CHAPTER 32
After sabihin nang MC ang entrance words niya ay kasabay nun ay ang dahan-dahang pagbukas nang pinto sa harap ko, bumungad saakin ang napakaraming tao sa loob at halos lahat sila ay bakas sa mukha ang excitement at ang pagkacurious na makita ako
"Sige na, pumasok kana"Napalingon akoo kay mama silas nang sabihin niya iyun, kaya naman ay humugot mo na ako nang lakas bago nakangiting naglakad papasok
Habang naglalakad papasok ay nakita ko ang ibang bisita na matigilan at may gulat sa mga mata nila nang makita ako, napatingin ako kay papi na ganun din ang reaksyon pero sandali lang iyun at ngumiti siya saakin bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Nahagip din nang mga mata ko sila Sam na nakangiti saakin kumakaway pa si Rina saakin, ngumiti din ako sa kanila bago pinagpatuloy ang paglalakad papalapit sa mini stage na napapalibutan nang mga bulaklak at fairy light at sa gitna nun ay ang Baby pink throne na sa gilid sa may bandang baba ay may mga bulaklak din
Lumapit saakin si kuya para tulungan akong umakyat pataas at inalalayan din niya akong maupo sa upuan, bahagya niyang inilapit saakin ang mukha niya bago bumulong
"Happy 18th birthday, and thank you"
Matapos niyang sabihin iyun ay lumayo na siya nagtaka pa ako kung para saan ang thank you na sinabi niya pero tanging ngiti nalang ang binigay niya saakin bago tuluyang umalis. After nun ay tinawag naman nang MC sila mommy sa stage para mag bigay message para saakin
"Ahm... Hi good evening everyone first of all thank you for coming to my unica hija 18th birthday, I also want to say thank you to the people who help us to make this wonderful party"Sabi niya sabay tingin kayla mama Silas, bago niya ibalik ang tingin saakin"Heart anak your 18 now nasa legal age kana kung san puwede mo nang magawa lahat nang gusto mo, you can make your own decision now... baby I want you to always be healthy, gorgeous, brave, and compassionate to every people na makikilala mo and be a wise woman palagi lang kaming nakaalalay sayo if need mo nang katulong sa buhay ok, wag kang mahihiyang magsabi saamin lalo na saakin, happy 18th birthday again baby"
Ngumiti ako kay mommy at nag thank you sa kaniya she smiled at before leaving the stage. Si daddy naman ang pumalit sa kaniya, tumabi si daddy saakin humalik muna siya sa nuo ko bago humarap sa lahat
"I still can't believe na yung dating baby na buhat-buhat ko lang dati ay ngayon ay malaki na, she can now decide for herself, she can now choose all the things she wants to do, she can now make her own journey without us"Naging mababa ang boses ni daddy sa huling salitang sinabi niya, sandali pa siyang natahimik bago tumalikod sinundan ko ang kilos na ginawa niya at doon ko lang napagtanto na naiyak na pala siya
"Daddy..."Mahinang tawag ko sa kaniya bago siya hinawakan sa braso niya. Mahina siyang natawa nang makaharap at bahagya pang nagpunas nang luha sa mata, natawa pa ang mga bisita dahil naging iyakin daw si daddy
"Happy 18th birthday sweetie sorry kung palaging wala si daddy sa tabi mo noong mga panahon na kailangan mo ako, Im sorry anak... sorry if may pagkukulang si daddy sayo ha"Napatigil na naman siya nang may butil na naman na tumulo sa mga mata niya. Ngumiti ako sa kaniya alam ko naman na busy siyang tao simula pa noong bata ako, dahil nakikita ko kung gaano siya naghirap simula nang ipasa ni papi sa kaniya ang lahat nang trabaho nito sa kaniya at naiintindihan ko yun, at wala namang taong perfect sa mundo eh lahat tayo may nagagawang mali, lahat tayo may pagkukulang sa isang taong mahalaga saatin
Hindi na kinaya ni daddy ang magsalita kaya naman ay humalik nalang siya sa nuo ko at bumaba na sa stage, sumunod naman ay si kuya kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nun bago pumunta sa gilid ko
"Happy 18th birthday heart, thank you I am extremely blessed to have a sister like you, Anyone in my life will find it hard to match the number of smiles, laughter, thoughts, and sorrow we have shared. And I'm so grateful for the bond we have, I'm so lucky to have you and so lucky to be your older brother. Happy 18th birthday again enjoy your night"
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomanceNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...