CHAPTER 17- Heartbeats
PATRICIA'S POV
Sunday na ngayon! 9am palang, Mamayang 2pm pa naman kami mag ugh date ni Neilaga pero iyun na nasa isip ko ngayon.
Syempre naman! Ngayon palang ako makikipag date eh, ano bang malay ko dun? Dati lumalabas kami ni Clyde pero kumakain lang kami sa labas, ganun lang. Never naming natawag na date yun pero araw araw may bonding kami. Pero ngayon ano? Sabi ni Neilaga may 'date' daw kami.
*hingang malalim
Bakit ba ko kinakabahan?
Time check, 10:06 am
Tumayo ako sa kama ko at pumunta sa cabinet para mamili ng susuotin ko.
Hindi ako makapamili ng susuotin ko.
And then napansin ko yung black fitted dress na binigay sakin ni Ate Jane, ito nalang ang sususotin ko :)
For the second time sinukat ko ulit yun. Napangiti nalang ako dahil sobrang bagay talaga sakin nitong dress na suot ko ngayon! Haist nakakainggit talaga si Ate Jane pag dating sa pag pili ng damit.
Bumaba na muna ako dahil tinatawag ako ni tita.
"Anung oras yung lakad mo?" sabi ni tita pag ka baba ko, nag paalam kasi ako sa kanya kagabi na aalis ako ngayon, syempre di ko sinabi kung saan at kung sino kasama ko, Chichikahin nanaman ako nyan eh
"Mamaya pang 2pm, bakit?"
"Say PO/OPO!" sabi ni tita, haist anubayan!
"Mamaya pa PONG! 2pm, Bakit PO?"
Napasmile naman ng konti si tita at tumango tango "Ganyan sana, by the way uutusan kita dalin mo to sa school, ipasa mo yung requirements sa office kailangan na yan ngayon eh"
"Bakit hindi nalang PO ikaw ang mag pasa?"
"Masyado pa kong madaming files na aasikasuhin! Siaka gagawa pa ko ng test malapit na ang finals, sige na pumunta ka na dun" at tinulak ako ni tita palabas ng pinto.
May magagawa pa nga ba ko? -___-
Nag lakad nalang ako, yata nga naman nanjan lang yung school sa pangalawang kanto mamamasahe pa ko, sayang lang din, pambili ko din yung ng chik n' skin ni mang juan Haha
Speaking of chik n' skin ni mang juan, may nakabunggo ako ngayon na lalaking kumakain ng chicken skin ni mang juan.
Wahhhhh! Ang sama ng tingin nya saken! T.T
"N-nako sorry po" sabi ko habang naka cross yung fingers ko.
Hinawi nya yung kamay ko "Anong akala mo saken? Multo para mag cross fingers ka jan! Tsk"
"Ang sungit naman" bulong ko sa sarili ko.
"Ano yun?"
"Wala" nag rolled eyes ako "Sorry na"
"Nag sosorry ka ba talaga? Bakit iniirapan mo pa ko?"
"Sorry na nga po eh"
"Psh" tumango sya pag kasabi nya nan.
Nag smile naman ako at nilagpasan sya, Dadaan muna ko ng 7-11 bago pumunta sa school, meron kasi dito eh dibale ganto yung kalye.
Jollibee × Concepcion's × Ice Land
Kalye ㆍ Kalye ㆍ Kalye ㆍ Kalye
School ulit × 7-11 × Eskinita × Suade
Yung suade is bar, dun madalas pumunta yung mga college students sa Concepcion Univ. ewan nga eh, bakit kaya pinayagang mag patayo ng bar sa malapit sa school.
Bumili muna ako ng Galaxy at Dried Mango sa 7-11 para habang nag lalakad naman ako may kinakain ako✌
..
..
.
.
.
"Sir pinapapasa ni maam ramos"
"Okay, may pirma na ba to?" sabi nung sir na nasa office
"Mer-- OPO meron na po" nakalimutan ko, sabi nga pala ni tita mangupo ako -__-
"Ahh, sige thankyouu ha"
Pag kauwi ko naman, saktong 12am na kaya maliligo na ko.
Naligo, nagbihis, at nag ayos na ako yung alam mo naman yun diba? Yung mga seremonyas na ginagawa ng girls.
Hindi na ko nag make up, pang paarte lang naman yun eh tsk, nag powder lang ako tapos yung buhok ko hinayaan ko nalang na nakalugay.
*Bzzt Bzzt
Tulin tulin kong kinuha yung cellphone ko sa ibabaw ng kama para tignan yung text msg, siguradong si Neilaga na yun!
From: Neilaga
Ill fetch you before 2pm
*dug dug dug dug dug dug dug dug
Wahhhhhh! Mas bumilis yung tibok ng puso ko! T.T
Bakit ba ganto? Tapos nahihirapan din akong huminga.
Kelangan ko na ba mag patingin sa doctor?
Lumipas ang mga oras pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, alam mo yun? yung para silang nasa race.
Huminga ako ng malalim para mabawasan yung kaba ko, i guess kaba nga tong nararamdaman ko.
Time check, 1:22 pm
*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug
Mas bumibilis yung tibok ng puso ko kumapara kanina! Wahhhhhhhh! Yung akala kong mabilis kanina may mas bibilis pa pala.
Mas lalo pang bumilis nang maka rinig ako ng busina ng kotse.
"Patricia! Nandun si Rocky sa baba, san kayo pupunta bakit sya kasama mo?"
"Ahh tita hindi lang naman kaming dalawa, kasama yung mga barkada nys madami kami wag kang mag alala" nag sinungaling ako, kasi nga alam kong di papayag yan pag nalaman nyang may 'date' kami.
"Okay hinihintay ka na nya sa baba" nag nod naman ako. Kilala ni tita so Rocky since naging estudyante nya na yun.
Nakita ko na si Neilaga na nag hihintay dun sa salas
"Neilaga!" tinawag ko na sya pababa na ko ng hagdan ngayon.
Lumingon naman sya at nag smile sakin. Tumayo sya sa kinauupuan nya at hinihtay ako na makababa lumingon ulit sya sa tv, i wonder kung ano yung pinapanuod nya. Busyng busy eh hahaha
Bakit ganun? Maganda naman yung damit ko ahhh?
Diba dapat ang scenery, habang bumababa ako sa hagdan nakatulala sya sakin tapos parang slowmo pero hindi naman eh, di naman pala totoo yun Hahahaha!
Hanggang sa nakababa na ko hindi padin sya tumitingin sakin.
Ewan ko kung bakit ba ko naiinis, bakit nga ba? Dahil ba di nya napansin kahit yung suot ko manlang? o dahil naiinis ako kasi ayaw nya kong tignan, AH AH! Bakit ba kasi bigla nalang akong nag iiba pag dating kay Neilaga? Wala namang ibig sabihin to diba?
Nung nasa byahe kami wala kaming ibang nadidinig kundi ang andar lang ng kotse, yun lang.
Pero nagulat ako nang bigla syang nag salita sa gitna ng katahimikan.
"Pat ang ganda mo ngayon"
DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG times two times two
Ayan nanaman yung heartbeat ko! Wahhhhhh! Mukang mas okay pa yung kaninang naiinis ako kasi di nya napansin yung ayos ko, kesa ngayon. Kasi parang hindi ako makahinga ngayon.
BINABASA MO ANG
Twist of Fate
Teen FictionThere is a boy who encountered a weird girl an unpredictable girl, He feels this awkwardness whenever he sees this girl because of her weird actions. But what love can do with the two of them? Or what tactic destiny can do to play the two hearts of...