CHAPTER 14

3.4K 110 3
                                    

CHAPTER 14

Nang dumating ang order namin ay sakto rin namang kalmado na sila, itinuon nalang nila ang buong atensyon nila sa pagkain na akala mo kanina ay parang mga walang pinoproblema kanina

Tumingin ako sa salamin na nasa bandang harap ko, para tignan ang table nila kuya, kita kasi doon ang table nila kanina ko lang napansin.Sumubo muna ako ng pagkain ko at pasimpleng tumingin doon, gulat akong napaiwas ng tingin sa salamin ng magka-salubong ang tingin naming dalawa, hindi ko inaasahan iyun kaya naman muntik ko nang maibuga ang pagkain na nasa harap ko, mabuti nalang ay kaagad kung napigilan

Bakit siya nakating dito!? hindi ba dapat busy siya sa babaeng kasama niya!at sumakto pa talaga tumingin din ako sa kanila!nagkasalubong pa tuloy ang tingin naming dalawa!

Malakas akong napa-buga ng hininga para pakalmahin ang puso ko na bigla nalang bumilis ang tibok ng magkasalubong ang tingin namin, at dahil din doon ay napatingin saakin yung apat

"Ok ka lang?"tanong ni heia

Tumango naman ako at hindi na nagsalita pa, at binigyan pansin ko nalang ang pagkain ko, nagkibit balikat naman siya at hindi na nagtanong pa, dahil alam din naman niyang hindi rin ako sasagot

Nang matapos kami sa pagkain ay nag-order pa si keidi ng dessert, pampakalma lang daw, hindi na kami tumangi pa dahil maski ako ay kailangan din iyun.Isang chocolate ice cream with strawberry ang akin, habang si keidi at heia naman ay fruit shake, while sam and rina same as me ice cream pero ang flavor ay mint with chips.

"Ang sarap ng ice cream nila dito noh"puri ni rina habang kumakain ng pagkain niya, kaagad namang tumango si sam na may ngiti sa labi, mukhang enjoy na enjoy niya talaga ang pagkain ng ice cream niya

"I really love mint ice cream"wala sa sarili niyang sabi habang nakapikit pa, mahina akong natawa habang sumusubo rin ng pagkain ko

"Do you want me to buy you more?"kaagad akong napalingon sa taong nakatayo sa gilid ko, at ang taong nagsalita rin na nakatingin na ngayon kay sam na nakapikit parin hanggang ngayon, habang nasa bibig pa ang kutsara

"Yeah"sagot niya, wala parin sa sarili

Mahinang tumawa si tyler titig na titig parin kay sam"How many?"tanong niya

Palihim na tumatawa sila keidi dahil sa napapanood ngayon, kahit ako ay natatawa rin minsan lang maging ganito si sam kaya susulitin na namin

"More and more"sabi ni sam, hindi parin nakikilala ang boses ng kausap, tyler looked at me and winked, natatawang napailing nalang ako ng maglakad siya papunta sa counter para siguro um-order ng gusto ni sam

Hindi nga ako nagkamali dahil wala pang ilang minuto ay may lumapit saaming dalawang waiter na may dalang tray na punong-puno ng ice cream na take-out, nang mag mulat ng mata si sam ay gulat na gulat din siyang napatingin sa harapan niya

"Bayad na po iyan mam, enjoy po"Nakangiting sabi ng waiter kay sam na gulat parin

"Kanino..kanino galing toh?"tanong niya, bakas parin sa mukha ang pagka-gulat

Sasagot sana si keidi na isa rin sa naka-kita nang nangyari, ng biglang lumapit saamin sila kuya kasama si ate ciana at sila tyler, nakasunod naman sa kanila ang mga babaeng kasama nila

"This is from you?"walang ganang tanong ni sam, malaki naman ang ngiting tumango si tyler, halatang tuwangtuwa pa siya sa ginawa niya

"Sumabay kana saamin heart, uuwi na tayo"sabi ni kuya tumango naman ako at tumayo na

Tumingin ako kay sam na masama ang tingin kay tyler na nakangiti naman sa kaniya, hindi pinapansin ang masamang tingin ni sam sa kaniya, umirap si sam bago tumayo

The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon