CHAPTER 33

2.8K 102 7
                                    

CHAPTER 32

Mabilis akong tumayo mula sa pagkaka-upo nang marinig ko ang pagbukas nang pintuan namin. Kaagad akong lumapit kay mommy nang makapasok siya sumunod nama si daddy at papi na pareho tahimik at kapwa malalim ang iniisip 

"Mommy si carl? Kamusta si carl"Nag-aalala na tanong ko pero imbes na sagutin ay malungkot lang siya na tumingin saakin, hinawakan niya ako sa magkabila kong braso at dinala ako sa sala sumunod naman sila daddy saamin, pinaupo niya ako sa sofa tumabi din siya nang upo saakin habang sila daddy naman ay nasa harapan namin nakaupo din sa dalawang single sofa doon 

"Mommy si carl... Kamusta siya? Ano bang nagyayari papi"Tumingin ako kay papi na nakayuko at malalim ang iniisip"Bakit mo ginawa yun papi? ano bang kasalanan ni carl sayo?"

Pare-pareho silang tahimik hindi magawang sagutin ang tanong ko na mas lalong nagpadagdag sa inis na nararamdaman ko. Padabog akong tumayo at hinarap si papi. I know na magmumukhang napaka disrespectful kung apo pero kung hindi ko na makayanan manahimik nalang at manatili sa dilim kailangan kung malaman ang rason ni papi, kailangan kung malaman kung bakit ganun nalang kagalit si papi kay carl 

"Papi ano ba! Ano ba talaga ang problema please naman papi sabihin mo saakin ano ba ang ginawa ni carl para magalit ka sa kaniya nang ganun"

Nag-angat siya nang tingin saakin ang mga mata niya ay naghahalo ang galit at lungkot doon, at emosyon na hindi ko matukoy kung ano

"Layuan mo ang lalaking iyun heart, hindi siya makakabuti sayo"Seryoso na sabi niya

"Papi hindi ko kaya, bigyan mo ako nang rason kung bakit ayaw mo sa kaniya..."

Tumayo siya at naglakad paalis sa sala"Stop being stubborn heart at makinig ka saakin kapag sinabi ko na layuan mo ang lalaking yun lalayo ka sa kaniya"

Kaagad akong tumakbo palapit sa kaniya para pigilan siya umalis, naiiyak akong humarap sa kaniya at umiling"Bakit?! Bakit mo ginagawa saakin toh papi?! Ano bang ginawa ni carl sabihin mo saakin, dahil kahit ano pang sabihin mo at kahit ano pang ginawa ni carl na mali hindi ko siya lalayuan dahil mahal ko siya papi.... mahal ko siya nakaya kong suwayin ang lahat nang gusto mo makasama lang siya"

Halos hindi ko na makita ang mukha ni papi dahil sa mga luha ko na walang tigil na bumubuhos, pero alam ko na hindi niya nagustuhan ang mga salitang sinabi ko dahil mahigpit niyang hinawakan angmagkabila kong braso 

"Gusto mong malaman ang totoo!!.... gusto mo malaman kung paano nila kinuha saakin si cordula... kung paano nila walang awang kinuha saakin ang babaeng mahal ko!... heart yun ba!! yun ba ang gusto mong malaman!"

Natigilan ako sa sinabi ni papi, paanong sila carl ang kumuha kay mama ano ba talaga ang nangyari. Binitiwan ako ni papi at naglakad na siya paalis

"Hindi ka lalabas nang mansion toh, hinding-hindi ko din hahayaan na magkita kayo nang lalaking iyun, kung kinakailangan dito ka mag-aral sa bahay dito ka mag-aaral kukunin ko din lahat ang phone at laptop mo at dadagdagan ko ang mga guards dito"Walang emosyon na sabi niya, tulala akong napaupo sa sahig namin nanghihina ang buong katawan ko, ang huling narinig ko nalang ayang pagtawag  saakin nila mommy bago tuluyang pumikit ang mga mata ko.

"Mam kumain na daw po kayo sabi nang mommy niyo, ilang araw na po kasi kayong hindi kumakain"Hindi ako sumagot at nanatili lang ako na nakatingin sa bintana hinihintay siyang dumating tulad nang dati

Ilang araw na ang lumipas, ilang araw na din akong hindi nakakapasok at lumalabas nang mansion namin, ilang araw na din akong hindi kumakain dahil wala akong gana, alam kong nag aalala na si mommy pero kahit siya ay walang magawa para pigilan si papi sa mga gusto nitong gawin 

Si kuya na tanging kakampi ko na lang ay wala din dito sa bahay, umalis siya nang walang paalam tanging isang sulat lang ang iniwan niya na wag na siyang hanapin dahil masaya na siya sa kung nasaan man siya 

Nakita ko na pumasok si mommy may dala-dalang pagkain, inilapag niya iyun sa coffee table bago lumapit sa katulong at pinaalis iyun, sunod naman ay naglakad siya  palapit saakin at nag-aalalang tumabi nang higa saakin 

"Anak kumain kana, ilang araw ka nang hindi kumakain nag-aalala na ako sayo"

Tulad nang mga nakaraang araw ay hindi ko siya sinagot, nanatili lang akong tahimik habang ang tingin ay nasa bintana parin. Narinig ko siyang bumuntong hininga bago humalik sa nuo ko at naglakad na papunta sa pinto 

"Kumain kana kahit kaunti lang ok..."Pagkatapos niya sabihin iyun ay umalis na siya napatingin ako sa pinto at hindi ko na naman napigilan na maiyak, gusto kung umalis pero hindi ko naman magawa dahil sa sobrang daming bantay na iniwan ni papi dito, kahit si mommy ay hindi rin ako hinahayaan na makaalis

Umayos ako nang upo nang may biglang nagbukas nang pinto, natigilan ako nang makita ang mayordoma namin si nanay lorna, nag-aalala siyang tumingin saakin bago sinarado ang pinto at inilock iyun. Lumapit siya sa pagkain na iniwan ni mommy at kinuha iyun bago naglakad palapit sa higaan ko 

"Kumain kana heart, kailangan mo maging malakas anak, hindi magugustuhan nang nobyo mo kapag nalaman niyang ginugutom mo ang sarili mo"Sabi niya bago nag sandok nang pagkain at itinapat iyun sa bibig ko 

"Nanay lorna..."Naiiyak na tawag ko dito, malungkot siyanng ngumiti at tumango saakin

"Alam ko anak na mahirap pero sa ngayo ay kumain kana muna, para magkaroon ka nang lakad"Tumango ako at kinain ang pagkain na pinapakain niya saakin. Nang matapos akong kumain ay nanatili si nanay lorna sa tabi ko, nakasandal ako sa kaniya habang ang isang kamay niya ay hinihimas ang buhok ko 

"Gusto kong makausap si kuya nanay lorna, pero hindi ko magawa dahil kinuha ni papi lahat nang gamit ko, gusto ko humingi nang tulong sa kaniya"Nanghihina na sabi ko kay nanay lorna maingat niyang inihiga ang ulo ko sa unan bago maay dinukot sa bulsa niya, nang mailabas niya iyun ay nagulat ako nang iabot niya saakin ang cellphone niya 

"Tawagan mo ang kuya mo habang may oras pa"Gulat akong napatingin sa kaniy, pero mabilis din nakabawi

Kaagad kong kinuha iyun at tinawagan ang number ni kuya, naka apat akong tawag bago niya tuluyang sagutin iyun

"Nanay lorna? Napatawag po kayo?"

Naiiyak akong napatingin kay nanay lorna na tumango lang saakin at ngumiti

"K-kuya..."Naiiyak na tawag ko sa kaniya

"Heart?"Muling tawag niya saakin tunog naninigurado 

"K-kuya please help me...."



_______________<3

The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon