CHAPTER 29

3.1K 100 0
                                    

CHAPTER 29

"The theme will be a fairytale, tapos next naman ay ang gown mo ang isusunod natin"Masayang sabi ni mommy saakin habang busy siya sa pagtingin nang mga lugar kung saan puwede ganapin ang birthday ko

Ang gusto ko lang sana ay isang simpleng birthday celebration, isang simpleng dinner lang kasama sila ang mga close friends ko, pero hindi pumayag si mommy dahil minsan lang daw ito mangyari sa buhay nang isang babae kaya gustong-gusto niya paghandaan. Napailing nalang ako nang may sunod-sunod na pumasok sa bahay namin at halos lahat sila ay sikat na fashion designer, make-up artist, at isang sikat na eventmaker. Masayang sinalubong ni mommy ang mga bisita niya

"it is nice to see the three of you again, it's been a long time"

"Yeah, it been a year mia how are you?"Tanong nang isang babae na siguro ay nasa around 50 na ang edad

"I'm doing fine tita, kayo kamusta lalo na po kayo tita Silas?"

"Well wala pa namang sakit na dumadapo saakin maganda pa din ako hanggang ngayon"Natatawang sabi naman nang isang ding babae halata s akaniya na napaka elegante niyang tao. Napangiti ako sa kanilang apat dahil kitang-kita mo talaga na kahit gaano pa kalaki ang agwat nang mga edad nila ay parang ang turing nila sa isat-isa ay pantay-pantay lang.

Napatingin kaming lahat nang biglang tumayo si mommy at lumapit saakin, hinila niya ako patayo at sinama sa paglakad paharap sa tatlong bisita niya

"Oh god bago ko pa makalimutan, this is my daughter heart"Pagpapakilala niya saakin, ngumiti ako sa kanila at tumango

Naging tahimik ang buong sala namin, at gulat silang nakatitig saakin na akala mo ay nakakita nang multo, mahigpit akong napakapit sa braso ni mommy dahil sa sobrang ilang at dahan-dahang nagtago sa likod niya

"I can't believe it"Mahinang sabi nang lalaking tinawag ni mommy na silas

"Oh my ghod, para akong nagbalik sa nakaraan"Sabi nang babaeng nasa gitna na kanina pa tahimik, tumayo ito at dahan-dahang lumapit saakin, hinawakan niya ang kamay ko at dinali iyun sa mga pisnge niya. Maluha-luha siyang tumitig saakin at may malungkot na ngiti sa labi

"You look like her... You realy look like her na para bang muli siyang nabuhay"Naiiyak na sabi nito saakin hindi niya maalis-alis saakin ang tingin na para bang sa oras na malayo lang sandali ang tingin niya ay maglalaho ako na parang bula

"Lecia ilang taon na ang lumipas"Sabi nang babae na kanina ay kausap ni mommy

"Tama si Ava, lecia at isa pa mukhang naiilang na ang apo ni cordula sayo"Natatawang sabi nang tita ni mommy, tumayo din ito at lumapit saakin mahigpit akong niyakap at hinawakan ang magkabilang pisnge ko

"Hindi talaga maipagkakaila ang gandang meron ang babaeng yun, kaya pinag-aagawan eh. Hi I'm Silas delo santos you can call me mama silas ok?"Kaagad akong tumango na ikinangiti naman niya

"I'm lecia Montemayor just call me Tita Ley"

"Ako naman tabi, Hi Hija apo nang pinakamaganda naming kaibigan ako si Ava you can call me Tita Ava"Sabi nito at yumakap din sakin

Ngayon ka lang din nalaman na isang famous na fashion designer si mama Silas, while si tita lecia ay isang make-up artist at si tita ava naman ay isang Eventmaker, napag usapan narin naming lima kung ano ang mangyayari sa birthday ko. Tatlong gown ang napili ni mommy ang isa ay gagamitin sa photo shoot, habang ang dalawa naman ay para sa pinaka event

Habang nag uusap sila mommy at sila mama silas bigla namang dumating sila sam, nasabi ko kasi sa kanila na ngayon ang plano ni mommy na ayusin ang lahat-lahat para sa party

"Hi po tita, good afternoon din po sa bisita niyo"Bati nila kay mommy at kayla tita ava, nang matapos silang bumati ay kaagad silang tumabi saakin, bumalik naman ulit sila mommy sa paguusap

"Oh my gosh mga famous na tao ang hahawak nang party mo at isa ring famous na fashion designer ang gagawa nang gown mo"Bulong ni Rina hindi makapaniwalang nakatingin sa tatlong kausap ni mommy

"Oo nga mukhang magiging sobrang ganda ang kalalabasan nang party mo"Dagdag naman na sabi ni heia

"Ganun ba talaga kagaling sila mama silas, at sila tita ava. at tita lecia?"Tanong ko kayla rina at heia dahil mukhang may alam sila

"base sa mga naririnig namin super-duper galing daw nila lalo na ang mama silas mo"Sabi ni heia

"Now ko lang narinig ang about sa kanila"Sabi ni keidi habang tumitingin sa mga gown na nasa folder na inabot saakin kanina nila mommy

"Yeah same, pero baka totoo nga, just look at this parang sa isang movie mo lang ito makikita'Sabi ni sam sabay harap saamin nang folder na hawal niya iyun ay ang mga event design na niready ni tita ava para makapili ako nang gusto ko, hinayaan na ako ni mommy sa bagay na toh ang kaso lang ay hindi ako makapili kaya mabuti nalang ay nandito sila rina para may katulong ako sa pagpili

Inabot na kami nang gabi ang thank god ay natapos din namin nang isang araw lang ang pagdedecide sa mga gagawin nila tita ava sa event, dito narin namin sila pinag dinner nag-usap pa kami nang mga bagay-bagay, nagkwento din sila about sa lola ko na niminsan ay hindi ko pa nakikita kahit picture ay wala, nag ask din ako kayla mama silas kung meron ba sila nun pero kahit sila ay wala pinasunog daw kasi nang mamanang lola ko ang lahat nang picture na meron ito dati

Na cu-curious tuloy ako magkamukha ba talaga kami tulad nang sinasabi nila?

Nang matapos ay nagpasya na silang umalis habang sila sam naman ay mag oovernight daw sila dito, sasama daw kasi sila sa photo shoot bukas. Aakyat na sana kami nang biglang pumasok sila daddy kasama si kuya na kapwa nagsasagutan habang naglalakad papasok

"How many times do i have to tell you na layuan mo ang babaeng yun ha!"Sigaw ni daddy kay kuya

"Ilang ulit ko rin bang sasabihin na mahal ko si ciana!? At kahit ilang ulit mo pa akong sabihan na layuan siya hinding-hindi ko gagawin yun!"

"Napaka-tigas nang ulo mo! Nilalagay mo sa kapahamakan ang buhay nang babaeng yun!"

"I can protect her!"

"You can't fucking protect her caliber!"

"I can and I will prove that to you! Kung kinakailangan kung isakripisyo ang buhay ko gagawin ko ma protektahan ko lang ang babaeng mahal ko!"Padabog na umakyat si kuya hindi na niya kami nagawa pang tignan, tuloy-tuloy lang siyang umakyat sa taas

Malalim na napa buntong hininga si daddy at pagod na napa-upo sa sofa, kaagad namang lumapit si mommy kay daddy at hinimas ang likod nito pinapakalma si daddy

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Mia"Napailing ito"Ang gusto ko lang naman ay pareho silang maging ligtas nang babaeng mahal niya... pero hindi niya manlang maintindihan ang gusto kung iparating sa kaniya"Nasapo ni daddy ang ulo na at sumandal kay mommy. Halata ang pagod sa mukha nang daddy ko at ang pag-aalala para kay kuya at kay ate ciana

Napatingin ako sa taas namin at nakita ko si kuya sa dulo nun nakatayo at walang emosyong nakikinig sa sinabi ni daddy, napalingon siya saakin at doon lang siya ngumiti, ngiting malungkot bago siya tuluyang tumalikod at naglakad na palayo.

_______________<3

The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon