"Ang sama nya" sabi ko matapos ikwento sakin ni Saphira yung pag uusap nila ni Misha.
Sinabi nya na, sabi daw sa kanya ni Misha layuan nya si Zyrile. Dahil naiirita sya at may umaagaw sa Zyrile nya.
Mapapairap ka nalang talaga, pretender tsk. Akala ko pa naman ang bait bait nya. Angelic pa naman yung mukha nya.
Pero kilala ko ang bestfriend ko, bakit naman sya mag papatalo sa Misha na yun right?
I took a deep breath. How i wish matauhan na si Phira sa kahibangan nya kay Zyrile.
"Phira" sabi ko ng mahina
"Yes?"
"Sure ka ba sa feeling mo?" awkward na tanong ko.
"What do you mean? I dont get you" Saphira said, tama nga naman. Di nya talaga magegets kasi out of the blue yung tanong ko. I looked into her eyes
"Are you sure? I mean, Are you really sure about your feelings? Kasi malay mo inafatuation lang yan bes, hindi mo kasi kailangang humabol ng humabol sa kanya, bestfriend kita at ayokong nakikitang pinag tutulakan ka lang ng isang taong pilit mong pinag sisiksikan ang sarili mo" sabi ko ng mahina sa kanya.
She took a deep breath and smiled bitterly "Im sure about it ofcourse, and thankyouu for your concern bessy. Thats why i really love you" hinug nya ko. "And, siguro hihintayin ko nalang yung time na mapagod nalang ako, yung katawan ko sa kakahabol sa kanya, sa ngayon kasi ang hirap controlin eh, you know that? Thats strange feeling. Minsan naiisip ko nadin sumuko sa kakahabol sa kanya pero ang hirap kasi, tumututol yung heart ko" sabi nya habang naka hug sakin.
Kumalas ako ng yakap sa kanya "C'mon bes, Y.O.L.O" sabi ko while smiling at her.
"Haha, i know"
"No, you dont know. Alam mo Saphira, bata ka pa 4th year highschool ka palang at marami ka pang mahahanap jan di mo kelangang humabol sa isang 2nd year college na guy"
Natawa naman sya "Really Pat? Really? Coming from you ha" umirap sya sakin ng pabiro "Pareho lang naman tayong 4th year high school, at pareho lang din naman tayong naiinvolve sa 2nd year college" sabi nya ng patawa tawa.
Hays shes right. Neil Rocky Schulz i took a deep breath. Naiinvolve na nga talaga ako sa kanya.
**
A week past, and its saturday! Madami ding nangyari nung mga nakaraang linggo.
Gaya nalang nung nakaraang nakaraang monday, Hinila ako bigla ni Neil pasakay ng kotse nya at dinala ako sa cementery. Wala talaga akong idea kung bakit nya ko dinala dun nag pray lang sya at may binubulong. Ewan ko ba kung ano yun? Araw araw nya ginagawa yun tuwing uwian. Kahapon din ginawa nya yun.
Wala naman syang ginagawa kundi pumikit at bumulong sa sarili nya habang nasa harap ng puntod ni Clyde. I think nag ppray sya. Kinda weird.
"Buti naman at naisipan mong bumaba mahal na prinsesa?" sinalubong ako ni tita habang bumababa ako ng hagdan.
"Ang bango ng naamoy ko eh, nakakagutom"
"Aba syempre, luto to ng tita mo no" proud na sabi nya, napailing nalang ako at tumawa sa kanya.
"Tita, Kelan mo balak mag asawa?" napansin ko na napahinto sya sa pag halo ng niluluto nya pero naka recover din naman agad at tinuloy yung gunagawa nya.
"Anu ka ba Patricia, Sapat na yung ikaw nalang" sabi nya ng napatawa.
"Dont mind me tita, may sarili kang buhay. Gusto mo bang sisihin ko ang sarili ko dahil di ka nakapag asawa?" she shook her head "Then, try finding a guy who can fullfil all your needs and can make you happy"
"Hays hindi naman yun parang damit lang, na kapag nagustuhan ko eh makukuha ko na agad haha, in Gods right time okay?"
"Eto na yung time tita, Ang dami daming nanliligaw sayo pero wala ka naman kahit isang sinasagot, Kung ako ang iniisip mo, dont. Kaya ko sarili ko. Okay na sakin yung anjan ka bibigyan ako ng advices, di naman kelangang lagi ka nalang sakin nakasunod, lagi nalang sakin umiikot ang mundo mo"
"Hays, tong batang to. Nag mature ka na nga talaga. Epekto ba to ni Rocky huh?" biro nya saken
"Tita!"
"Hahaha, you really remind me of my sister, sobrang miss ko na sya eh. Siguro masaydo lang akong naging thankful kasi kamukha ka nya, kahit paano parang buhay padin sya"
Mag kapatid si mama at tita, bukod sa pagiging mag kapatid bestfriends din sila. Open sila sa isat isa, kaya nung nawala si mama at papa bukod sakin, sya ang pinaka umiyak at nalungkot dahil nawalan na sya ng ate, nawalan pa sya ng bestfriend.
"Pwede mo din naman akong maging bestfriend tita eh"
**
Oh, such a wonderful day! Its sunday. At eto ako syempre nasa simbahan, para mabawasan manlang yung mga kasalanang nagawa ko.
Nakinig lang ako sa sermon ni father, alam nyo na kung ano ano yung mga seremonyas kapag nag sisimba right?
Pag katapos ko mag communion lumabas na ko ng simbahan, kasi kung mamaya pa tiyak siksikan din.
"Ahh"
"Ay naku miss sorry sorry talaga" sabi ko, di ko kasi nakita na may kasalubong na pala ko, inaayos ko kasi yung pouch ko eh.
"Okay lang -- Aphrodite?" pag karinig ko nun napataas ang kilay ko.
"Sinabi nang ayokong tatawagin akong Ap-- Ate Jane?" sabi ko ng may pag kabigla.
**
"Bakit naman tayo nandito?" sabi ko habang tumitingin sa paligid ng mall.
"Ano pa bang ginagawa sa mall? Ede mag shoshoping! ^___^"
"Ha?" sabi ko ng nag aalangan "Ah eh, Ate pede bang next time nalang? Di ko kasi napag handaan eh wala akong dalang pera"
Nagsalubong naman yung kilay nya "Ano ka ba, its my treat!" sabay ngiti nya.
Gusto ko sana kaso nakakahiya na masyado nilibre nya na ko last time pati banaman ngayon?
"Lets go, Hindi ako nag tatanong kung oo o hindi HAHAHA treat ko to sasama ka sa ayaw at sa gusto mo" wala na kong ginawa hinila na ko ni Ate Jane.
Napapasmile nalang ako, kasi naman ang bait bait nya saken samantalang pangalawang pag kikita palang namin to.
"Where should we go first?" lumingon lingon naman si Ate Jane "Oh, lets eat muna" hinila nanaman nya ko papasok.
Sa mang inasal.
Wow, as in wow sa mga ganyong klaseng fast food chain pala trip kumain ng isang sosyalin at kikay na si Ate Jane, kakaiba talaga sya. As in talagang lahat lahat sa kanya wala kang maipipintas. Sya yung magandang walang arte. Perfect
Di ko alam kung inaadmire ko sya o naiinsecure ako eh, Hahaha
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Short update! ;) Please vote and leave a comment! ^______^
BINABASA MO ANG
Twist of Fate
Teen FictionThere is a boy who encountered a weird girl an unpredictable girl, He feels this awkwardness whenever he sees this girl because of her weird actions. But what love can do with the two of them? Or what tactic destiny can do to play the two hearts of...