CHAPTER 3
"Seriously heart, first day of our school tapos tulog ka parin dyan"
Hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino ang nagsalita dahil sa boses pa lang niya na parang laging pagod at tamad na tamad sa buhay ay kilala ko na kung sino ang nasa kwarto ko
"Im sorry ok hindi ako nakatulog kagabi si kuya kasi"sabi ko kay sam habang tumatayo at umalis sa kama
"Whatever! just go and get a shower ayokong malate sa first day natin"sabi niya tumango lang ako at naglakad na papasok sa bathroom
Hindi rin ako nagtagal sa pagligo, nang makalabas ako ay nakita ko si nanay lorna na inaayos ang uniform ko, white and gray ang kulay nang uniform namin above the knee na skirt
"Oh tapos ka na palang maligo halika tutulungan na kitang mag-ayos malalate kana sa first day mo"Sabi nito at nagmamadaling inayos ang mga gamit na kailangan ko palihim nalang akong napangiti kahit na malaki na ako ay parang bata parin ako kung ituring ni nanay lorna
Tinulungan niya din ako sa pagbihis ko siya narin ang nagpatuyo nang buhok ko at inayos iyun, pagkatapos naman ay laman nang bag ko ay naka-ayos na din balak ko pa naman na ako na mag-aayos ginawa na din pala ni nanay lorna. Si nanay lorna ang mayordoma namin dito, siya narin ang tumayong pangalawang magulang saamin ni kuya kapag wala ang parents namin dito
"Sige na puntahan mo na ang kaibigan mo sa baba, ako na ang maglilinis dito"Sabi niya habang dahan-dahan akong tinutulak papuntang pinto, natatawa akong sumunod lang sa ginagawa niya humarap ako sakaniya at ngumiti
"See you later nanay lorna, gagalingan ko sa school"Napangiti naman siya at yumakap saakin nang mahigpit
"Sige na bumaba kana"Tumango ako at naglakad na ngapaalis, nang makababa nasa sala si sam nakaupo at naglalaro sa cellphone niya, nang makita ay kaagad siyang tumayo at naglakad palapit saakin
"Let's go, mala-late na tayo dahil sa ginagawa mo"inis na sabi niya
"I told you kasalana ni kuya yun ok, it's not my fault"nag-kibit balikat lang siya at nauna nang naglakad. Hindi pa kami nakakalabas ng tuluyan ng marinig namin ang boses ni mommy, patakbo siyang lumapit saaming dalawa ni sam may dala-dalang box
"Bring this it's a food, and also you heart eat this Hindi ka nag breakfast hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom"sabi niya habang inalalagay ang lunchbox na ginawa niya sa bag naming pareho ni sam
"thank you tita, paniguradong masarap toh"papuri ni sam na ikinatawa naman ni mommy
"ikaw talaga oh sige na umalis na kayo at baka malate pa kayo sa first day niyo"sabi ni mommy
"Sige mommy aalis na kami, thanks for the breakfast"sabi ko at kumaway pa sa kaniya bago tuluyang sumakay sa sasakyan
"By the way where is kuya cali hindi ko siya nakita kanina"tanong ni sam kahit ako rin ay hindi ko rin siya nakita
"Baka nauna nang pumasok, hayaan mo na yun"sabi ko at tumingin nalang sa labas tinitignan ang bawat daan na dinadaanan namin bago makapunta sa school
Ilang minuto lang ang tinagal ng biyahe mula sa bahay namin at papunta sa school, akala ko ay hanggang labas lang kami pero nagkamali ako dahil ipinasok pa ang sasakyan namin sa pinaka loob ng school at nagpark sa may gilid.
"I didn't expect that this school will be this big"bulong ni sam kahit ako rin ay hindi ko na-isip na ganito kalaki ang school na papasukan namin
"Guys over here"Nakarinig kami ng sigaw mula sa likod namin at ng makaharap ako ay isang mahigpit na yakap kaagad ang sumalubong saakin
"oh my god, oh my god were really here, this is not just a dream nandito na Talaga tayo"pasigaw na sabi ni keidi na mukhang ok naman at hindi na siya mukhang pinagsakluban ng langit at lupa, natalo kasi siya sa laban nila ni sam kaya ayun wala siyang choice kundi ang sundin kung ano ang dare nilang dalawa
"You don't have to scream keidi my god nakakahiya ka"si Heia na nagtatakip ng mukha dahil napapatingin na sa banda namin ang ibang student na nakakarinig sa boses ni keidi
"I'm sorry I'm just too exited"sabi ni keidi na nagpapakalma na ng sarili
"kailangan muna nating pumunta sa dean office para makuha natin ang schedule natin at ang room natin"sabi ni rina na kumakain ng piattos
"Then let's go bago pa mag ring ang bell"sabi ni sam at nauna na siyang naglakad papasok sa school
Hindi kami nakaiwas sa mga tingin ng mag student na nadadaanan namin, yung iba pa ay patagong bumubulong habang nakatingin saamin, hindi nalang namin pinansin at diretso lang ang lakad hanggang sa makarating kami sa dean office
"Ako nalang ang papasok wait niyo ako dito"masayang sabi ni keidi at talagang siya lang ang pumasok napapailing na napabuntong hininga si heia
"Wala talaga akong masabi kapag si keidi na ang nagiging hyper saating lima"sabi niya
Natawa nalang ako sa sinabi niya, tumingin lang ako sa paligid namin isang malaking school siya pagpasok mo sa pinaka entrance ay isang malawak na bermuda grass ang makikita mo na may ibat-ibang bulaklak na nasa paligid at mga building na mga student na may kanya-kanyang mundo.
Hindi rin nagtagal si keidi sa loob at nakalabas narin siya, isang papel lang ang dala niya at may malaking ngiti sa labi
"What?mukhang ang may maganda kang sasabihin"sabi ni sam na ikinatango naman ni keidi
"Lahat ng sched natin ay parehas lahat"sabi niya at isa-isa kaming tinigna"Meaning magkakasama tayong lahat sa kahit anong subject na gagawin"sigaw niya kaya naman ay hinila siya ni heia at tinakpan ang bibig humingi kami ng sorry sa mga taong malapit saamin dahil sa nagulat sa biglaang pagsigaw ni keidi
"Baliw ka talaga wag kang sumigaw ang lapit lang namin sayo puwede ba"inis na sabi ni heia at kinurot sa braso so keidi
"Ouch sorry na"she said napailing nalang ako at kinuha ang papel na hawak niya.First sub ay English ang Classroom namin ay nasa building 3 Fourth floor
"pumunta na tayo sa building 3 nandun ang classroom natin bago pa mag ring ang bell dapat ay nanhanap na natin yun"sabi ko tumango naman sila kaya naman ay sabay sabay na kaming naglakad at nagsimulang hanapin ang building 3
Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi parin namin nahanap ang building 3, naupo muna kami sa gilid ng mapagod na sa kakahanap
"Ano nang gagawin natin malapit ng mag ring ang bell"Kinakabahan na sabi ni keidi
"Kung sana lang ay sinabi na nila saatin kung nasaan ang building na yun,edi sana kanina pa tayo nasa room natin"Inis na sabi ni heia
Tama siya kung sana ay sinagot lang kami ng maayos ng mga taong pinagtanungan namin kanina ay sana nasa room na kami ngayon. Hindi ko alam pero parang umiiwas sila saamin, hindi ko alam kung bakit pero ganun ang mga kilos na napapansin ko sa mga taong nandito
Sabay-sabay kaming napatingin sa isang babae na dumaan sa harap namin, may mga dala siyang libro at may suot na salamin na tama lang para sa mga mata niya at sakto rin sa small face niya, tumayo si keidi at lumapit dito
"Excuse me miss puwedeng mag tanong?"sabi niya kaagad na lumingon saamin yung babae
Kaagad na nanlaki ang mga mata nito ng makita kami, at namutla pa habang dahan-dahang naglalakad paatras
"Ah..magtatanong lang sana kami about sa building 3,kung alam mo kung saan namin makikita"friendly na tanong ni keidi pero mukhang walang epekto iyon dahil namumutla at halatang takot talaga yung babae saamin
Hindi na kami nagulat ng kumaripas ito ng takbo playo saamin
"What the hell!?"Bulong na sabi ni keidi pero narinig parin namin
"You know what,napaka weird ng mga student dito"ang kaninang inis ni heia ay mas lalong nadagdagan, napailing nalang ako at tumayo
"Hindi tayo puwedeng mag sayang ng oras ngayon tumayo na kayo at hanapin na natin ang building nayon"sabi ko bago naunang maglakad sa kanila"Kung walang gustong tumulong saatin, tayo ang gagawa ng paraan"sabi ko at naglakad na paalis para hanapin ang building 3
_______________<3
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
Lãng mạnNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...