CHAPTER 2

6.4K 185 3
                                    

CHAPTER 2

Kaagad akong napatayo sa pagkakahiga ng makarinig ng ingay mula sa baba mukhang nandito na sila, tinignan ko ang oras sa phone ko at napailing-iling nalang dahil 6 am palang ng umaga ay nandito na sila 

Nagpalit muna ako ng damit para sa training namin bago ako bumaba papunta sa living room, pagkadating ko sa baba kaagad ko silang nakita nagkukulitan  sa sofa habang may pagkain na mga hawak, nakangiti akong tumakbo palapit sa ka nila at sumali 

"Heart your here"sabi ni keidi na nasa tabi ko 

"Yeah..nagising kasi ako sa ingay niyo"tumatawang sabi ko at nagsisihan na nga sila matapos marinig ang sinabi ko 

Tumayo na ako at naupo sa kabilang sofa bago humarap sa kanila ng maayos

"Excited na ako sa monday kagabi pa ako walang maayos na tulog dahil dun"sabi ni rina nakahawak pa sa dalawang kamay niya at kumikinang ang mga mata na tumingin saamin 

"Hindi lang ikaw after all this year  finally makakapasok na ulit tayo ng school hindi ko na kasi kaya ang palaging nasa bahay lang"sumang-ayon naman ang iba sa sinabi ni keidi sino ba naman kasi ang gustong mag stay lang sa bahay ng ilang taon at hindi manlang makalabas at makapunta sa ibang lugar maliban lang sa bahay at garden ng mansion niyo hindi ba

"i think kaya din sila pumayag kasi naawa sila saatin"Bagot na sabi ni sam  

"iyan din ang naisip ko pero hayaan na natin at least papasok na ulit tayo diba"masayang sabi ni heia na sinang-ayunan din naming lahat 

"Ano dito nalang ba tayo akala  ko ba mag training tayo"biglang tanong ni sam na tumayo na at na una na siya papunta sa baasement ng bahay namin

nandoon kasi ang mga training equipment  namin shooting area, gym, boxing ring, at iba't-ibang baril. Pagka-baba palang namin ay kaagad na silang pumunta sa iba't-ibang area na gusto nilang unahin pumunta ako sa shooting area may mga cabinet dito na kung saan nakalagay ang ibat-ibang baril na meron kami dito sa bahay pinili ko ang pistol type 54 bago ako pumunta sa unahan at sinuot ang earmuff bago itinutok ang baril sa target 

hindi ko pa napuputok ang baril nang may biglang humawak na sa braso ko at itinutok ng tama ang baril ko lumingon ako at nakita ko si mommy na nakatingin saakin at sumenyas na iputok ko, kaagad akong humarap sa target at walang pagdadalawang isip na ipinutok ang baril, nang wala ng bala ang baril ay doon lang ako huminto, si mom na ang lumapit at tinignan ang human target 

naglakad siya palapit saakin, at hinawakan ang ang pisnge ko

"Practice more heart I know someday you will be good at handling a gun"tumango ako bago nagpaalam na pupuntahan lang sila sam na nasa boxing ring 

Nanlaki ang mga mata ko ng makita na nag-sasapakan si sam at keidi, habang yung dalawa naman ay todo cheer pa na akala mo eh nanonood ng live boxing, lumapit ako sa tabi ni rina 

"Anong nangyayari mukhang hindi naglalaro yang dalawa na yan ah"bulong na tanong ko pero tumawa lang si rina at hindi ako binigyan ng sagot, kaya naman lumipat ako sa tabi ni heia

"What happen,bakit parang ang seryoso ng laban ng dalawang yan?"tanong ko

"nag dare silang dalawa ang matalo bibili ng dinner mamaya at breakfast naman bukas"natatawang sabi ni heia na sobrang nagugustuhan ang pinapanood, napailing nalang ako at lumayo na muna sa kanila para uminom ng tubig 

Umiinom ako ng tubig mula sa bottle ko ng makita ko si kuya na palapit saakin may ngiti siya sa labi na lumapit saakin at iniabot saakin ang cellphone niya, kinuha ko naman iyon at tinigna kung anong meron, napataas ang kilay ko ng makita si kuya kasama pa ang apat na lalaki sa picture 

"Sino to?"tanong ko 

"They're my friend makikilala niyo sila sa monday one year older sila sa inyo but same grade"sabi niya 

mahina akong natawa  at tumingin kay kuya"Nakikipagkaibigan ka pala sa mga bata akala ko pa naman mga matatanda ang kaibigan mo"sabi ko bago ibinalik ang phone niya sa kaniya 

"Wala kana dun at isa pa pinagkakatiwalaan ko ang mga yan at mababait sila"sabi niya 

tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa ulit pinanood ko nalang sila sam na hanggang nggayon ay nandoon parin sa loob ng ring at wala atang may balak sa kanilang dalawa na magpatalo 

Pero sa huli ay natalo parin si keidi kaya wala siyang nagawa ng utusan siya ni sam na bumuli ng pagkain, habang yung dalawa naman ay tawa ng tawa dahil sa pakatalo ni keidi

"Akala ko pa naman mananalo na si keidi kay sam, hindi parin pala"natatawang sabi ni Rina,busangot ang mukha na tinig na keidi si rina 

"Puwede ba tama na, simula palang alam ko nang wala akong laban, pero syempre gusto ko paring subukan"nakanguso niyang sabi at masama ang tingin kay rina na natawa nanaman 

"Pero syempre kung malakas si sam, paano pa kaya kung si heart ang nakalaban mo"natatawang sabi ni heia,lumingon saakin si keidi bago ngumiti

"Syempre hindi ako lalaban sa kaniya baka hindi na ako masikatan ng araw kinabukasan noh"natatawang sabi niya, napailing nalang ako dahil alam naman nila na hindi ko kayang gawin yun sa kanila 

Isang oras ang tinigal ng pagkain bago naidala ng bodyguard ni keidi ang mga pagkain na pinabili niya, dito na kami sa baba naglatag nalang kami ng isang picnic blanket sa sahig bago inilabas ang mga pagkain na nasa paper bag. Kumuha naman ng juice si Heia sa taas kasama si keidi kaya kaming tatlo nalang nila sam at rina ang nag-ayos ng mga pagkain

Ng makabalik sina heia ay sabay-sabay na kaming kumain, habang nag-uusap ng kung ano-ano hanggang sa mapunta ang usapan sa school

"Hindi na ako mapaghintay gusto ko bukas ay lunes na kaagaad para makapasok na tayo tapos imagine after school makakapunta na tayo ng mall para gumala tapos magpapalipas ng oras"masayang sabi ni keidi na kumikinang-kinang pa ang mga mata sa mga naiisip niya 

Hindi rin naman na malabo na mangyari iyon, ang pagkaka-alam ko eh may malapit na mall sa school ni kuya, at mga hangout places para sa mga student from other school, mga cafe kung saan puwede kang mag study. Sinabi ko iyon sa kanila at mas lalo pa silang nakaramdam ng excite pumasok dahil dun, napatingin  ako kay sam na kanina pa walang imik sa gilid habang kumakain ng fries

"You don't look excited sam"Sabi ko tumingin siya she smirks at me before saying silently 

 "im excited too, hindi ko lang pinapakita"

Sabi niya kaya naman natawa ako ng mahina at napailing nalang dahil dun.

_______________<3







The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon