CHAPTER 39
Sa isang maliit na hotel kami tumuloy ni carl nang makalabas kami sa gubat, halos ilang oras din kaming tumakbo palayo s alugar na iyun
"Here maligo kana, nabili ko toh dyan sa may labasan"Napatingin ako kay carl na kakapasok lang, tumayo ako at kinuha ang plastic na dala niya isang sunny dress ang laman nun tapos may...may..u-underwear
Kaagad akong namula nang makita ang dalawang pares na yun, tumingin ako sa kaniya na ngayon ay nakaiwas na ng tingin saakin. Hindi na ako nagsalita pa dahil sa hiya kaagad na akong pumasok sa cr na nandoon at naligo
Nang makalabas ako wala si carl pero merong siyang pagkain na iniwan sa ibabaw nang kama at isang notes na nakadikit doon
'Lalabas lang ako saglit, kumain kana at magpahinga'
-Carl
Matapos koong mabasa iyun naupo ako sa kama habang pinapatuyo ang buhok ko, hindi ko na naman naiwasan na isipin sila kuya kung ano nang nangyari sa kanila kung ok lang ba ang lagay nila. Alam ko hindi habang buhay makakpagtago kami ni carl kaya bago pa kami mahuli susulitin ko na ang mga araw na magkasama kami
sa kalagitnaan nang pagtulog ko nagising ako ng marinig ko ang pagbukas at sara nang pintuan. Napatigil si carl sa paglalakad palapit saakin nang makita niyang bumangon ako
"Did i wake you up?"Tanong niya muling naglakad palapit saakin humalik siya saglit sa nuo ko bago hinubad ang suot niyang damit at nahiga sa tabi ko
"Saan ka galing?"Balik na tanong ko sa kaniya at muling bumalik sa pagkakahiga
"I just had a talk to someone, come here let me hug you"Umusog ako palapit sa kaniya niyakap niya ako nang mahigpit at muling humalik sa nuo ko
"Ok ka lang ba?"Hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko, feeling ko may malaking problema siyang dinadala pero ayaw niyang sabihin saakin. Mahigpit akong yumakap sa kaniya at mas isiniksin ang sarili sa yakap niya
Alam ko na kahit magtanong ako sa kaniya hindi din niya sasabihin saakin kung ano iyun, ang tanging magagawa ko nalang ay ang mag stay sa tabi niya at ibigay sa kaniya lahat nang buong tiwala ko
Tanghali na ng magising ako napatingin ako sa tabi ko umaasang makikita si carl doon pero wala na siya pero may damit doon na nakatupi napabuntong hininga ako bago tuluyang tumayo para makapag-ayos. Habang nagpapatuyo nang buhok sa harap nang salamin sa cr napatigin ako sa kaliwang balikat ko, bakit may h-hickey ako dito?! hindi lang sa balikat ko pati din sa ilalim nang tenga ko meron din dun! shit paano ko matatago toh wala akong dalang pwedeng pangtakip
Nang makalabas ako sa cr nakabalik na si carl inaayos niya ang mga pagkain na dala niya sa isang maliit na lamesa, sandali siyang lumingon saakin at ngumiti bago muling bumalik sa pag-aayos nang mga dala niya
"Look what you did!"Turo ko sa mga kiss mark na ginawa niya
Inosente siyang tumingin saakin na para bang hindi siya ang gumawa nun, inis na naglakad ako palapit sa kaniya at hinampas ang dibdib niya
"Paano ko itatago toh carl! Tignan mo nga yung damit na binili mo?! Sleeveless dress!"
Pero imbes na sagutin ako mahina siyang tumawa at hinawakan ang kamay ko kinagat niya ang pang-ibabang labi niya para pigilan na matawa
"May nakakatawa ba?!"Inis na mahinang tanong ko sa kaniya
Umiling siya pero hindi parin naaalis yung ngiti sa labi niya, hinaplos niya yung balikat ko kung nasaan yung kiss mark paakyat sa leeg ko
"I'm sorry.... you're so beautiful that i couldn't resist giving you a kiss mark"Sabi niya sabay nakaw nang halik sa labi ko
"Kumain na tayo.. here maupo kana"Pinaghatak niya ako ng upuan bago niya ako inalalayan makaupo, umupo siya sa harapan ko bago niya nilagyan nang pagkain ang plato ko
"After natin dito bibiyahe tayo papuntang batangas, hindi tayo puwedeng mag stay dito dahil hanggang ngayon ay nandito pa din sila"Seryosong sabi niya tumango ako at nagsimula nang kumain. Matapos naming kumain ay kaagad din kaming umalis sa lugar na iyun pumunta kami sa may pinakamalapit na sakayan dito papuntang manila para doon kami sasakay nang papuntang batangas
Naka baggy jeans ako at isang black hoodie habang si carl Naman ay blue jeans at white hoodie. Pumunta kami sa isang terminal dito sa bataan kung saan ay sasakay kami ng ferry papuntang manila, naupo muna ako sa waiting area sa loob habang si carl ay bumibili nang ticket naming dalawa. Hindi rin naman nagtagal si carl sa pagbili dahil wala namang masyadong tao ngayon araw dito
"Tara na papaalis na yung sasakyan natin"
Kaagad akong tumayo at sabay na kaming naglakad sa gate number namin kung saan kami pupunta at sasakay. Pero hindi pa man kami tuluyang nakakapunta kaagad ko nang nakita ang mga taong humahabol saamin napahigpit ang hawak ko sa kamay ni carl kaya napatingin siya saakin
"Nandito sila carl"Bulong ko sa kaniya sinundan niya kung asan ang tingin ko at napasinghap siya, kaagad naming binilisan ang lakad namin hanggang sa makarating kami sa gate 3 kinuha ang ticket saamin bago kami pinapasok, pero hindi pa man kami tuluyang nakakaalis ay nakarinig na kami ni carl nang sigaw
"TUMIGIL KAYONG DALAWA!!"
Hindi kami lumingon diretso lang ang lakad namin hanggang sa makasakay kami, hinarang ng mga guard ang mga tauhan ni papi kaya hindi sila kaagad nakalusot, nang makasakay na ang lahat pasahero ay dahan-dahan nang umandar ang ferry na sinakyan namin
Ang mga tauhan ni papi hindi na nila kami naabutan dahil nang makalagpas sila sa guard ay nakaalis na ang sinasakyan namin. Mahigpit akong napahawak sa kami ni carl kinakabahan pa rin
"Don't worry, walang nakakaalam nang bahay ko sa batangas"Sabi niya tumango ako at ngumiti sa kaniya
Pero hanggang ngayon ay hindi ko parin maiwasang isipin kung bakit ay hindi nalang ako hayaan ni papi, bakit hanggang sa kasuluksulukan nang plipinas ay pinapahanap niya ako, yumakap sa likod ko si carl at hinalikan niya ang ulo ko
"Wag kang mag-alala, kung sakaling makita na nila tayo hindi ko hahayaang kunin ka nila at paghiwalayin tayo"
Tumango ako sa sinabi niya at humawak din sa kamay niyang nakayakap saakin.
_______________<3
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
Roman d'amourNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...