CHAPTER 42
At first glance, I knew she was the right woman for me. Simula pagkabata siya na ang minahal ko kahit alam kong bawal at hindi puwede umasa parin ako. Kahit na maraming hadlang mas pinili ko paring manatili sa tabi niya
"Let me fix your hair carlie"napangiwi ako sa nickname na binigay niya saakin
"Stop calling me Carlie it's Carl, not Carlie"
Kahit ilang beses ko ata siyang pagsabihan na wag akong tawagin na carlie hindi siya makikinig. Lumapit siya saakin at gamit ang maliliit na kamay niya pinagpagan niya ang dumi sa damit ko
"Napaka bad talaga ni charles, he doesn't have to push you in the mud hindi ka naman pig ah"
Sabi niya habang nakakunot ang nuo at pilit na inaalis ang dumi sa damit ko napangiti ako dahil ang cute niya tignan, pagkatapos naman nun ay inayos din niya ang nagulo kong buhok dahil sa away na nangyari kanina. paano ba naman kasi kasalanan ko ba na mas gusto akong kasama ni heart kaysa sa kaniya
"Bakit kasi hindi ka lumaban?"Pareho kaming napatingin ni heart sa likod niya
Napa-iwas ako ng tingin ng makita ko si kuya cali na masama ang tingin saakin
"Kuya wag mo na nga siyang pagalitan, look at him ang dumi-dumi na niya dahil kay charles"Nakanguso na sabi ni heart, napabuntong hininga si cali at tumabi ng upo saakin
"Sa susunod wag kang papatalo sa loko na yun, mas malaki ka sa kaniya tingting lang katawan nun"
Pareho kaming natawa ni heart sa sinabi niya, hindi ko alam na kahit pala siya ay may galit din sa baliw na yun
Nang matapos si heart sa pag-ayos ng buhok ko umupo siya sa kabilang side ko, kasunod nun ay ang paglahad niya ng pinky swear niya saakin
"Don't worry as long as kasama mo ako at si kuya kaming bahala sayo we will protect you from him"
"Yeah hanggang sa matuto ka nang lumaban mag isa, kaming dalawa muna ang bahala sayo"Sabi naman ni kuya cali umakbay pa saakin
Hindi ko naman kailangan na protektahan nila ako mula sa baliw na yun, I can protect my self ako dapat ang proprotekta sa kaniya dahil siya ang babae. Pero tinanggap ko parin ang pinky swear niya dahil alam kong iiyak siya kapag hindi ko tinanggap iyun
Walang araw na hindi kami magkasama kung minsan tumatakas pa ako sa bahay namin para lang makipag laro sa kaniya. Ilang beses na akong pinagalitan ng lolo ko dahil sa pagdikit ko kay heart ilang ulit niya akong pinagsasabihan na layuan ko siya pero hindi ko ginawa, hindi niya ako binibigyan ng magandang dahilan kong bakit niya ako pinapalayo kay heart kaya wala ring dahilan para lumayo sa kaniya
Isang beses na nagplano ako na tumakas ulit nahuli ako ng mommy ko na lumulusot sa gate namin, napailing siya at sa huli ay ngumiti din
"Hay naku napakatigas talaga ng ulo mo, here ibigay mo sa anak ni mia favorite niya yan"
Napatingin ako sa inabot saakin ng mommy ko na box, cup cake ang laman nun na may chocolate sa ibabaw napangiti ako dahil tama siya favorite nga ni heart ang cup cake na ganito
Nagpaalam ako sa mommy ko na aalis na para pumunta sa park kong saan kami palaging nagkikita ng makarating ako doon ay wala pa siya kaya naupo muna ako sa isang bench doon para hintayin siya
Pero lumipas ang mahabang oras walang heart na dumating, papalubog na ang araw ng makita ko ang mommy ko na palinga-linga at kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala ng makita niya ako
"Oh my god nandito ka lang pala, we need to go now!"Mabilis niya akong hinila patayo at naglakad, pero mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomanceNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...