GEM POV
Naka sunod ang mga mata ko habang nagpapahid ng lotion si Kim sa binti nito.. Napaka flawless talaga nya at sobrang puti.. Andito na kami sa loob ng kanyang kuwarto dahil ayokong matulog sa mga guest rooms takot kasi ako sa mumo. Kinalakihan ko na ang pagiging duwag ko sa ganung kahit sa totoo lang kwento kwento lang naman yun!
Bigla itong nagbaling nang tingin sa akin at nahuli ako nitong naka titig sa kanyang ginagawa.. Bigla naman itong napa ngiti ng husto. Nauna kasi akong naglinis ng katawan kaya naka higa na din ako sa kanyang kama.. Kakatapos lang din nitong maligo at naka tapis pa ito ng tuwalya at tumutulo pa ang basa nitong buhok. Hindi naman ako nailang na titigan sya kahit na huli pa ako nitong naka tingin wala nakaka mangha lang kasi ang katawan nito.
''Babe okay ka lang?" Tanong nito at mukhang tapos na itong magpahid ng lotion.. Mula nang dumating kami dito sa kanila naka ilang beses na nya akong tinawag nyan kahit naka harap sa magulang nya,noong una nailang ako pero nasasanay na din ako.
"Okay lang... Ang hot mo kasi!" Turan ko naman na kina tawa lang nito ng mahina.. Nag tungo na ito sa kanyang closet para mag hanap ng maisusuot.
"Alam mo ba! Yung pakiramdam mo kanina nung dumating tayo.. ganun din yung naramdaman ko nung unang punta ko sa bahay ninyo.. Bigla akong kinabahan na hindi ko maintindihan.." Kwento nito habang nagbibihis at naka talikod ito sa gawi ko. Nag suot ito ng malaking t-shirt at unisex na boxer short tsaka nito tinanggal ang tuwalyang naka tapis sa katawan nya. Muling pinahid sa basa nitong buhok.
Tama sya! Okay okay naman ako nung nasa beyahe kami kaya lang nang dumating na kami bigla nalang parang gusto kong umatras at ayoko nang lumabas ng sasakyan.. Sobrang bilis nang kabog nang dibdib ko na parang wala na ako sa sarili ko hindi ko pa nga namalayang sya na pala ang natanggal ng seatbelt ko.
Pero ang naka pagbalik ng huwesyo ko kanina ay yung mabango nitong hininga amoy cherry.. at bigla pang may kumatok sa bintana ng kotse. Mabilis nitong inilayo ang katawan sa akin tsaka agad na binuksan ang pintuan sa gawi nya..Yung Dad pala nito ang sumalubong,mabilis namang umibis ng sasakyan si Kim tsaka nito ako pinag buksan ng pinto. Ang hindi ko alam nasa likod lang din pala ang Mama nito at kanina pa naka abang sa amin.
Nakilala ko ang parents nito at nakita ko ang evidence kung saan nagmana si Kim sa taglay nitong ganda dahil parehong biniyayaan ng magandang itsura ang magulang nito. Sobrang babait din nila na minana din niya ito.."Ang tahimik mo naman.." Wika nito at naupo ito bigla sa tabi ko. "Ayos ka lang talaga! Boring ba dito sa amin?"
"Yeah, I'm fine.. Naalala ko lang yung masasayang nangyari kanina. Sobrang na appreciate ko lahat nang yun Kim.. thank you!" Umayos ako ng upo sa tabi nito tsaka ko sya niyakap ng mahigpit.. Mabilis naman itong gumanti sa mahigpit kong yakap. Sarap naman nang yakap nya parang ayoko na syang bitawan pa. Ang bango bango pa nya.
Sobrang asikaso ako ng parents nito,sobrang sarap ng pagkain magaling din magluto yung mommy niya. Na meet ko din si Kirby,guwapo nga sya kahawig din sya ni Kim kaso may tinitibok na kasi ang puso ko."Mukha ngang nag enjoy ka dito sa amin kahit probinsya pa at malalayo ang mga kapitbahay.." Wika nito habang magka yakap parin kami.. Mas maganda pa nga tumira sa ganitong lugar tahimik may preskong hangin. Bago lang din ito sa akin kaya nagustuhan ko. Parang ayoko pa ngang umuwi bukas kaso alam ko marami ding kailangang asikasuhin ni Kim sa kanyang trabaho.
Naramdaman tuloy ako nang antok sa sobrang komportable ko na kayakap sya.. Hindi ko maiwasang napa hikab ng sandaling iyon.
"Tulog na tayo mukhang inaantok ka na eh!" Natatawa nitong turan at kumalas na ito mula sa pagkaka yakap sa akin. Bigla naman akong nanghinayang pero iginiya lang pala nito ako pahiga at muli akong nag sumiksik sa katawan niya. "Sanay ka nrang may kayakap na matulog?" Tanong nito. Siniksik ko naman ang mukha ko sa kanyang leeg.
"Actually.. sanay akong mag isang natutulog sa kuwarto. Pero masarap pala yung ganito may kayakap na totoo. Hindi lang puro unan." Napa tawa naman ito ng malakas sa sinabi ko. At naramdaman kong lalo nitong hinigpitan ang pagyakap nito sa akin.
"Eih ikaw naranasan mo na din bang may katabing matulog!""Yes and no!" Napa angat naman ako nang mukha sa naging sagot nito.. Medyo naguluhan lang din kasi ako. Napa titig naman ako sa maganda nitong mukha. Ang ganda ganda talaga nya mukha syang dyosa.
"Naranasan kong may katabing matulog noong hmmnnn.." Tagal naman nyang sumagot. Nag hihintay lang naman ako sa susunod nyang sasabihin. "Noong nag che check in kami ni Erick sa hotel-"
"What??" OA lang ang reaksyon ko kaya lang nabigla lang talaga ako. Bigla pa akong napa bangon nang sandaling iyon. Tila hindi naman ito affected at marahan pa itong napa tango tango. Hotel! Ibig sabihin may ginawa silang- oh my!!
"Napaka inosenteng bata.." Natatawa pa nitong turan. Muli din itong napa bangon at umayos ng upo. Sinandal ang likod sa headboard nang kama. Nawala tuloy yung antok ko at naka awang ang labi kong napa titig sa kanyang mukha. Sobrang guwapo din ba ng ex boyfriend nyang yun at nagawa nyang isuko ang kanyang sarili..
"College na kami noon! At mag five years na yung relasyon namin.. Syempre mahal ko sya at akala ko hihinto na sya sa kaka selos kapag binigay ko yun pero hindi pala. Lalo lang lumala.." Paliwanag naman nito. "Hindi naman ako nag sisi dahil nangyari na eh at naulit na nang ilang beses.." Grabe hindi ako maka paniwala.. Ako siguro isusuko ko din ang sarili ko sa taong mahal na mahal ko. Kung si Art ba yun? No! Parang bigla naman akong nandiri sa sarili ko.
"Pero dito sa bahay dito sa kuwarto ko. Ikaw palang yung makaka tabi ko sa pag tulog.." Turan nitong muli sabay baling nang tingin sa mukha ko na kanina pa naka titig sa kanyang mukha. "Heay!" Bigla nitong hinawakan ang mukha ko. "Past na yun ano ka ba! Napag uusapan lang..." Napa ngiti nitong turan.
"Eih kasi... Nakaka inis lang! Hindi mo deserve yung lalaking yun.." Napa simangot ko namang turan..
"I know right babe... Kaya nga kahit masakit binitawan ko sya." Tugon naman nito habang hinahaplos parin ang pisngi ko.
Bigla tuloy akong napa isip.. si Art kaya deserve parin kaya nya itong pagmamahal ko? Bigla tuloy akong kumilos at muling yumakap kay Kim."Anong iniisip mo?" Tanong nito habang marahang hinahagod ang likod ko.
"Sa tingin mo.. Kailangan ko na bang sabihin nang harapan kay Art itong nararamdaman ko? Tutal alam naman na nya eh!" Seryoso kong wika. Narinig ko naman itong napa hugot nang malalim na paghinga.
"Yeah,para hindi ka na nya pinag mumukhang tanga. At kahit ano mang mangyari kailangan naka handa ka sa isasagot nya. At andito lang ako Gem para sayo!" Wika nito at hinigpitan ang pag yakap nito sa akin. Laking pasasalamat ko dahil nakilala ko ang isang katulad ni Kim. Pranka man syang tao pero at least totoo.
BINABASA MO ANG
"In love With Who!" (GxG)
RomanceGirl to girl short story.. Again: Ito ay isang kathang isip lamang sa malikot kong imahinasyon.