CHAPTER 45

3.4K 98 4
                                    

CHAPTER 45

Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang huminto na itim na sasakyan sa harap ko, napaatras ako sa takot dahil baka isa sa mga kaaway ni papi iyun. Handa na akong tumakbo ng mga oras na iyun kung hindi lang bumaba sa sasakyan ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko pa ulit 

"Carl..."

Ngumiti siya ng makita ako halos hindi ako makagalaw dahil sa gulat hindi na ako umasa na makikita ko pa siya ulit dahil kay papi. Dahan-dahan siyang naglakad palapit saakin ng tuluyan na siyang makalapit mahigpit niya akong niyakap. Hindi ko napigilan na hindi maluha ng maramdaman ko ulit ang mainit niyang yakap

"Shhh tapos na ok na ang lahat, we will never be separated again"

Napahiwalay ako sa kaniya ng marinig ko ang sinabi niya, anong ibig sabihin niya sa tapos na ang lahat?! Kinausap ba niya si papi? Paano?! Imposibleng papayag kaagad si papi kung ano man ang sinabi niya

"Paano?! Kinausap mo ba si papi? may ginawa ba siya sayo?!"Sunod-sunod na tanong ko na ikinatawa niya. Umiling siya at hinawakan ang magkabila kong pisnge

"My lolo talk to him, I don't know paano niya napapayag ng ganun ang lolo mo pero wala na akong pakealam doon, as long as makukuha kita ok na ako dun"

Sabi niya bago niya ako hinalikan sa nuo. Uuwi sana ako sa bahay namin pero nagdesisyon si carl na sa condo niya nalang kami pumunta, hindi na ako tumangi at sumama din ako sa kaniya. Sa isang mamahaling condominium ako dinala ni carl sandali kaming pinatigil ng isang guard na nagbabantay sa may parking area may pinakita si carl sa guard bago kami tuluyang pinapasok 

"Ano yun?"

"Identification Card patunay na may condo ako dito"Sabi niya habang nagpapark ng matapos siya sa pag park mabilis siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan. I smiled at him at tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa harap ko 

Sabay kaming nagpunta sa elevator ng bumukas iyun at ng makapasok kami, nagulat ako ng bigla niya akong sinandal sa pinaka-pintuan ng elevator at walang kung ano-ano mabilis niya akong hinalikan, napahawak ako sa balika niya sa takot na baka matumba ako kapag bumukas ang pintuan 

"C-carl baka may pumasok t-tama na"

Kahit gaano ko pa kagusto na ipagpatuloy namin iyun ayoko, nakakahiya kung sakaling may makakita saamin. At hindi nga ako nagkamali tumigil ang elevator sa 5th floor at may pumasok na isang medyo may edad na babae at lalaki 

Hinila ako ni carl papunta sa likod kaya napasandal ako sa kaniya niyakap niya ang dalawa niyang kamay sa bewang ko at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko, medyo nakikilita pa ako kasi tumata yung ilong niya sa leeg ko 

"Carl.."Bulong na sayaw ko sa kaniya ng maramdama ko ang mumunting halik niya sa leeg ko, napatingin saamin yung babae god narinig ata bulong ko, ngumiti ako dito para hindi masyadong makahalata ngumiti din ito pabalik 

Bumaba kami sa 8th floor hindi parin naka-bitaw si carl saakin kahit sa pagbukas ng pintuan nakayakap pa din siya 

"Carl ang clingy--"

Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko dahil pag-kasara palang ng pintuan ay kaagad ng sumalubong saakin ang mga labi niya, hindi na ako tumutol pa tutal ay nasa loob na din naman kami, iniyakap ko sa leeg niya ang mga braso ko at sinabayan ang bawat galaw ng labi niya 

Hinila niya pa ako palapit sa kaniya bago niya ako dahan-dahang tinulak papasok sa loob nang hindi naghihiwalay ang mga labi namin, nakarating kami sa sala naupo siya sa sofa habang ako ay pinaupo niya sa kandungan niya 

 "Hindi na ako makahinga"Sabi ko ng makalayo ako sa kaniya, tinitigan niya ako bago mahinang natawa mahigpit niya akong niyakap siniksik niya ang ulo niya sa pagitan ng leeg at balikat ko bago mahinang bumuntong hininga 

The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon