CHAPTER 15
Simula nang mangyari ang halik na yun, palagi nang nakadikit saakin ang lalaking toh
"Ano ba carl, mahiya ka naman"Inis na bulong ko sa kaniya
Itinabi niya kasi yung upuan niya sa table ko at duon umupo, ipinatong pa niya ang ulo niya sa lamesa ko.Nakatingin lang siya saakin, kung hindi ako tititigan ay aayusin naman niya ang buhok ko
Nakakailang! dahil pinagtitignan na kami ng mga kaklase namin, kahit sila keidi rin ay nagtataka at gulat na nakatingin saamin, halata sa kanila ang kagustuhan na mag tanong pero pinipigilan lang ang sarili
Mariin akong napapikit ng biglang pumasok ang teacher namin sa math at nakita kami sa ganung posisyon, napailing nalang ito at hindi man lang sinaway si carl, nagsimula ang klase na ganun parin ang posisyon niya, ang mas nakakapagtaka pa ay hindi man lang ito sinasaway ng teacher namin, kung ano-ano na ang pinag-gagawa saakin
"Bumalik ka na nga sa puwesto mo!, hindi mo ba nakikita start na ang klase"Bulong ko sa kaniya pero ang baliw parang walang narinig, dahil pinag patuloy lang nito ang paglalaro sa buhok ko
"Carl ano ba!, tuumigil ka na sabi eh!"Pag-uulit kung saway sa kaniya, pero nagpatuloy lang siya sa pag-papanggap na parang walang naririnig, kaya wala akong choice kundi ang hilain ang buhok ko sa pagkakahawak niya at ilagay iyun sa likod ko
Nagulat siya sa ginawa ko kaya napa-upo siya ng maayos, nagtataka siyang tumitig saakin, nagtatanong kung bakit ko iyun ginawa
Napabuntong hininga ako at tumingin sa kaniya"Puwede namang mamaya mo na gawin iyan sa buhok ko, makinig ka na muna sa lesson andyan na yung teacher oh"Sabi ko sabay turo sa teacher na nasa unahan
Lumingon siya doon, bago ibinalik saakin ang tingin, he sighed deeply before nodding. Tumayo siya at dinala ang upuan pabalik sa table niya na nasa tabi ko lang, muli niyang ipinatong doon ang ulo niya pero sa direksyon ko parin siya nakatingin
Napabuntong hininga nalang ako at napailing, hindi ko na siya sinaway pa dahil alam kung hindi rin siya makikinig, ang tigas ng ulo!
Pagkatapos ng last subject namin ay break time na, tuwang-tuwa na nagsipagtayuan ang mga kaklase ko at nag-unahan pa sa paglabas, napalingon ako ng may biglang kumalabit sa balikat ko
Pagkalingon ko ay ang mapang-asar na mukha kaagad ni keidi ang bumungad saakin, umiling ako para sabihing wala akong oras sa sasabihin niya, pero imbes na umalis ay umiling ito at umupo pa talaga sa harapan ko
"Sis!ano yun ha!?"Tuwang-tuwa na tanong niya
"Ang alin?"tanong ko
"Sus, kunwari ka pa!yung kanina bakit kayo may paganun-ganun ha"Natatawang sabi niya
Ah! yun pala..Tinitigan ko lang siya bago umiling"Wala yun wag mong pansinin bored lang siya"walang kwentang dahilan ko, kaya naman natawa siya ng malakas, sanhi kung bakit napatingin saamin ang iba naming kaklase
"Tumahimik ka nga!ang ingay mo!"Pabulong na sigaw ko sa kaniya, kaagad naman niyang tinakpan ang bibig niya at doon palihim na tumawa
At dahil din sa malakas na tawa niya, lumapit saamin yung tatlo, tulad niya ay may mga pang-asar na ngiti ang mga ito sa mukha nila.Napabuntong hininga muna ako bago tumayo at humarap sa kanila
"Wala yun..walang ibig sabihin iyun"Inunahan ko na sila, dahil alam kung iyun ang itatanong nila .Natawa sila sa sinabi ko
"Ang defensive mo naman, hindi naman iyun ang itatanong namin sayo"natatawang sabi ni heia, ramdam ko ang paginit ng magkabila kung pisnge dahil sa sinabi niya
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomansNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...