CHAPTER 24
Ang maingay na music kaagad ang bumungad saamin nang makarating kami sa mansion nila evan, maraming mga tao ang nandito ang iba ay taga school namin ang iba naman ay sa tingin ko ay hindi taga saamin . Kaagad kaming sinalubong ni evan nang makita kaming papasok
"Welcome to my party here have a drinks"Pag-bati niya saamin at isa-isa kaming binigyan nang drinks na hawak-hawak niya sa isang tray
"Dumating na ba sila?"Tanong ni kuya kay evan, napatingin pa saamin si evan bago tuluyang tumango sa tanong ni kuya
Nagtaka tuloy ako, bakit kailangan pa niya munang tumingin saamin bago niya sagutin si kuya?! Hindi na ulit nagsalita pa si evan dinala nalang niya kami papasok sa bahay niya, papunta sa pool area kung saan mas marami ang tao. Nandoon ang lahat nang mga table na nakapaligid sa swimming pool, meron naring mga bisita si evan ang iba nasa swimming pool ang iba naman ay nasa mga table lang at umiinom
Napatingin halos ang iba saamin habang naglalakad palapit sa isang table, nung una hindi ko pa makilala kung sino-sino ang mga nandoon pero nang makalapit kami ay kaagad kung nakilala ang mga nandoon
"Nandito na pala kayo, have a sit"Masayang bati saamin ni mico na tumayo pa para alalayan kaming mga babae na makaupo napaka gentle man talaga, nang maka-upo ako kaagad na hinanap nang mga mata ko si carl pero wala pa siya sa table nila mico maski si tyler ay wala rin dito
"Looking for carl?"Napalingon ako kay Ethan nang magsalita ito sa tabi ko, kaagad akong tumango sa tanong niya. inilagay niya ang kamay niya sa likod ko kaya naman nagmumukha tuloy na naka-akbay siya saakin bago inilapit ang mukha niya sa gilid ko para bumulong
"Nasa kabilang table, kung nakakamatay lang ang masamang tingin panigurado pinag-lalamayan na ako ngayon"Sabi niya bago tuumingin sa isang table sabay kaway at tumawa
Napatingin naman ako kung saan siya nakatingin. Ramdam ko kaagad ang galit na namumuo saakin nang makita ko kung nasaan siya at kung sino ang katabi niya, hindi ko kilala ang babaeng katabi niya panay ang dikit nito kay carl habang may nang-aakit na ngiti sa mukha nito
Pero hindi iyun pinapansin ni carl dahil masyado itong busy sa pagbigay nang masamang tingin kay ethan na panay lang ang tawa sa tabi ko
"Honey dont be mad at me ok, ang sarap lang kasing asarin ni carl ngayon"Sabi nito kay heia na nasa kabilang side niya lang. Natawa din si heia nang makita kung ano ang itsura ni carl mukhang nag eenjoy din sa nakikita
Nalipat ang tingin ni carl saakin na ngungusap na lumayo ako kay ethan. Bakit ako lalayo?! Eh siya ba lumalayo ba siya sa tabi nang babaeng kanina pa ang papansin sa kaniya! Iniwas ko lang ang tingin ko sa kaniya at ininom nalang ang inomin na binigay ni evan saakin kanina
Hindi ko na nakita ang naging reaksyon niya pero sa base sa pagtawa nang dalawang katabi ko ay alam kung hindi maganda ang naging reaksyon niya. Palihim akong tumingin sa table nila, kaagad nanikip ang dibdib ko nang makitang hindi na siya nakatingin dito at nakangiti nang nakikipag-usap sa babaeng katabi niya
Kaagad na akong nag iwas nang tingin sa kanila at nagkisali nalang ako sa mga laro na ginagawa nila rina kasi kung mas lalo ko lang iisipin yun masasaktan lang ako at hindi ko na ma eenjoy ang gabing toh
"Spin the bottle naman ang next game"Sigaw ni Keidi habang tinutungga ang alak sa isang bote bago pabagsak na nilagay ito sa table natawa nalang kami sa ginawa nito habang si evan naman ay pinupunusan ang mukha ni keidi. Magsisimula na sana kami nang biglang dumating si tyler na late dahil may ginawa daw siya na importante
Kaagad na nagsimula ang game unang tinamaan ay si mico kaya naman ay tuwang-tuwa na nag volunteer si rina na siya na daw ang magtatanong
"Truth or Dare?"
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomanceNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...