CHAPTER 21
Nang makabalik kami mula sa aming maikling bakasyon, ay naging busy na kami sa mga gawain na iniwan nang mga teacher namin. Kanya-kanya kaming puweso nang upo sa library para gumawa nang research, individual acivity ito kaya halos lahat kami ay tahimik at busy, or yun lang ang akala ko
Napatingin ako sa katabi ko na mahimbing na natutulog, na akala mo ay walang pinapagawa na activity, siniko ko si carl para magising siya mamaya na kasi ang pasahan nito, hindi siya aabot kung mamaya pa siya gagawa
Nagulat siya sa ginawa ko at tumingin saakin, nagtatanong siyang tumitig saakin na parang wala alam kung bakit ko siya siniko. Pinanlakihan ko siya nang mata sabay tingin sa papel at laptop na nasa harapan niya, Lumingon naman siya doon at kaagad na umayos nang upo, alam niya kasing magagalit ako kapag hindi siya gumawa
"Ako ay nagugutom na, sana ay ganun din kayo"Biglang hirit ni mico sa kalagitnaan nang katahimikan, sabay- sabay kaming napatingin sa kaniya
"Go buy some food for us samahan mo evan"Simpleng sabi ni tyler sabay bigay nang pera dito bago pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa, kaagad naman umalis ang dalawa nag uunahan pa sa paglabas nang library
Napailing nalang ako, binalik ko ang tingin ko sa binabasa ko sabay sulat nang makukuha kong impormasyo. Sa kalagitnaan nang pagbabasa ko ay nagulat nalang ako nang biglang hawakan ni carl ang kamay ko, napatingin ako sa kaniya at ganun din siya saakin
inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko sabay bulong...
"Pang Motivation lang"Sa simpleng salita lang niya na yun ay kaagad nang kumabog ang dibdib ko, at ramdam ko ang pag init nang magkabila kung pisnge, kaagad akong nag iwas nang tingin mabuti nalang at busy ang mga kasama namin kaya hindi nila napansin iyun
Inabot na kami nang hapon sa library, napansin lang namin ang oras nang biglang tumunog ang school bell
"Anong oras na pala, tapos na ba kayo?"Tanong ni Rina
Sabay-sabay kaming tumango"Kung ganun magpasa na tayo pagod na yung utak kakaaral"reklamo niya
parehas kaming lahat pagod na pero nakuha pa rin naming tumambay sa isang cafe malapit lang sa school pagkatapos namin magpasa nang activity na pinapaga saamin
Kumuha ako nang isang slice nang chocolate mula sa plato ni carl, ubos na kasi ang akin kaya sa kaniya naman ako kumuha, hindi naman kasi din niya kinakain sayang lang. Nang makita niya akong kumukuha ay kaagad niyang inilapit sa harap ko ang plato
Tumingin ako sa kaniya nagtatanong na tumingin kung saakin na ba iyun, kaagad naman niyang nakuha at mabilis na tumango, nakangiti akong sumubo nang cake habang nakikinig sa pinag uusapan nila
"Edi sanaol diba may lovelife"Biglang sabi ni Heia habang nakatingin saaming dalawa ni carl. Kaagad naman silang nag react kanya-kanyang asar ang binabato saamin
"Parang kailan lang eh, parang galit na galit ka pa kay carl noon, tapos ngayon biglang ganito tsk... tama nga sila noh, the more you hate the more you fall in love" Natatawang sabi ni Ethan habang dahan-dahang iniaakbay ang kamay sa likod ni heia na nakangiting nakatingin saamin ni carl. Palihim ang napangiti at umayos nang upo
"Nahiya naman ako sa inyong dalawa"sabi ko habang nakatingin sa kamay ni Ethan na nasa likod ni Heia "Nahiya pa kayo, uso rin minsan ang umamin"Nang aasar ko sabi, Kaagad na humiwalay si Heia kay Ethan at namumula ang mukha na umiwas nang tingin saamin
Natawa ako dahil dun, kahit sila sam din ay natawa
"Tayo, kaya love kailan tayo aamin sa kanila"Biglang singit ni Tyler habang nakatingin kay Sam
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomanceNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...