CHAPTER 20
Napatingin ako sa bintana ng kwarto nang tumama sa mukha ko ang sikat ng araw, hindi ko man lang napansin na umaga na pala dahil sa lalim ng iniisip ko. Pagod akong bumangon mula sa pagkakahiga at inayos ang kama, pumasok ako ng bathroom para maghilamos at maligo narin
Malawak ang loob ng bathroom, pagpasok mo ay may isa pang pinto na nandoon mukhang iyun ang walk in closet, napunta naman ang tingin ko sa long sink, halos lahat ng kailangan ko ay nandoon na kaya naman ay nagsimula na akong maglinis at mag-ayos ng sarili
Nang matapos sa ginagawa ay kaagad akong lumabas ng kwarto, napatingin pa ako sa katabing kwarto ko bago tuluyang nag desisyon na bumaba na sa sala.
Hindi pa man ako tuluyang naka-baba ay kaagad na akong may naamoy na mabango mula sa kusina kaya naman ay doon na ako nagtungo...
Nanlaki ang mga mata ko nang papasok na sana ako ng kusina, nagluluto si carl ngayon walang suot na pang itaas tanging ang apron lang ang suot, nakatalikod siya saakin kaya naman ay malaya kong napagmamasdan ang likod niya
Pero yun ang akala ko...
"You can take a picture if you want"sabi niya habang patuloy na nagluluto at nakatalikod saakin
Napaatras ako sa gulat nang bigla siyang magsalita, how the fuck did he know that im already here??!!, sobrang tahimik kong maglakad na parang hangin lang na dumaan!!
Nag iwas ako ng tingin at umalis na doon para umupo sa may dining table , i heard him laugh kaya napairap nalang ako para mabawasan ang hiya na nararamdaman
Kaagad akong umupo at pinagmasdan ang dagat na nasa labas, hindi gaano malakas ang alon at hindi pa medyo maiinit, ang sarap siguro kumain doon. Napansin ko ang lamesa na nasa open tent na nakita ko kahapon, wala yun doon ah?! Si carl ata naglagay..
Bago ko pa maipagpatuloy ang pag iisip ay may humawak sa balikat ko kaya naman ay napaangat ang tingin ko doon
"Kakain tayo sa labas, tara na"sabi ni carl habang dala-dala ang pagkain na niluto niya
Kaagad na nagliwanag ang mukha ko dahil sa tuwa, kakain kami sa labas na kanina lang ay nasa isip ko
Kaagad akong tumayo at nauna nang lumabas, narinig ko pa ang mahina niyang tawa bago tuluyang sumunod saakin. Kaagad akong naupo habang si carl naman ay inaayos ang mga pagkain sa harap namin
"I don't actually eat heavy food in the morning"kaagad na sabi ko nang makita ko na may kanin, bacon, hatdog, egg siyang niluto
Sandali siyang napatigil at tumingin saakin
"I didn't know, spencer didn't tell me"sabi niya habang patuloy parin sa paglapag nang pagkain sa lamesa
"It's ok, ok narin yan kaysa sa hindi ako kumain diba"sabi ko sa kaniya habang ang paningin ay nasa dagat parin
"If you want to swim you can, pero siguro kapag hindi na maiinit"tumango ako sa kaniya, nilagyan niya muna nang pagkain ang plato ko bago siya tuluyang umupo sa harap ko at ang plato naman niya ang nilagyan niya
"After this ano nang gagawin natin?"tanong ko, napatingin siya saakin bago ibinalik ang tingin sa pagkain
"May ipapakita ako sa mamaya, mas suot ka narin nang pangligo mo"
Nag angat ako nang tingin sa kaniya nang marinig ang salitang pang ligo, meron nang idea ang pumasok sa utak ko, kaagad akong tumango at binilisan na ang pagkain
Nang matapos ay ako na ang naghugas nang pinagkainan namin, habang siya naman ay nag-aayos nang mga dadalhin namin. Nang matapos siya ay natapos narin ako sa paghuhugas, Isang medyo may kalakihan na bag ang dala niya laman nun ay ang mga pagkain namin at ang mga damit na panpalit
"Let's go"sabiya niya sabay lahad nang kamay niya sa saakin
Kaagad ko namang tinanggap iyun, sabay kaming naglakad palabas nang bahay. Sa kanang direksyon kami naglakad papalapit sa malalaking bato na nasisiguro ko ay sa kabilang side nun kami pupunta, na una siya sa pag-akyat at sumunod naman ako
Ingat na ingat ako sa pag-akyat dahil isang pagkakamaling hakbang lang ay masusugatan ako. Nakahinga ako nang maluwag nang maka-akyat na kami sa pinaka taas nun. Naglakad pa kami hanggang sa makarating na kami sa dulo, halos kagubatan na ang nasa paligid namin pero wala paring tigil sa paglalakad si carl kaya naman ay sumunod nalang ako dahil baka maligaw pa ako dito
Sa ilang minutong paglalakad namin ay napatingin ako kay carl nang may narinig akong malakas na buhos nang tubig hindi kalayuan saamin. Napahinto si carl sa paglalakad at ganun din ako sabay tingin sa kung saan siya nakatingin din
Halos matulala ako sa ganda nang nasa harapan ko ngayon, sa isang falls ako dinala ni carl hindi ako nakapagsalita nang ilang segundo dahil sa pagka mangha, bago ako tuluyang napatingin kay carl na kanina pa pala niya pinapanood ang bawat emosyon na dumadaan sa mukha ko
Mahina siyang natawa nang tuluyan na akong lumingon sa kaniya
"Ano dito nalang ba tayo? ayaw mong maligo?"Sabi niya kaagad akong umiling na mas lalo pa niyang ikinatawa
Muli kaming naglakad pababa na ngayon sa falls, may isnag kubo doon sa gilid doon namin inilagay ang mga gamit namin, lumabas ako at nauna nang pumunta sa falls habang si carl naman ay inaayos pa ang mga gamit namin
Marunong naman akong lumangoy kaya kaagad kung hinubad ang suot na dress at tanging short lang at ang bikini na suot ko ang naiwan, pagkahubad ko nun ay napatingin pa muna ako kay carl, nang makita busy pa siya sa pag aayos, ay kaagad na akong tumalon
Sobrang lamig nang tubig pero dahil sa sobrang sabik sa pagligo ay hindi ko na nagawa pang pansinin iyun, lumangoy ako sa gitna papalapit sa falls, naupo ako sa may malaking bato na nandoon habang ang tubig sa falls ay tumatama sa likod ko
Tahimik akong nakaupo doon nang bigla nalang ako makaramdam na merong humawak sa paa ko, dahil sa gulat ay kaagad kong inangat ang paa ko dahil sa takot, pero nakahinga lang ako nang maluwag nang umahon si carl mula sa tubig
"Ano ba!tinatakot mo ako eh!"Inis na sabi ko sa kaniya, pero tanging mahinang tawa lang ang binigay niya saakin bago tumabi nang upo saakin
"Ang ganda dito noh"Sabi ko habang tumitingin sa paligid
" I know, this is actually my hideout.... my family doesn't know that i bought this place"Sabi niya habang ang tingin ay nasa tubig
"Then why did you brought me here?!"Tanong ko sa kaniya, Hideout niya ito diba? Dapat walang makaalam nito kung hindi siya lang at wala nang iba
Tumingin siya saakin and then he smile at me
"Now that you know this place, keep it a secret... dapat tayong dalawa lang ang makaalam nang lugar na ito wala nang iba"He said before holding my hand. Tumingin siya sa mga mata ko bago niya iniangat ang mga kamay ko palapit sa labi niya at hinalikan ang likod nun.
Hindi rin kami nagtagal dun lumipat naman kami sa pagligo sa dagat hanggang sa maghapon ay nandoon lang kami. Papalubog na ang araw nang matapos kami sa pagligo i wear a floral dress na nasa cabinet dito.
Lumabas ako nang kwarto para sana hanapin si carl sa baba pero wala siya doon kahit sa kusina ay wal rin siya, kung hindi pa ako lalabas papunta sa dagat ay hindi ko malalaman na nandoon siya nakaupo sa may buhanginan
Naglakad ako palapit sa kaniya at tumabi nang upo, sabay naming pinagmasdan ang paglubog nang araw
"Babalik na tayo bukas" Mahinang sabi ko" I want to stay here.. kung puwede lang sana"Ramdam ko ang paglingon niya saakin, kaya nilingon ko rin siya, He smile at me before holding my hand
"Puwede naman tayong bumalik dito.. anytime baby"
Sabi niya i smile at him before nodding at him. Tumitig siya saakin, bago niya unti-unting inilalapit ang mukha niya saakin... napapikit ako nang maramdaman ang paglapat nang labi niya saakin, it's just a slow kiss turn into a deep one.
We kiss deeply under the sundown...
_______________<3
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomanceNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...