CHAPTER 44
"Please carl tumigil kana!"Malakas kong itinulak si tyler palayo saakin mabilis ko ding tinanggal ang dextrose IV na nakalagay sa kamay ko
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo pre, hindi mo pa nga kaya!"Sinamaan ko siya ng tingin ng muli niya akong hawakan. Wala akong pakealam kahit na masakit pa ang katawan ko kailangan kong makita si heart
"Bitawan.mo.ako!"Matigas na sabi ko pero hindi siya nakinig mas hinigpitan niya ang hawak niya saakin at pilit na pinapadapa sa sahig
"Fuck! sabing bitawan mo ako!"Handa na sana akong suntukin siya ng biglang bumukas ang pintuan ng kwartong tinutuluyan ko at pumasok doon ang taong kahit kailan ay hindi ko ginustong makita ulit
"Why are you doing this to me again? Hindi pa ba sapat ang ilang taon na inilayo mo ako sa kaniya!!"
Hindi siya sumagot bagkos tinitigan lang niya ako ng malamig, kung hindi lang ako hawak ni tyler baka nasapak ko na siya sa galit ko. Pilit kong inaalis ang kamay ni tyler saakin pero hindi ko magawa nagmamadali na ding pumasok sila mico na may pasa pa sa mukha at tumulong din kay tyler na hawakan ako
"Tangina bitawan niyo ako kailangan kong hanapin si heart!"
"Hindi mo siya puwedeng makita sa ngayon, rest before we talk"
Tanging sabi niya bago umalis sa kwarto ng makaalis siya doon lang ako binitawan nila tyler at mico, napakuyom ang mga kamao ko sa galit at inis dahil sa lolo kong walang ginawa kundi ang hadlangan ako sa mga bagay na gusto ko
"Wag kang mag-alala kasama ni heart sila sam, magpahinga ka muna sa ngayon kailangan mo ng lakas bago makipag-usap sa lolo mo"Hindi ako umimik sa sinabi ni tyler pero tama siya kailangan ko ng lakas bago makipag-usap sa lalaking yun
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni mico kaya napalingon ako sa kaniya
"Hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon, iyun ang sabi saakin ni Rina ng magkita kami kahapon"
Hindi ko alam ang gagawin ko, gustong-gusto ko siyang puntahan pero hindi ko pa kaya mariin akong napapikit at nahiga sa kama ko. Kung hindi sana ako nagkasakit ng araw na yun hindi mangyayari ang lahat ng ito kasama ko pa din sana siya, nagawa ko sana siyang pigilan na sumama sa lolo niya
"Ang sabi daw ng mga doctor may posibilidad na... bumalik ang mga nawala niyang alaala sa tagal ng pagkakatulog niya, pero wag kang mag-alala dahil nakabantay sila kay heart"
Matapos sabihin ni mico iyun nag stay pa sila ng ilang oras bago nagpa-alam na aalis na sila. Muling binalot ng katahimikan ang buong kwarto ko tumayo ako at pinilit ang katawan na maglakad palapit sa study table ko, umupo ako doon at kinuha ang picture frame na nakapatong sa ibabaw nun
"Wait for me ok, sa oras na kaya ko na gumalaw pupuntahan kita kaagad, dapat gising kana kapag pinuntahan kita, wag kang masyadong mag enjoy sa pagtulog baby nag-aalala ako sayo"
Hinaplos ko ang picture naming dalawa ni heart bago ko binalik sa kung saan nakalagy iyun kanina, babalik na sana ulit ako sa kama para mahiga ng bumukas ulit ang pintuan ng kwarto ko sumilip doon ang ulo ni mommy ngumiti siya saakin ng magtama ang mata naming dalawa
"Hindi ka pa kumakain dinalhan kita ng dinner mo"Sabi niya bago tuluyang pumasok nilapag niya sa may coffe table na nasa harap ng kama ko ang dala niyang pagkain bago siya naupo sa sofa na nakasandal sa kama ko
"Come here carl"Tawag niya saakin at tinuro na maupo ako sa tabi niya, kaagad naman akong kumilos palapit sa kaniya
"Kailangan mong magpalakas, hindi mo magagawang umalis para makita si heart kung ganyan ka kahina"Seryoso na sabi niya habang naglalagay ng pagkain sa kutsara at itinapat sa bibig ko kaagad ko namang kinain iyun at tahimik lang na nakikinig sa bawat sermon niya saakin dahil sa hindi ko pagkain noong mga nakaraang araw
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomantikNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...