CHAPTER 19
"Hindi ko alam kung saan kayo pupunta pero, mag iingatt ka heart"paalala saakin ni kuya ng makababa ako, ngumiti ako sa kaniya at yumakap
"Wag kang mag-alala kuya, mag-iingat ako kasama ko naman si carl"sabi ko sa kaniya
"Alam ko pero wala akong tiwala sa kaniya"sabi niya at galit na tumingin sa kung saan. Mahina akong natawa bago lumayo sa kaniya
"Promise mag iingat ako, walang mangyayari saakin dahil kasama ko si carl"natatawang sabi ko sa kaniya tanging tango lang ang sagot na binigay niya saakin bago kami parehas na napalingon sa pinto ng bumukas iyun at pumasok ang isa sa mga katulong namin kasabay ng pagpasok niya ay ang pagpasok din ni carl
His wearing a simple black shirt partner with jeans and a timber shoes, napaka simple lang ng suot niya pero ang lakas ng dating, siguro dahil magaling din siyang magdala, He smiled when he saw me naglakad siya palapit saakin akmang yayakap nang humarang si kuya sa pagitan naming dalawa
"Saan kayo pupunta?"kaagad na tanong niya kay carl, ngumiti si carl tumingin saakin bago ibinalik ang tingin kay kuya
"Somewhere"Maikling sabi niya na ikinasama ng mukha ni kuya, pinigilan ko ang matawa ng malakas dahil alam kung mas lalo lang magagalit si kuya
"Magpapaalam lang ako kay nanay lorna tapos alis na tayo"Sabi ko kay carl tumango naman siya kaya pumunta na ako sa kusina
Nang makarating ako sa kusina ay naghuhugas nang plato si nanay lorna kaya tahimik akong naglakad palapit sa kaniya at yumakap patalikod
"Jusko kang bata ka, wag mo naman akong ginugulat nang ganun"Gulat na sabi ni nanay lorna kaya natawa ako
"Sorry po nanay lorna, magpapaalam lang sana ako aalis na kami ni carl"
"Carl? kaibigan mo"Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, hindi ko pa pala nasasabi kay nanay lorna ang tungkol kay carl
Tumango ako nalang ako"Opo"
"Oh sige mag-iingat kayo"Sabi niya nang matapos ako makapag paalam bumalik ulit ako sa sala, tumabi ako carl at humawak na sa braso niya
"Mauuna na kami kuya, no need to worry kasama ko si carl ok"sabi ko, hindi siya sumagot pero masama parin ang tingin niya kay carl hanggang sa makalabas kami
Pagkalabas namin ng gate isang puting SUV ang naka park sa harapan namin
"Sasakyan mo? mukhang bago ah"tanong ko, halatang bagong bili kasi ang sasakyan niya
"Yeah, dad give it to me"sabi niya bago ako pinagbuksan ng pinto, inalalayan din niya ako sa pagsakay
"Where are we going by the way? wala ka kasing sinabi nung inaya mo ako"tanong ko sa kaniya habang inaayos ang pag-suot ng seatbelt
"It's a secret"Sabi niya bago ako tulungan sa pag suot ng seat belt, lumingon ako sa kaniya para sana pilitin siyang sabihin kung saan kami pupunta, na sana pala ay hindi ko nalang ginawa. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, kahit siya ay nagulat din sa paglingon ko.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin at hinayaan nalang na siya na mismo ang mag-ayos ng seatbelt ko, sinara niya ang pinto sa gilid ko bago umikot at sumakay sa driver seat at
"Medyo malayo ang pupuntahan natin kaya puwede kang matulog kung gusto mo"sabi niya habang inaatras ang sasakyan at tuluyan ng umalis palayo sa bahay namin
Akala ko nung una ay nagbibiro lang siya sa sinabi niyang malayo ang pupuntahan namin, pero hindi pala
"Gutom ka na ba? Drive thru nalang tayo"sabi niya bago gumilid at pumunta sa drive thru ng jollibee
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomanceNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...