Chapter 14- Past Promises

0 0 0
                                    

ROCKY'S POV

Clyde Jeniel Bores? Kapatid nya kaya to? Kasi kung 4th year high school palang ngayon si Pat ibig sabihin nasa 15 years old si Pat at sya 16 years old tong naka libing at since

At dahil September 25 ngayon, birthday nya. 17 na sya ngayon. Siguro kuya sya ni Pat.

Umalis nadin naman ako sa sementeryo at umuwi na.

Sa bahay ...

Nag bukas ako ng facebook, at ayun may friendrequest galing sa mga hindi ko kakilalang babae pero nakita ko yung pangalan dun ni Pat,  Patricia Beltran pala ginagamit nyang pangalan, nag search kasi ako eh nag search ako ng Aphrodite Nicollete Beltran pero iba ang lumalabas. Bakit nga ba di ko naisip na Patricia ang gagamitin nya?

Teka lang ahh kaya ko lang naman sinearch kasi mag hahanap ako ng ahmm.. Ano nga bang hahanapin ko sa account nya? AHH! Basta! May hahanapin ako. Nakalimutan ko lang naman no!

Ni click ko yung confirm at siaka ko pumunta sa timeline nya.

May kasama syang lalaki sa cover photo nya

Parang ka age nya lang din ganon? Sino naman kaya yun? Malabong kuya nya yun kasi ang sweet nila dun eh.

May boyfriend si Pat? 

Well ... ano hindi naman sa wala sa itsura nya ang mag karon ng boyfriend its just that nakakapag taka kasi wala naman syang nababanggit at hindi talaga halatang may boyfriend sya.

Welk siguro ganun lang yung relationship nila?

Kinabukasan...

3rd day of intrams, ayun nga! maga nanaman kami nanaman ang bantay sa booth.

Nalaman namin na kaya pala galit na galit si Zyrile kahapon dahil hindi dumating yung kapalitan nya. Si Carl pala yung dapat na kapalitan nya kaya ngayon buryong buryo ang loko! Hahahah!

"Nakakainis ka! Gustong gusto ko nang matulog kahapon pero hindi dumating yung kapalitan ko 2hours tuloy ako nag bantay! GRRRR! Ikaw naman pala kapalitan ko! Ugh" sabi ni Zyrile

Pero si Carl tinitignan lang naman sya at biglang nag higab, kaya mas lalong nainis si Zyrile

"Makaalis na!" tapos na kasi yung pag babantay nya. Kami naman nila Simon at Carl ngayon palang.

Pero bago pa tuluyang makaalis ng booth namin si Zyrile bigla syang hinatak nung bestfriend ni Pat papasok ulit ng booth namin HAHAHAH!

"HOY! Anong problema mo huh? Tapos na kong mag bantay dito bitawan mo ko!" sabi ni Zyrile habang papasok ulit sa booth dahil hinihila nga sya.

Hindi nito kasama si Pat

"Mag papapicture tayo!" -bestfriend ni Pat

"Eh kung ayoko! Huh!"

"Bakit? Wala naman akong tinanong kung ayaw mo o gusto mo ahh? Ang sabi ko mag papicture tayo together UTOS YUN!"  nanlaki mata ni Zy dun nakakatakot nga kasi talaga yung bestfriend ni pat kasi may hawak na itong takong pupukpukin nanaman ata si Zyrile eh! HAHAHAH!

"S-sabi k-ko nga! T-tara na mag papicture na t-tayo" sabi ni Zyrile.

Hahahaha! Kawawang Zyrile nag papicture lang naman sila ang sarap nila panuorin.

Nagulat pa ko nung hinalikan nito si Zyrile, SA LABI. Pero sabi naman sakin nila Simon, di lang daw iyan yung first time na halikan sya nung bestfriend ni Pat

Ang imba naman nitong babaeng to! Hahahaha!

"Iprint mo na, gusto ko sa sticker paper mo iprint" -Bestfriend ni Pat

Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon