CHAPTER 13
"Jusko naman keidi dinaanan ba ng buhawi tong bag mo"sabi ni rina habang tinitignan ang handbag ni keidi
Nandito kasi kami sa isang cafe na malapit lang sa school namin, at dahil saturday ngayon ay kaagad na nag-aya sila heia na lumabas, at ang mas nakakatuwa pa doon ay wala kaming bantay kaya naman malaya kaming nakakagalaw ngayon
"Sorry naman nagmamadali ako kanina eh, ito kasi yung kauna-unahang pinayagan tayong gumala ng walang bantay, at isa pa baka biglang mag bago ang isip nila mommy kaya nagmamadali na akong umalis ng bahay"pagtatanggol ni keidi sa sarili niya at napanguso pa
Napailing-iling nalang ako, hindi ko rin naman kasi siya masisisi eh sa ilang taon ba naman naming naka-kulong lang sa mga bahay namin, sinong hindi makakaramdam ng pagka exited kung yung araw na hinihiling mong makalabas nang ikaw lang ay dumating na
"Don't make that face keidi, ang panget mo!"Halos maibuga ko ang iniinom ko ng biglang sabihin iyun ni sam, minsan na nga lang magsalita! masakit pa ang lumalabas sa bibig
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang matawa ng malakas, halos hindi na kasi maipinta ang mukha ni keidi ng marinig iyun.Pati sila heia at rina ay napatalikod pa, para pigilan din ang pagtawa
"Ang sakit hah! maganda at cute ako sam, wagkang ganyan saakin!"nagtatampo niyang sabi kay sam.
Pero alam naman namin na hindi talaga siya nagtatampo, si keidi yung tipo ng tao na nag-iipon muna ng galit sa isang tao bago sumabog, kaya naman pigil na pigil talaga ang tawa namin dahil mas lalo pa siyang ngumuso sa harap ni sam at nag pacute
"Yuck keidi! i said stop making that face!"inis na sabi ni sam, nang hindi makinig si keidi ay siya na mismo ang tumayo at umalis doon pumuntang bathroom
Doon lang kami nakatawa ng sabay-sabay ng wala na siya, kahit si keidi rin ay natawa ng makita ang naging reaksyon ni sam
"Baliw ka talaga keidi! alam mo namang pikon yun kapag wala sa mood"natatawang sabi ko
"I didn't know na wala siya sa mood!, what happen ba kasi bakit ganun yun?"tanong niya pero hindi rin nakakuha ng sagot dahil kahit kami rin ay hindi alam ang dahilan kung bakit
Simula ng matapos ang project namin ay palagi na siyang inis na inis, at kung makatitig sa phone niya ay parang gustong-gusto na niyang ibato yun 'R.I.P phone'
"Hay naku hayaan niyo na si sam, at nagdadalaga na ang batang iyun"si rina na pilit na baguhin ang boses na katulad sa mommy niya, nahamapas tuloy siya ni keidi dahil natatawa daw siya sa boses ni rina
Hindi rin kami nagtagal sa cafe, nag decide kami na bumili nang mga bagay makikita namin na trip naming bilhin.Mula sa damit, make-up, plushies, hanggang sa sapatos ay bumili rin kami, halos naabutan na kami ng gabi sa mall, para nga kaming hindi nakaramdam ng pagod
"Dito nalang tayo mag dinner, wala rin naman akong makakasabay na kumain sa mansion"sabi ko
Kaagad naman silang pumayag, hindi na nag reklamo pa, naghanap kami ng puwedeng makainan pero halos lahat ng restaurant na madadaanan namin ay puno dahil narin siguro dinner time na
Inilibot ko ang tingin ko para sana maghanap pa ng puwedeng makainan ng may mahagip ang mga mata ko, hindi ko alam pero hindi ko na nagawang mai-alis pa ang tingin ko sa lalaking nasa loob ng isang restaurant hindi lang siya ang nandoon kasama din niya ang mga kaibigan niya maliban lang kay kuya.
May mga babae silang kasama na nakatalikod saaminn, nakaharap sa kanila kaya hindi ko rin nakilala.Mukha pa siyang masaya dahil kung makangiti siya ay abot hanggang tenga pa
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomanceNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...