CHAPTER 22
Hindi ko alam kung anong salita ang dapat kung sabihin para mag explain kay kuya, dahil sa tingin palang niya ay alam ko nang hindi rin niya maiintindihan ang mga sasabihin ko. Nandito kaming tatlo sa living room sa second floor habang ang iba naman ay nasa baba
Bumuntong hininga si kuya bago tumingin saakin
"Alam mong hindi mo dapat ginawa yun heart"
"Kuya sorry--"
"Sorry? sa tingin mo ba maibabalik nang sorry na yan kung sakaling may nangyari na hindi dapat sayo? sa inyong dalawa?"
Galit siyang lumingon kay carl na tahimik lang at nakayuko sa tabi ko. Muling binalik ni kuya ang tingin saakin, napahilamos siya sa mukha niya dahil sa inis
"Sana naiisip mo ang mararamdaman nila mommy kung sakaling malaman nila ang tungkol dito, your only fucking 17 heart wala ka pa sa legal age!"
Sabi niya, natahimik ako dahil dun, napalingon ako kay carl nang bigla nalang siyang tumayo at lumapit kay kuya, I was surprised when he suddenly knelt in front of my brother
"Wag mo na siyang pagalitan, It's my fault.... ako ang sisihin mo dahil ako ang may kasalanan"Sabi niya Napatingin ako kay kuya masama parin ang tingin niya pero alam kong hindi na siya galit, hindi tulad nang kanina
Bumuntong hininga siya bago hinawakan sa balikat si carl, napa-angat nang tingin si carl sa kaniya hindi siguro niya inexpect na ganun ang gagawin ni kuya
"Ang saakin lang sana, wag kang gumawa nang mga bagay na hindi maganda para sa mata ng ibang tao, kapatid ko na ang pinag-uusapan"Seryosong sabi niya bago tumayo at umalis
Naiwan kaming dalawa ni carl doon, malakas na napa buntong hininga si carl bago tumayo at tumabi nang upo saakin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nun
"Sorry hindi ko namalayan ang oras, nagulat nalang din ako nang biglang bumukas yung pintuan nang kwarto mo at pumasok si spencer"Sabi niya umiling ako sabay hawak sa kamay niya na kanina pa pinaglalaruan ang mga daliri ko
"It's ok, nangyari na eh atleast hindi na galit si kuya saatin, mag-iingat nalang siguro tayo sa susunod"Sabi ko ngumiti siya saakin sabay tango
Bumalik sa dating normal ang pag-uusap ni kuya at ni carl nung araw na yun na para bang walang nangyari, pare-pareho rin kami na hindi pumasok nang araw na yun gumawa nalang nang excuse letter si kuya nang dahilan kung bakit kami hindi makapasok
Wala kaming ibang ginawa buong araw kundi ang manitili lang sa bahay at maglaro nang mga games, mag kwentuhan nang mga bagay-bagay. Nang sumapit ang hapon ay doon na sila nag desisyon na umuwe at doon nalang magpahinga sa mga bahay nila
"Mag-iingat kayo, kung sakaling bumalik ulit sila tumawag kaagad kayo"Bilin ni kuya kayla carl, tumango naman sila at nagkanya-kanya nang sakay sa mga sasakyan nila
Napatingin ako kay carl nang lumapit siya saakin
"Bakit?"tanong ko
Hindi siya sumagot nagulat nalang ako nang bigla nalang niyang halikan ang nuo ko bago patakbong lumapit at sumakay sa sasakyan niya, at mabilis na pinaandar iyun paalis. Napatingin ako kay kuya nang marinig ko siyang mag mura at masama ang tingin sa sasakyan ni carl na ngayon ay hindi na naman matanaw
Wala sa sarili akong napangiti sabay hawak sa nuo ko kung saan niya ako banda hinalikan, kahit kailan talaga ang lalaking gagawin niya ang mga bagay na gusto niya na walang pasabi
Umalis din si kuya at ciana para ihatid ito pauwi, naiwan ulit ako sa bahay nang mag isa pero hindi na tulad nang dati yung pakiramdam ko na mag-isa lang ako sa bahay namin, dahil alam kung meron akong kasama na makakausap ko at maiintindihan ako
![](https://img.wattpad.com/cover/186294554-288-k272479.jpg)
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomanceNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...