Chapter 16
Mariin akong napapikit pilit na pinapakalma ang sarili, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa walang tigil niyang pag sunod saakin. Hindi pa nga ako nakaka move on sa sinabi niya kanina tapos ito na naman siya, nakasunod saakin kahit saan ako pumunta, at mas nakakailang pa eh na saamin ang mga tingin ng tao na madadaanan namin
Nang makarating kami sa tapat ng room namin ay doon ko lang siya nagawang lingunin, tinignan niya ako ng puno ng pagtataka, nag iwas ako ng tingin at napabuntong hininga bago siya tinignan ulit
"You know what....hindi mo naman ako kailangan sundan ng sundan eh"sabi ko sa kaniya"Can't you see? Na saating dalawa ang atensyon nila"
Napatingin siya sa paligid niya, at sa bawat taong madadaanan ng tingin niya ay napapaiwas ng tingin, kaya ng humarap siya saakin ay tinaasan niya ako ng kilay
"No one is lookin heart..."Sabi niya saakin, puno ng pagtataka ang mga mata niyang nakatitig saakin hindi maintindihan ang sinasabi ko
Sino ba naman kasi ang gustong makatitigan ka!wala...wala niisa!titigan ka palang nila eh tatakbo na sa takot!
Gusto kung sabihin sa kaniya iyan pero pinigilan ko ang sarili ko, bahala na siya, muli akong napabuntong hininga bago naglakad pabalik sa table ko. Kaagad naman siyang sumunod saakin pero hindi na tulad kanina, nakaupo na siya ngayon kung nasaan ang table niya ipinatong niya ang ulo niya sa lamesa at sa direksyon ko na naman nakatingin
Hindi ko na sinaway pa dahil hindi rin naman makikinig ang isang toh....matigas ang ulo!!
Natapos ang klase namin na ganun parin ang puwesto niya, hindi ba siya nangangalay sa puwesto niya, simula kaninang umaga pa kasi ganyan ang itsura niya, gagalaw lang kapag lunch time tapos kapag class hour na ganun ulit ang puwesto ng lalaking toh. Napailing-iling nalang ako at itinuon nalang ang buong atensyon sa pag aayus ng gamit, dahil kahit ano namang gawin ko hindi naman siya makikinig
Sumabay ako ng paglabas ng room kayla heia habang si carl ay hinila naman palayo ng mga kaibigan niya kaya hindi na siya nakasunod saakin ng makalabas kami
"Hindi na ako magugulat kung isang araw may boyfriend na si heart"sabi ni heia na may ngiti sa labi
Napailing ako"Imposible yan kaibigan ko lang ang lalaking yun"sabi ko na sinamahan pa ng mahinang tawa
"Hindi natin masabi, at isa pa kailan mo pa naging kaibigan yun?!"tanong ni Rina
Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita pa, hindi ko naman puwedeng sabihin na nagkikita kami ng gabi sa kwarto ko at baka kung ano pa ang isipin nila. Nakarating kami sa parking area saktong pagdating namin ay nandoon na ang mga sundo nila at si kuya naman na naghihintay din saakin sa tapat ng sasakyan niya
"Oh paano ba yan i will see you guys tomorrow nalang hah ingat kayo"sabi ko at kumaway sa kanila, nagpaalam din sila saakin bago nagsipagsakayan sa mga van nila, naglakad naman ako palapit kay kuya, napatingin pa ako sa likod niya dahil hindi ko makita si ate ciana
"where is ate ciana?"tanong ko, dahio ngayon ko lang ata nakitang hindi sila magkasama
"Inihatid ko na maaga siyang umuwe, nandoon na kasi ang parents niya sa bahay nila"tanging sabi niya lang saakin bago ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan
"How about mom and dad, hindi pa ba sila uuwe?"Mag iisang buwan na silang nasa ibang bansa kasama si grandpa, pero hindi parin sila umuuwe
"I don't know, hindi pa sila tumatawag saakin ang huling pag-uusap namin ni dad last week pa, pero wala siyang nabanggit about sa pag uwe nila"sabi niya habang pinapaandar ang sasakyan
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomanceNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...