Third Person's POV
Nakauwi na si Pat gabing gabi na pero di padin sya makatulog, patuloy padin nyang inaanalyze ang mga bagay na nang yari kanina.
'Kami na talaga ni Neil?' sabi nya sa isip nya.
Nag pagulong gulong sya sa kama nya para pigilan ang kilig pero hindi ito mawalawala.
"Aphrodite Nicollete bumangon ka na" nagising si Pat sa alog ng tita nya.
'Pano kaya ko nakatulog kagabi?' pero di maipag kakailang antok na antok padin sya.
Bumangon na sya at ginawa ang morning routine nya. Sabay sila ng tita nya na pumasok sa school.
"saan kayo pumunta kagabi ni Neil?"
"pumunta kami sa cementery, kay mama at papa"
nag nod naman ang tita nya "kaya ba ngiting ngiti ka habang pumasok ka kagabi sa loob ng bahay? iyun ba dahilan? dahil pumunta ka sa mama at papa mo?" sabi ng tita nya na mapang inis.
"nako tita, maissue ka masyado" sabi ni Pat at nauna na, since nasa gate nadin naman eh nauna na syang mag lakad.
Nag klase lang naman sila nun, aantok antok pa si Pat at bumabagsak ang ulo.
Tumayo naman sya at nag taas ng kamay "pwede po bang pumunta sa clinic? sumasakit po kasi ulo ko eh"
"Okay, make it fast" nag nod naman sya sa teacher nya pero ang totoo wala syang balak na bumalik sa klase, ang gusto nyang gawin ngayon ay matulog sa kung saan man tahimik.
Pumanik sya sa rooftop ng building ng mga highschools, di naman sya madalas pumunta duon sa katunayan ay first time nyang pumunta duon. Di naman sya yung tipong may pag ka emo sa buhay at laging nasa rooftop. Pumunta lang sya duon ngayon para matulog, iyun lang.
Umupo sya sa isang gilid.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Bakit ba kasi anong problema?"
"wala akong problema" cold na sabi ng isang lalaki.
Nagising si Pat sa ingay. Nag kusot sya ng mata at tumingin sa relo.
5:00pm
'Wait 5pm?! Ganun katagal akong tulog?! Uwian na pala!'
Tumayo na si Pat at nag pag pag ng skirt nya
"ayos naman tayo diba? please naman oh"
"di mo ba magets? isa ka lang sa fling ko okay? wag ka ngang asshumera"
"p-pero"
Aalis na sana si Pat kaya lang naisipan nyang sumilip muna.
'Xander?' sabi ni Pat sa isip nya. Si Xander ay ang fresh graduate sa highschool, gwapo sya kaya di ka na mag tataka kung may mga mag habol sa kanyang babae. Kilalang kilala yan nung high school palang sila.
Tumakbo naman yung girl pababa ng rooftop at naiwan si Xander dun sa taas at nag inat pa sya
"hay salamat im free AGAIN" sabi nya habang nag iinat.
Nag init naman ang ulo ni Pat doon. 'Anong tingin nya sa mga babae? Laruan? Argh'
Umiling nalang si Pat habang naka tingin sya kay Xander di nya naman inaasahan na titingin ito sa direction nya.
BINABASA MO ANG
Twist of Fate
Teen FictionThere is a boy who encountered a weird girl an unpredictable girl, He feels this awkwardness whenever he sees this girl because of her weird actions. But what love can do with the two of them? Or what tactic destiny can do to play the two hearts of...