Chapter 23

0 0 0
                                    

Wala talaga akong alam pag dating sa make overs, kung wala akong talent sa lutuan, mas wala akong talent pumili ng mga damit na babagay saken. Hindi ako sanay gumamit ng mga make up na yan. Lalo na yung eye shadow ba yun? O kung ano pang eye yan.

Kaya naman talagang inaadmire ko si Ate Jane, yeah inaadmire ko sya. Para ako ditong isang paslit na iniidolo ang ate nya.

"You wanna try this one, its suits you" sabay tinapat na yung isang pink dress sakin.

"Nako ate Jane di naman ako nag susuot ng ganyang dress, yung black na binigay mo nga saken isang beses ko palang nasusuot"

"Ganun ba?" sabi nya at binalik nya yung dress dun sa kinuhanan nya.

Pumili naman sya ng mga damit. "This, bagay sayo to" tinapat nya sakin yung highwaist na shorts na maong tapos isang sandong medyo maluwag na may tatak na heart na upper right ng sando. Simple.

Bagay nga saken, tinignan ko naman yung presyo. 1,054php?!

"Ang mahal naman, wag na ate masyado ka nang madaming nalibre sakin una yung dress na binili mo sakin nun tapos yung pag kain tapos ..."

"I dont mind, bagay sayo yan. Ako naman ang bahala kaya dont worry okay?"

Di na ko nag pumilit dahil alam kong mag pupumilit padin sya na ilibre ako. Hays babawi nalang siguro ako sa kanya sa susunod.

Kung ano ano pa binili nya nun. Nakuntento naman na ako sa isang damit, okay na yun. Masyado na kong maraming utang na loob.

Nag kwentuhan lang kami nun ng mga random stuffs, nakakatuwa nga talagang kasama si Ate Jane sya kasi yung tipo na lahat makaka close nya agad agad dahil marunong syang mag isip ng topic at talagang mag eenjoy ka naman sa company.

I wonder kung may boyfriend ba sya, Pero di na ko nag tanong. Masyado namang maissue na yun para itanong ko.

"Talaga Patchot?! Ang bait nya ahh" sabi ni Saphira, monday na nga pala ngayon at vacant namin yung second subject namin kaya kami eh nandito sa bench sa tapat ng room namin. Si Saphira ewan ko ba jan, nag cutting ata sya? Ang alam ko kasi may klase tong bruha na to eh.

"Maiba tayo, bakit nga pala kasama kita ngayon?"

"Anu ka ba naman kanina pa tayo mag kasama ngayon mo lang napansin? Tsk. Okay, nag cut ako"

"At kelan ka pa natutong mag cut?" sabi ko habang naka taas ang kilay ko

"Ngayon" sabi nya sabay rolled eyes "At siaka na bbwisit ako dun sa katabi kong si Zack, palagi nalang kasi akong pinag ttripan ng hinayupak na yun"

"Sino namang Zack yan?"

"Yung seat mate kong siraulo" halata mong naiinis sya habang nag kkwento "Ang hangin hangin nun alam mo ba, pinag pipilitan nya pa minsan na sabihin ko daw na gwapo sya tapos nahuhumaling daw ako sa kagwapuhan nya, Ay nako! Pasalamat talaga sya pinag bawal ang heels sa mga high schools kundi araw araw na dumugo yung ulo nun sa kapupukpok ko ng--" napahonto si Saphira ng pag kkwento at natulala

"Huy anyare sayo?" tinignan ko kung saan sya nakatingin.

Ohh... yung barkadahan nila Neil kasama si Misha. Mag katabi si Misha at Zyrile napatingin si Misha sa side namin napansin ko yun, bigla nya nalang pinulupot yung kamay nya sa braso ni Zyrile.

Mukha namang di kami napansin nung limang boys kasi nalagpasan na nila kami.

No, lumapit kasi bigla si Neil.

"Whats up?" sabi nya sabay smile.

Ngumiti lang ako at tumango sa kanya pati nadin dun sa apat, asa naman si Misha na batiin ko sya. Ang maldita nya sa bestfriend ko kaya in return mamalditahan din kita! pwe!

Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon