CHAPTER 11

3.6K 109 2
                                    

CHAPTER 11

This is the day kung kailan kami gagawa ng project namin sa science, ang sabi nila ay susunduin nalang nila ako dito sa bahay para sabay-sabay na kaming pupunta sa bahay nang lalaking yun. Napairap ako ng maalala na naman ang lalaking, hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang ginawa niya saakin sa may garden

Hindi ko alam kung saan siya nakakakuha ng lakas ng loob para gawin iyun, baka nakalimutan niya na kapatid ako ng kaibigan niya, napabuntong hininga nalang ako dahil kahit na anong gawin kung pagsaway sa kaniya ay hinding-hindi iyon makikinig sa mga sasabihin ko

Napaayos ako ng upo ng makita kung pababa si kuya may dala-dalang libro, napatingin siya saakin bago napatingin sa suot ko

"Your going out?"tanong niya ng makalapit siya saakin at tumabi ng upo saakin

"Yeah...project"maikling sabi ko, napabuntong hininga ako at dahil malapit lang si kuya saakin ay narinig niya iyon, patigilid siyang umupo paharap saakin at seryosong tumitig saakin

"May problema ba?"tanong niya tumingin ako sa kaniya at muliing napabuntong hininga

"Gaano mo na katagal kilala si carl?"tanong ko

"Hmm.."nakatitig lang siya saakin habang nag-iisip ng isasagot"Almost five years i think"mukhang hindi pa siya sigurado sa sagot niya, mahina siyang natawa kasabay nang pag iling-iling niya

"Ganun na pala kayo katagal mag kakilala"sabi ko at umiwas ng tingin sa kaniya"Hindi ko man ang alam"nagtatampo kung sabi na ikinatawa niya

"Come on..remember nang sinubukan kung mag kwento sayo about sa mga kaibigan ko"Tumawa na naman siya ng malakas"Galit na galit ka saaakin nun dahil sobrang ingay ko..hindi ako matigilsa pagkukwento tungkol sa kanila"

Napairap na naman ako ng maalala yun, hanggang ngayon parin ba naalala pa niya iyon eh ako nga niisa wala nang maalala kung hindi pa niya sasabihin saakin hindi ko na maalala pa ulit

"Bakit mo nga pala natanong yun, may problema ba?"tanong niya tuluyan nang napunta saakin ang atensyon niya

Muli akong napa-buntong hininga"Si carl kasi, nakakainis kung ano-ano na ang pinag-gagawa saakin akala mo close kami eh ilang araw palang naman niya akong kilala"inis nasabi ko hindi ko na napigilan ang bibig ko na mag kwento kay kuya, simula una hanggang sa garden sinabi ko lahat sa kaniya

Pero imbes na maging seryoso siya, ay tinawanan pa ako bawat kwento ko tawa ang sinusukli niya saakin, dahilan para mas lalo pang madagdagan ang inis na nararamdaman ko. Masama ko siyang tinignan ng tumigil na siya sa pagtawa

"Sorry...hindi ko napigilang tumawa"natatawa parin niyang sabi, napatakip pa siya sa bibig niya para lang pigilan ang tawang gustong kumawala doon

"Hindi ok lang tumawa ka lang hanggang sa mag-sawa nakakahiya naman sayo"matapos kung sabihin iyun ay muli na naman siyang tumawa ng malakas, hindi ako makapaniwalang tumitig sa kaniya, nakakainis habang ako inis na inis dito siya naman ay tuwang-tuwa naman sa mga naririnig sa kwento ko

Ng matigil na siya sa pagtawa ay muli siyang tumingin saakin, inilagay niya ang kamay niya sa ulo"Mabait yun, magtiwala ka saakin hinding-hindi ka sasaktan nun"sabi niya na halatang ang malaki ang tiwala niya sa lalaking iyun

hindi nalang ako nagsalita at inirapan nalang siya"Wala akong tiwala sayo kuya"mahinang sabi ko pero sapat na para sa kaniya na marinig iyun, malakas ulit siyang tumawa at bumalik na ulit sa pagbabasa

Sabay kaming napalingon ni kuya sa may maid na papasok, may dala-dala pang basahan na mukhang naglilinis pa lumapit siya saamin at bumati muna kau kuya bago ako nilingon

The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon