CHAPTER 31
"Hold this flower tapos medyo itagilid mo yung ulo mo tapos ang tingin ay nasa unahan"Kaagad ko na sinunod ang sinabi nang photographer para matapos na ito. Nang makuntento na ito sa mga kuha niya ay doon lang ako nakapagpalit nang maayos na damit, sobrang bigat nang gown at nang mga dress na gawa ni mama silas
Umupo ako sa long couch sa tabi ni carl na tahimik lang at pinagmamasdan lang ang bawat galaw ko, malalim akong bumuntong hininga nang makasandal at maipatong ko ang ulo ko sa balikat niya
"Tired babe?"Tanong niya saakin na tanging tango lang ang naging tugon ko, ipinikit ko muna sandali ang mga mata ko para sana magpahinga sandali. pero hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, nang buksan ko na kasi ang mga mata ko ay nasa sasakyan na ako nakapatong pa saakin ang jacket na suot kanina ni carl, napatingin si carl saakin nang makitang gumalaw ako bago muling binalik ang tingin sa daan
"Rest a bit more baby, medyo malayo pa tayo traffic kasi"Hindi ko na siya nagawa pang sagutin dahil siguro sa sobrang pagod ay muli akong nakatulog, nagising nalang ulit ako nang maramdaman ko na para akong lumulutang. Gulat akong napatingin kay carl dahil buhat-buhat niya ako habang papaakyat sa hagdan, Napatingin siya saakin at tipid na ngumiti hindi siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa kwarto ko iniupo niya ako sa kama ko bago siya tumayo sa harapan ko
"Take a shower tapos magpahinga ka ulit, wala ang mommy at kuya mo pinapasabi nang maid niyo, I will go now"Sabi niya pero kaagad kong hinuli ang mga kamay niya dahilan para mapatigil siya at humarap saakin
"Stay... please stay samahan mo muna ako dito"Mahinang sabi ko sapat na para marinig niya, ilang sandali pa siyang natahimik malalim na nag-iisip bago tuluyang tumango. Pinaupo ko muna siya sa kama habang ako naman ay pumunta na ako sa bathroom para maligo sobrang lagkit na kasi nang katawan ko
Nang matapos ako sa pagligo ay nagpatuyo na ako nang buhok ko sa doon na din sa loob nang bathroom para paglabas ko ay diretso higa nalang ako nag lotion at naglagay nadin ako nang moisturizer sa katawan at mukha bago tuluyang lumabas. Nang makalabas ako ay nakahiga na si carl sa kama ko habang hawak-hawak ang isang frame kung saan nakalagay ang picture ko nung bata pa ako
Sumampa ako sa kama at tumabi nang higa sa kaniya, ginawa kong unan ang isa niyang braso bago ako yumakap sa kaniya
"Can I take this? ang cute mo dito eh"Sabi niya habang may ngiting naglalaro sa mga labi niya
"Sure sayo na yan"Walang pagaalinlangan na sagot ko sa kaniya, medyo natawa pa ako dahil hindi maalis ang tingin niya sa frame na yun
"Nga pala nag-usap na ba kayo ni kuya? Last na usap kasi namin ay noong sinigawan ko siya dahil sa inis ko"
Umiling siya"Nope, its been a week since I saw him"
"Hmm... ganun ba medyo na kokonsensya ako sa pag-sigaw ko sa kaniya babe"
"Dont worry kahit ata ilang sigaw pa ang gawin mo dun eh hindi magagawang magalit nun sayo"Natatawang sabi niya bago humalik sa nuo ko
"Sleep now babe, take a beauty rest sige ka baka pumanget ka sa party mo"Natatawang sabi niya na ikinatawa ko din
"Okyyy good night carl"
He give me a very warm smile before he kissed me on the lips"Good night too babe"After niya sabihin iyun ay doon lang ako tuluyang nakatulog
Lumipas ang araw at dumating na nga ang araw nang birthday ko. Halos lahat nang tao na nasa loob nang hotel room ko ay busy sa pag-aayos nang mga gagamitin ko lalo na sila tita lecia at mama silas, sila kasi ang naka isign sa pagmamake-up saakin at sa gown na susuotin ko
"Oh my god para akong nag papaint lang sa mukha mo, hindi na kailangan nang makapal na make-up kunting patong lang nang simpleng make-up napakaganda mo na"Tuwang tuwa na sabi ni tita lecia
"Sige na sige na tama na yan, saakin ka naman come here at isuot mo na ang gown mo"Sabi ni mama silas habang pinapapasok ako sa isang kwarto kung nasaan ang gown na susuotin ko"Poka at lana pumunta kayo here at tulungan niyo sa pag-suot si heart nang gown niya"Tawag niya sa dalawang kasama niya na kaagad namang lumapit at sumabay saakin sa pagpasok sa loob nang kwarto
Tahimik lang nila akong tinulungan sa pag suot nang gown ko, may kabigatan ang napili ni mommy na gown saakin, baby pink ang kulay nun at pa off-shoulder style siya napapalibutan iyun nang mga bulaklak na mas lalong nagpaganda sa gown. Nang matapos ay parehas silang napangiti nang makita ako
"Ang ganda niyo po mam"
"Oo nga po bagay na bagay ang theme nang birthday niyo sayo, dahil mukha po kayong prinsesa"
Napangiti ako sa sinabi nila at nagpasalamat, tinulungan din nila ako sa pagsuot nang heels ko buti nalang talaga ay hindi masyadong mataas iyun, inayos pa nila sandali ang suot ko bago kami tuluyag lumabas, si lana ang nagbukas nang pinto habang si poka naman ay nakaalalay naman sa likod ko
Halos lahat nang tao ay napatigil sa mga ginagawa nila
nang makita ako, kahit sila mama silas at tita lecia ay hindi makapaniwala nang makita ako. Nahihiya akong ngumiti sa kanila dahil medyo naiilang ako sa titig na binibigay nila saakin. Sabay na naglakad si mama silas at tita lecia palapit saakin at tinignan nila ako mula ulo ko hanggang sa baba
"Ngayon naniniwala ka na ba talaga saakin silas na parang bumalik tayo sa nakaraan"Makahulugang sabi ni tita lecia kay mama silas na hindi maalis saakin ang tingin
"Tama ka lecia, mukhang nabuhay ulit si cordula sa katauhan nang sarili niyang apo"Sabay pa silang tumango-tango habang tinitignan ang buong itsura ko
"Hindi na ako magugulat kung sakaling matutulala ang lahat nang bisita ni Efren, hindi maikakaila na kamukha mo talaga ang lola mo"Sabi ni mama silas na mas lalo lang nagpadagdag sa pagka curious at kagustuhan ko na makita kung ano ba ang itsura ni mama
"Ay oh siya halina't pumunta na tayo sa baba, magsisimula na ang party mo"Sabi ni mama silas habang tinutulungan ako maglakad, habang si tita lecia naman ay kinuha ang make-up box niya sandali at siya na ang nagbukas nang pinto palabas
Nang makababa kami ay todo alalay parin silang dalawa saakin nagtatawanan pa kami habang naglalakad dahil kabado si tita lecia na baka masira ang make-up ko, hindi rin nagtagal ay nakarating din kami sa isang malaking wooden double door na may dalawang lalaki ang nakabantay, nang makita kami ay kaagad silang umayos at nakahanda nang buksan ang pinto sa oras na sabihan silang buksan iyun
Pinapwesto ako ni mama silas sa gitna at sandali pang inayos ang gown ko bago lumayo at may kinausap sa cellphone nito, ganun din ang ginawa ni tita lecia chineck niya sandali ang buhok ko at ang ayos nang mukha ko bago tuluyang lumayo saakin
Sa labas ay rinig na rinig ang biglang pagtugtog nang music at ang pagsasalita nang MC hindi ko masyado maintindihan dahil medyo mababa ang boses niya sa una pero nang tumagal ay naging malakas na din iyun
"She was raised filled with love and kindness. Everyone admires her for her beauty both inside and out. Her voice is beautiful. Her smile has no boundaries. Her heart is daring. Her mentality is prepared to explore. She's ready for any journey in order to enjoy companionship and pleasure. More sophisticated than timid, more daring than fun, allure than charming, attractive than lovely. She has certainly grown up, and what a stunning sight she was becoming. Ladies and gentlemen, please allow me to introduce the debutant. Let us all welcome MS. MAE HEART SANDOVAL, our gorgeous lady of the night."
_______________<3
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomansaNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...