"Mommy look, I drew it earlier and my teacher said it was beautiful so she gave me many stars"
Masayang tumatakbo palapit saakin si crystal habang pinapakita ang mga star niya sa kamay, nakangiti ko siyang sinalubong at binuhat siya. Inabot niya saakin ang papel na hawak niya at pinakita saakin. Mahilig si crystal sa arts kaya hindi na nakakapagtaka na maganda ang gawa niya
Hindi nga namin alam kung kanino niya na mana ang hilig sa arts dahil pareho kami ni carl na average lang ang galing pagdating sa arts
"Wow very good anak, ang ganda-ganda ng gawa mo"
Tuwang-tuwa siya ng sabihin ko iyun sa kaniya. Ilang taon na ang lumipas masaya pa rin kaming nagsasama ni carl may mga araw na nagkaka problema kami pero mabilis din naming binibigyan ng solusyon iyun
Napatingin ako kay crystal ng mabilis siyang bumaba sa upuan niya at tumakbo papuntang sala, akala ko kung anong meron pupuntahan lang pala niya si carl na handa ng umalis para pumunta sa trabaho
"Ang ganda naman ng gawa mo, ang dami mo ding star veryyy goodd"Sabi niya sabay halik sa pisnge ng anak namin, ikinatawa naman ni crystal
Sabay silang napatingin saakin ng makita nila akong makapasok sa sala, malakas ang napabuntong hininga dahil hindi maipagkakailang mas kamukha ni crystla ang daddy niya kaysa saakin, pati ang way ng pagtitig saakin kuhang-kuha niya
Inilapag ni carl si crystal bago naglakad palapit saakin, humalik siya sa labi ko bago bumulong
"May laman na ba?"
Natigilan ako sa naging tanong niya, nung una hindi ko pa maintindihan iyun, ilang sandali pa akong nag-isip bago tuluyang nag sink in saakin ang ibig-sabihin niya. Malakas k siyang hinampas na ikinatawa niya ng malakas
"Loko ka talaga, nandyan yung bata!"Inis na bulong ko sa kaniya
"Di naman niya narinig eh"Natatawa niyang sabi inirapan ko lang siya at tinulak na palabas ng bahay
"Pumasok ka na nga lang, umuwe ka ng maaga bibisita sila mommy mamaya"
Paalala ko sa kaniya bago siya sumakay sa sasakyan niya, tumango siya saakin bago kumaway. Hinintay ko na munang umalis siya bago ako pumasok sa loob. Pinaghanda ko ng ko muna ng tanghalian si crystal bago ako naglinis ng bahay habang kumakain siya
Wala kasi ang mga kasambahay namin free day kasi nila kahapon at mamaya pa ang dating nila
Nang matapos ako sa paglilinis sumalampak ako ng upo sa sofa para sana magpahinga saglit ng biglang ako makatanggap ng tawag, tamad kong inabot ang phone ko na nasa coffe table at tinigna kung sino iyun. Napailing ako ng makita ko ang pangalan ni sam sa facetime
"Napatawag ka?"Kaagad na tanong ko na ikinatawa niya
"Wala man lang hi o kamusta"nakangiti pero naiinis niyang sabi saakin, mahina akong natawa dahil dun
"Kailan ka uuwi dito sa pilipinas, mukhang inenjoy niyo na ata pag stay mo dyan sa switzerland at wala na kayong ballak umuwe"
Simula kasi ng ikasal sila ni tyler doon na sila ng stay, hindi ko nga din alam na may anak na sila, nagulat nalang ako ng sabihan niya ako na ninag daw ako ng anak niya
"Actually nagplaplano kaming umuwe dyan at dyan na mag stay for good, since si tyler na ang hahawak ng negosyo nila"Sabi niya
"Maganda din para makilala ko na din ang inaanak ko ghod sam, ginawa mo akong ninang ng hindi ko man lang nakikita ang anak mo"Inis na sabi ko sa kaniya pero tinawanan lang niya ako
Hapon na ng matapos kami sa pag-uusap ni sam, sakto din na kadadating lang din nila ate sisi at sila na ang nagluto ng mga kakainin mamaya para sa dinner. Inuna kung ayusan si crystal bago ako ang sumunod na maligo at mag-ayos
Habang nagpapatuyo ako ng buhok sakto naman na kakauwi lang din ni carl galing sa trabaho, lumapit siya saakin at humalik sa pisnge ko mahigpit din niya akong niyakap mula sa likod at isiniksik ang ulo niya sa pagitan ng balikat at leeg ko
"Magpahinga ka muna bago ka maligo, maya-maya nandito na sila mommy"Sabi ko sa kaniya hindi siya sumagot pero tumango lang siya, bumitaw siya sa pagkakayakap saakin at humiga sa kama saglit siyang nagpahingaa bago tahimik na pumasok sa bathroom
Nang makababa ako nagulat ako ng makita ko sila mommy at daddy na nasa sala na, habang si papi naman buhat-buhat si crystal at pareho silang nagtatawanan. Napangiti ako ng makita iyun ang ganda nilang pagmasdan
"baby? bat nakatayo ka lang dyan"Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni carl mula sa likod ko
"Nandito na sila, hinihintay lang kita na bumaba"Sabi ko at binigyan siya ng ngiti, sabay kaming pumunta sa sala para puntahan sila. Nang makita nila kami kaagad silang lumapit saamin
"Hi mommy kamusta na po kayo?"
"Ganun pa din malakas pa din tulad ng dati"Natatawang sabi nito sabay halik sa pisnge ko at ganun din kay carl
"Papi kamusta?"Tanong ko ng makalapit ako sa kaniya at mahigpit na yumakap
"Tuulad ng sabi ng mommy mo, walang pinagbago"Natatawang sabi niya kaya natawa din ako. Nag-usap muna kami sandali bago pumunta sa dining area para kumain. Ilang oras ding nagtagal sila mommy sa bahay namin bago sila umalis dahil may pupuntahan pa daw sila at ganun din si papi
Inutusan ko si ate sisi na bihisan at patulugin na si crystal, bago ako pumunta sa kwarto namin para magbihis na ng pangtulog. Nang makalabas ako ng walk in closet nagulat ako ng bigla akong hilain ni carl palapit sa kaniya at mabilis akong hinalikan
Kaagad ko din namang tinugon ang halik niya, ipinatos ko ang mga kamay ko sa leeg niya habang dahan-dahan niya akong itinutulak papuntang kama at inihiga doon.
Tatanggalin na sana niya sa pagkakatali ang night gown ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto namin, mabilis ko siyang tinulak palayo saakin kaya napa-upo siya sa sahig at mahinang dumaing sa sakit, pero hindi ko siya pinansin mabilis kong inayos ang damit na suot ko at humarap sa anak naming may dala-dalang unan at pilit na umaakyat sa kama
"Baby b-bakit ka nandito!"Natataranta kong tanong sa anak namin habang tinutulungan ko siyang umakyat sa kama
"Mommy can I sleep in here?, gusto kitang katabi mag sleep tonight"Masayang sabi niya o-oo na sana ako ng unahan ako ni carl
"No you can't, you have your own room baby"Mabilis niyang sabi sa anak hindi siya pinansin ni crystal bagkos na saakin ang ang tingin nitoo
"Diba mommy I can sleep in here with you pleaseee~"
Tumingin ako carl umiling siya at nagmamakaawang wag ako pumayag, pero hindi ko naman matatanggihan ang anak namin kaya umiling nalang ako sa kaniya
"Sorry pero next time nalang"Bulong na sabi ko sa kaniya bago tumabi ng higa sa anak namin, mabilis namang lumapit si crystal saakin at yumakap
"Fuck! Dapat pala hindi muna kita binuntis!"Bulong niya na ikinatawa ko
Pero sa huli tumabi din siya saamin, ngayon nakayakap na siya kay crystal at si crystal naman ay nakayakap sa daddy niya. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan silang dalawa, wala na akong ibang mahihiling pa dahil sobra-sobra na ang biyayang binigay saakin
Isang mabuting asawa, at anak na sobrang mapagmahal at ang isa pang bagong padating na magiging part ng family namin. Napangiti ako at humawak sa tyan ko
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomanceNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...