Chapter 3- Love is COMPLICATED

7 0 0
                                    

Nakangiti ba ko? Tsk. Parang di naman.

"Bakit nandito ka pa?! May sinabi ba kong intayin mo ko huh!" sabi ko kay Zy.

"Tsk, tara kela Simon" sabi ni Zyrile.

"Bakit? Anong meron?!"

Nag shrug naman si Zy  "manlilibre daw eh dun sa bar nila hahaha" sabay na sabi nya.

-

-

-

-

"Hoy Concepcion! Kung matutulog ka lang din naman eh de sana di ka nalang pumunta dito!" sabi ni Simon kay Carl.

Pag dating kasi namin sa bar nila Simon bigla nalang pumunta si Carl sa upuan at humiga.

"Mag tigil ka Velarde may sinabi ba kong matutulog ako! Parang humiga lang matutulog agad?! Iinom ako *bleehh" sabi ni Carl kay Simon.

"Psh! Kunwari ka pa maya maya mo tulog ka na jan eh" -simon

"Ede mag pustahan nalang tayo!" sabi ni Carl

Blah blah blah ang ingay nila! Tsk.

Di din tumagal, talo si Carl napaka antukin kasi eh konting inom lang ayun bagsak! Nakatulog agad ;3

"Tara midnight snack!" sabi ni Dale sabay lapag ng rebisco at nutella sa table.

Wait.. what?!

Rebisco at Nutella?! Haist ang rude ni destiny -.-

Naalala ko nanaman yung kanina. Nacurious tuloy ako kung saan talaga nanggaling yung nutella na yun saan kaya? Psh ano ba yan! Iba iba naiisip ko eh pero mas madalas kong maisip kung sa bra o sa panty ba nya galing yun. Aish! Ano ba tong naiisip ko?!

Nagiging pervert naman ako nito eh! Hayyy kalimutan mo na nga lang Rocky.

Pero saan nga kaya? Hayyy ano ba yan! *gulo ng buhok

"Hoy ano nangyayari sayo huh Rocky? HAHAHA" sabi ni Dale nakita nya pala yung pag gulo ko ng buhok.

"Nahahawa na sya dun sa babae sa hallway HAHAHA" sabi naman ni Zy.

Si Dale at Zy lang nag kakaintindihan buti nalang at di alam ni Simon yung pinag uusapan nila kaya ayun OP sya HAHAHA Tapos si Carl tulog na wahahaha!

"Ano ba yang pinag uusapan nyo?" tanong ni Simon.

Ayun kinwento nung dalawa AHHHHH! Nakakabwisit! Pati si Simon iniinis narin ako! >______<

"Tol imba yun! Hahaha!" sabi ni Simon.

"I know, at di nyo na kelangang ipaalala pa! Tsk"

"Layuan nyo si Rocky! Baliw na din yan! HAHAHAHA" sabi ni Zy.

"Alam mo Zy lakas mo mang inis eh no? Bahala nga kayo jan!"  sabi ko.

"Hoy teka! San ka pupunta huh Rocky? Kay miss weirdo? XD" sabi ni Dale.

"F*ck you" sabi ko at nag dirty finger sa kanila tapos lumabas na muna ko sa bar nila Simon.

Nag sindi ako ng yosi. Hindi to bisyo ahh! Wala akong bisyo yung pag inom at paninigarilyo hobby ko lang yun. Pero hindi sya BISYO okay? HOBBY =)

Back to the scene. Eto ako nag tatanggal ng inis sa mga gagong yun nang may nakita akong di kaaya aya sa harap ko.

=______________=

"Kamusta ka na?" sabi ni Gail sakin.

"Parati naman akong okay. At isa pa wala namang dahilan para di maging okay" sabi ko with a cold tone.

"Ahh g-ganun ba, Ahmm nag lalakad kasi ako kanina papunta sa 7/11 nang makita kita dito kaya nilapitan na kita" sabi nya.

Ano bang ibig nyang sabihin sa mga sinasabi nya ngayon? Bakit nya ko kinakausap ng ganito?

"Ahh" maikling sagot ko sa kanya.

"A-ano bumalik ka pala ulit sa pag yoyosi mo" sabi nya.

Seriously? Ano bang gusto nitong iparating.

"Tsk, gawain ko naman talaga to ahh? Siaka may gusto ka bang sabihin sakin? Diretsahin mo na ko" sabi ko sa kanya.

"Ahh w-wala n-naman gusto lang kitang kamustahin matapos kasi nung nag bre- - -"

"Pag katapos kasi nung nag break tayo wala ka nang balita sakin. Di na ko nag parmdam sayo. MALAMANG! Hindi na tayo nakipag hiwalay KA para sa IBA tapos ganto? How rude you are, Ang lakas din naman ng loob mo na kamustahin ako matapos mo kong iwan kung tatanungin mo lang naman yun OO OKAY LANG AKO"  sabi ko sabay iniwan ko nalang syang speechless dun.

Parang pinag sisisihan ko tuloy na lumabas pa ko ng bar. AISHHH!

Zyrile's POV

*boogshs

Napatingin kami kay Rocky na kapapasok lang sa pinto. Ang lakas kasi ng pag kakasara nya.

"Anung nangyare sayo? Parang saglit ka lang lumabas ah" sabi ni Simon pero di lang sya pinansin ni Rocky at kumuha na agad ng alak at . . .

bottoms up?! WTF?!

"Teka dre ano ba problema nakita mo nanaman ba si ms weirdo-- eh hehe sabi ko mga no joke time muna"  sabi ko. Sinamaan nya kasi ako agad ng tingin eh!

-

-

-

"Bwishit na buhay *hik na to! Kung kelan nakakamove *hik on na ko tapos bigla syang susulpot para *hik tanungin lang kung *hik ayosh ako?! F*ck!" sabi ni Rocky.

Parang kilala ko na kung sino yung tinutukoy nya.

Si Abigail Jane Santiago ex nya. Sa totoo lang lahat kami nang hihinayang sa naging relationship nilang dalawa kasi 3years din silang mag on tapos sobrang sweet nila. Lagi silang may surprise para sa isat isa at saya saya talaga nilang tignan pag mag kasama marami naring trials na dumating sa relationship nila pero kinakaya nila. Lahat gagawin nila maipag laban lang ang relasyon nila.

Yun ang akala namin. Dahil akala namin sobrang tatag nila na kahit sino walang makakatibag pero mali. Ikinagulat ni Rocky ang pakikipag break sa kanya ni Abigail dahil sa isang lalaki LANG. Sa dinami dami kasi ng trials na nadaanan nila di niya alam na dahil lang sa isang lalaki mag eend up ang relationship nila.

Wala eh, ganun talaga!

Sobra ang dinanas ni Rocky dahil sa break up nila lagi syang umiinom bumalik sya sa pag yoyosi. Di sya pumasok ng 2 weeks wasted na talaga sya nung mga panahong yun. Buti nalang nandun kaming apat nila Dale, Simon at Carl para alalayan sya kundi baka nag take nadin ng suicide si Rocky.

Nagalit kaming lahat sa kanya dahil ang hina nya. Sobrang hina nya.

Kaya ako, ayokong pumasok sa magulong mundo ng love.

Cause for me being inlove is the most complicated thing i ever encountered.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Hi! So umabot na sa chapter 3 Hihi. Sorry sa typos.

Dont forget to vote and leave a comment :)

Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon