Katwiran ko naman pagka tapos pinag patuloy ko na ding kumain.. Ayaw talaga patalo tong brat na ito.
"Gem astig naman ng sasakyan mo pwedeng mahiram minsan.." Biglang wika ni Kirby na kina kunot noo kong nagbaling nang tingin sa kapatid ko. Marunong naman nang mag drive si Kirby kaya lang wala pa itong sariling sasakyan. Gusto kasi nang parents namin na mag pundar kami ng sariling pinag sikapan namin. Parang yung kotse ko pinag ipunan ko yun!
"Sure!! No problem.." Walang kagatol gatol na tugon ni Gem sabay ngiti kay Kirby at pareho pa kami ng kapatid ko na naka awang ang mga labing nag baling nang tingin sa kanya. "Sasabay nalang ako kay Kim pauwi ng Baguio bukas-"
"No hija...!" Kontra kaagad ni Papa. "Kirby nakaka hiya sa parents ni Gem mamaya baka kung anong isipin nila!" Baling kay Kirby ... "Syempre personal mong gamit yun hija!" Baling naman nito kay Gem pagka tapos. Tama naman si Papa kahit naman ako komokontra sa pag payag nitong si Gem na ipahiram ang sasakyan niya.
"Okay lang naman po sana sa akin Tito at maybe kahit sa parents ko. Pero I respect you Tito.." Tugon naman nito at ganda parin ng ngiti.. Hindi nalang din komontra si Kirby pero kita ko ang pang hihinayang sa mukha nito..
"Kim.. may bisita ka." Biglang singit naman ng boy slash alalay ni Papa ng tumungo ito sa dining area. Nag tatanong ang mga mata kong nag baling nang tingin sa gawi ng bukana na dining. Biglang may isang bulto ng tao na sumulpot mula sa likuran nito.
"Good evening Kimberly.. good evening po sa inyo Tita at Tito. Kirby.." Lahat na tuloy nag baling nang tingin doon. Samantalang ako ay naka awang ang mga labing dahan dahang napa tayo mula sa kinauupuan ko. May hawak hawak itong isang bouquet ng favorite kong bulaklak.
"E-erick!!" Yun lang ang nabigkas ko nang sandaling yun! Madami nang nag bago sa itsura nito bruskong brusko na at nag matured pati mukha. Lalong pomogi ang itsura. Mula ng nag hiwalay kami ay ginawa ko lahat nang paraan para maka iwas sa kanya, bantay sarado noon sa akin ang mga kaibigan ko huwag lang itong maka lapit. Buti din at naging busy natin ako sa aking practice teaching, thesis at kung ano ano pa..At hindi ko pinahalata na sobrang kabog ngayon ng dibdib ko na nasa harapan ko na syang muli.
"Erick.. napa dalaw ka hijo.. Halika saluhan mo kaming kumain." Alok ni Mama sa kanya. Si Mama kasi ang sobrang naapektuhan noong nag hiwalay kami. Sobrang close kasi nila at gustong gusto na sya noon para sa akin.. Sinabi pa noon ni Mama na bigyan ko daw sya ng last chance kaya lang.. naka ilang last chance na ako sa kanya. At yung pakikipag hiwalay ko sa kanya ay ultimatum na yun!
"Thanks po Tita.. na miss po kita!" Di ko namang napigilang mapa eye roll nang sandaling yun. Halata kasing nagpapa lakas ito kay Mama. "Pasensya na po sa abala sige po hintayin ko nalang po si Kimberly doon sa may living room.." Wika pa nito at tsaka tumalikod hawak hawak parin yung bulaklak. Tila nawalan naman na ako nang ganang kumain ng sandaling yun.
"Kakausapin ko lang po muna si Erick. Ma. Pa!" Paalam ko agad namang napa tango ang parents ko. Akmang aalis na ako sa hapag nang biglang hawakan ni Gem ng mahigpit ang kaliwang braso ko. Kaya napa baling ako ng tingin sa kanya. At nag tama ang aming mga mata.
"Tapusin mo munang kumain." Seryoso nitong turan pero ngitian ko lang ito ng tipid.
"Kakausapin ko lang sya.." Wika ko parang pag hingi ko na din ng permiso sa kanya dahilan para dahan dahan na nitong binitawan ang kamay ko.. At ibinalik ang atensyon sa kanyang kinakain. Nagtungo naman ako sa may kitchen para mag hugas nang kamay sa may faucet.
"Muling ibalik...." Narinig kong kantyaw ng kapatid ko pero hindi ko nalang ito pinag tuunan ng pansin.. Ang nasa isip ko lang ngayon ay kung anong pakay ni Erick kung bakit sya naglakas loob na nagtungo dito sa bahay namin.. Kaya napa buga nalang ako ng hangin bago nagtungo may living room.
Nadatnan ko doon si Erick na prenteng naka upo,nang maramdaman niya ang presenya ko ay mabilis itong nagbaling nang tingin sa akin at biglang napa tayo.
"Kim para sayo." Sabay abot sa akin ng bulaklak.. Tinanggap ko nalang para wala naman itong masabi. Pero mabilis ko din lang itong inilapag sa ibabaw nang round table. Tsaka muling nagbaling sa kanya. Naupo ako sa bakanteng upuan katapat nito. Bakit naman ako tatabi sa kanya no way! Seven years na kaya kaming hiwalay..
"So Erick! Anong maipaglilingkod ko sayo?" Sarkastiko kong tanong. Tiyak kapag marinig ito ni Mama na ganito ako magsalita masesermunan ako.. Napa tikhim naman ito at seryosong tumitig sa mukha ko. Oh gosh! Huwag mo kung titigan ng ganyan baka matunaw ako. Parang sinasadya pa nitong lamlaman ang kanyang mga mata..
"Kim.. gusto kitang ligawan ulit! At pinapangako kong nagbago na ako.. Mahal parin kita at alam mo naman sigurong hindi na ako nakipag relasyon sa iba nung nag hiwalay tayo.." Seryosong turan nito. "Kung itatanong mo kung bakit ngayon lang ako naglakas loob na puntahan ka dahil tiniyak ko munang hindi ko na sisirain ang pangako ko sayo. Hinding hindi na kita sasaktan sorry sa lahat ng nagawa ko noon. Handa kong patunayan iyon sayo!" Sincere nitong sabi.
Napa hugot naman ako ng malalim na paghinga. Ako din naman mula ng nag hiwalay kami natakot na akong mag mahal ulit. Tapos ngayon bumabalik sya ulit sa akin. Iniiwasan ko na ding maki balita sa buhay nya matapos naming mag hiwalay.
"Promise Kimberly nagbago na ako. Pinag dusahan ko na yung katangahan ko dati yung walang kwentang pagseselos ko-"
"Okay!" Putol ko sa sinasabi nito.. Wala naman sigurong masama kung pag binigyan ko ulit syang ligawan ako. Basta siguraduhin lang nyang totoo ang mga sinasabi niya. "Sige pumapayag na ako Erick." Biglang nagliwanag ang mukha nito sa naging tugon ko.
"Patunayan mo na nagbago ka na!" Taas kilay ko pang sabi. Seryoso ulit tumitig sa aking mukha..Nag kamustahan na kami pagka tapos para mawala ang pagka ilang na nararamdaman namin sa bawat isa. Ilang sandali pa ay nakisali na rin sila Mama at Papa sa kwentuhan. Samantalang si Gem ay dumiritso na ito sa aking kuwarto pagka tapos kumain.. Siguradong magugulat ang mga kaibigan ko kapag malaman nilang bumabalik si Erick sa akin..
BINABASA MO ANG
"In love With Who!" (GxG)
RomanceGirl to girl short story.. Again: Ito ay isang kathang isip lamang sa malikot kong imahinasyon.