CHAPTER 38
Mahigpit akong napakapit kay carl ng biglang magpaputok nang baril ang mga sumusunod saamin, kahit anong bilis nang pag dradrive ang gawin ni kuya lucas ay naabutan parin nila kami
"Tangina! Hindi natin sila maliligaw masyado silang madami, Ano nang gagawin natin cali!?"Inis na may halong kaba na sigaw ni kuya lucas kay kuya
"Just keep driving tatawagan ko sila tyler"
Kaagad na kinuha ni kuya ang cellphone niya ilang beses niyang tinawagan sila tyler pero walang sumasagot sa
"Fuck! damn it hindi ko sila ma-contact!"Halos lahat kaming nasa loob ay nag-alala at kinabahan nang sabihin ni kuya iyun
"Imposible tawagan mo sila ulit!"Sigaw ni Aiden, kaagad namang tinawagan ulit ni kuya pero kahit anong tawag ang gawin niya ay hindi talaga sila sumasagot. Wala na akong pagpipilian pa kundi ang tawagan sila sam, inabot ko ang bag na nasa baba ko at kinuha ang cellphone na binigay saakin ni nanay lorna
"What are you doing babe?"Tumingin ako kay carl sandali bago ko binalik ang tingin sa cellphone na hawak ko
"Tatawagan ko sila sam, matutulungan din nila tayo"
Kaagad kong inilagay sa phone call at inilagay doon ang number ni sam, ilang ring pa ang lumipas bago tuluyang sumagot ang nasa kabilang linya
"Hello sino toh?"
"Sam si heart toh"
"Heart? Where the hell are you? Ok ka lang ba?"Sunod-sunod na tanong niya
"No im not ok.. we're not ok hinahabol kami nang mga tauhan nila papi ngayon kailangan namin nang tulong nila tyler, kanina pa sila tinatawagan ni kuya pero hindi sila sumasagot, kasama mo ba siya ngayon?"
"Heart... kinuha sila nang lolo mo nung araw na tinulungan nila makatakas yung isang friend nila na pumunta dyan sa inyo"Sabi niya na ikinagulat ko napatakip ako sa bibig ko at napapikit nang mariin. No... no please no... wala sanang mangyari sa kanila na hindi maganda
"No please god no... alam mo ba kung asan sila"
"Hindi ko alam sinubukan naming tumulong nila heia pero kahit kami pinagbantaan nang lolo mo kaya wala kaming nagawa, kahit ang mga parents namin hindi nila kami hinahayaan na lumabas nang bahay heart"Napahilot ako sa sintido ko ano nang gagawin namin
"Sam thank you need ko nang ibaba--"Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang isang boses sa kabilang linya na hindi pamilyar saakin
"Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?!"Halata sa boses ni sam ang kaba
"Sumama ka saamin"Sabi nang isang lalaki
"Sam anong nangyayari dyan?"Nag-aalala kong tawag sa kaniya
"Hindi ako sasama sa inyo!bitawan niyo ako!"Iyun nalang ang huli kong narinig bago naputol ang tawag
"Sam"Naiiyak akong tumingin kay carl at kay kuya
"K-kinuha sila tyler ni papi kuya, n-ngayon sila sam n-naman"Matapos ko sabihin iyun hindi ko na napigilan pang umiyak, mahigpit akong niyakap ni carl habang si kuya ay sunod-sunod na napamura nang marinig ang sinabi ko
"Wala nang ibang makakatulong saatin kung hindi tayo-tayo nalang"Mahinang sabi ni kuya lucas kasabay nun pagsuntok niya sa manibela"Kumapit kayo nang maiigi"Matapos niya sabihin iyun ay mabilis niya ulit pinaandar ang sasakyan, iniliko niya ang sasakyan papasok sa isang liblib na lugar may mga nagtataasang puno doon
"Idadaan ko toh sa gubatan malapit dito, carl at heart bumaba kayo kung saan ko ihihinto ang sasakyan, tumakbo kayo palayo sa lugar na toh wag kayong titigil hanggat hindi kayo nakakalayo"
Napa-angat ako nang tingin kay kuya lucas sunod naman kay kuya na nakayuko lang at hindi nagsasalita
"Paano kayo?"
"Kung kinakailangan namin mag sakripisyo para sayo gagawin namin""Sabi ni kuya, tumingin ako kayla mico, hindi sila nagsalita pero sabay-sabay nila akong binigyan nang ngiti at tumango. Umiling ako bago muling tumingin kay kuya
"No... hindi ko kayo iiwan ibalik niyo nalang ako kay papi please kuya hindi ko na kakayanin kung may masasaktan pang ibang tao dahil saakin"Muli na namang binalot nang luha ang mata ko
"Heart makinig ka saakin, para din ito sa kaligtasan mo"Lumingon ako kay carl nang sabihin niya iyun. Kaligtasan ko? hindi na kaya nang konsensya ko kung isa na naman sa kanila ang masasaktan... hindi ko na kakayanin kung isa sa kanila ang mawala saakin
"No... no hindi mo naiintindihan carl hindi na kakayanin nang konsensya ko kung isa sa inyo o sa kanila ang masasaktan at mawawala nang dahil na naman saakin... hindi ko kakayanin kong mapapahamak ka at mawawala saakin"
He shook his head and held both of my cheeks"Hindi ako mawawala sayo ok, walang mawawala saamin ang importante ngayon ay ang maitakas kita"Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko sa mata
"Hindi ko hahayaang saktan ka ni papi heart, tama na siguro ang ilang taon pagtatago niya sayo oras na para makalaya ka sa kaniya"
Iyun na ang huling salitang sinabi ni kuya bago inihinto ni kuya lucas ang sasakyan sa gitna nang mga nagtataasang puno, muli na naman akong naluluha habang tinnitignan sila isa-isa
"Sige na heart umalis na kayo ni carl at baka maabutan nila kayo dito"Sabi ni Ian habang may ngiti sa mga labi
"Mag-iingat kayo ha, carl yung kapatid ko ha"Tumango si carl kay kuya bago niya ito tinapik sa braso binuksan niya ang pintuan at nauna nang lumabas, muli akong tumingin sa kanila
".... magkikita pa naman tayo ulit diba?"
Ngumiti sila saakin at tumango, napatingin pa ako kay mico nang pasimple niyang pinunasan ang mga mata niya
"Kuya... mag-iingat kayo"Tumango siya at sumenyas na umalis na kami
Bumaba ako sa sasakyan at humawak sa kamay ni carl siya na ang nagdala nang bag na dala-dala ko kanina at nagsimula na kaming tumakbo nang walang tigil. Muli akong lumingon kung asan sila kuya, nakagat ko ang pang ibabang labi ko nang makita ko na napaligiran na sila ng mga itim na sasakyan
Hawak kamay kaming tumakbo ni carl palayo sa lugar na iyun, palayo kayla kuya.... palayo sa kung saan namin sila iniwan. Pareho kaming napatigil ni carl nang umalingawngaw ang putok nang baril sa buong lugar
"Oh god.. no.. no"
Gusto kong balikan sila kuya pero mabilis akong hinila ni carl palayo sa lugar na iyun. Wala akong magawa kundi ang umiyak nalang habang tumatakbo magdasal na sana walang mangyaring masama sa kanila dahil kung may mangyari sa kanila hinding-hindi ko na mapapatawad ang sarili ko
_______________<3
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomansaNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...