CHAPTER 5
Natapos ang klase namin ng walang problema, pero kahit na ganun ay hindi parin kami nakaiwas sa mga masasamang tingin ng mga kasama namin sa room, maliban nalang talaga sa lalaki na nasa gilid ko. kanina pa siya nakatingin saakin at nakangiti na parang baliw kung alam ko lang na nasa tabi ko ang desk nya sana pala doon nalang ako harap ni sam na upo
Napabuntong hininga nalang ako dahil kahit anung gawin ko ay hindi na ako puwedeng magpalit pa ng puwesto. Tumayo ako ng nag-aya si rina pumunta ng cafeteria para bumili ng pagkain hindi na ako tumanggi dahil gusto ko rin makalayo sa mga titig ng lalaking nasa tabi ko, hindi ko gusto ang titig na binibigay niya saakin...naiinis ako
"Anong sa inyo?kami na ni heia ang bibili hanap nalang kayo ng mau-upuan natin"Sabi ni rina habang kinukuha ang wallet mula sa bulsa ng skirt niya
"Orange juice tapos kahit na anong chips nalang"sabi ni keidi
"Saakin kung ano nalang ang kay heart"sabi ni sam at tumingin saakin
"Ahm...cheese burger tapos tubig lang saakin"sabi ko kaagad namang tumango si heia habang sinusulat ang mga gusto namin, bago sila tuluyang umalis at pumila na
Naglakad na kami papasok pa sa malaking cafeteria dito, halos lahat ng estudyante ay nandito ang iba naman ay nasa labas meron pa kasing mga table doon para sa mga student na gustong sa labas kumain, kaharap naman ng cafeteria ay isang garden na parang mini forest narin kung titingnan. Dahil nga sa puno na ang loob ay wala kaming nakita na table na available pa para saamin, kaya nag decide nalang kami na sa labas nalang kumain
"Titingin ako sa labas kung meron pang available na table doon"sabi ni keidi habang naglalakad palabas,hindi napansin ang taong papasok din sa loob. Isang malakas na tili ang nagpatahimik sa buong cafetria na kanina lang ay maingay pa
"look what you did to my uniform"Galit na sabi ng babaeng nakasabay namin sa harap ng elevator
"Sorry hindi kita nakita"Panghingi ng sorry ni keidi habang nag-aabot ng panyo sa babaeng natapunan ng juice ang damit
"Don't touch me with your dirty hands!!"malakas na namang sigaw nito tinulak pa si keidi palayo sa kaniya
Buti nalang at kaagad na nakabalanse si keidi kung hindi ang tutumba siya sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakatulak sa kaniya
'Bago lang sila dito diba?'
'Oo, pero nakaaway na kaagad nila sina trina'
'Poor them, panigurado kawawa sila kapag nagsumbong sila trina'
Bulong ng mga tao na nakakita ng nangyari, hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila pero wala akong pakialam, dahil alam kung wala kaming kasalanan at hindi iyon sinasadya ni keidi. Patakbong lumapit saamin sila rina dala-dala pa ang mga pagkain namin
"Anong nangyayari?"nagtataka nilang tanong habang si keidi naman ay na natiling nasa unahan at tahimik
"Get back here keidi, hindi mo sinasadya yun"sabi ni sam iritado na sa nangyayari
"Hindi niya kasalanan?ako na nga yung na tapunan hindi parin niya kasalanan?"Sigaw ng babae ulit si trina ata iyun ang narinig kung pangalan nung babae
"Ikaw ang diretsong naglakad malayo pa si keidi sa pintuan ng pumasok ka at bumangga sa kaniya, kaya ikaw ang may kasalanan at hindi siya"sabi ko dahil iyon naman ang totoo
"Wow, ako pa talaga"naglakad ito palapit saakin"Kilala mo ba ako"sabi nito saakin at masamang nakatingin saakin
Taas nuo akong tumingin sa kaniya"Dapat ko pa bang malaman kung sino ka?"tanong ko pinapantayan ang tapang na meron siya. Dahil doon ay mas lalo lang siyang nagalit saakin
Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya, na ikinagulat ko at nila sam na hindi makapaniwala sa nakita. Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ang pisnge ko na namanhid na ata sa sobrang lakas ng sampal na natanggap ko, at hindi makapaniwalang tumingin sa babaeng gumawa nun
"You deserve that for talking back to me..everyone respects me..at ganun din dapat kayo"sabi niya"Know your place bitch"mataray na sabi niya sa
"Ang kapal ng mukha nun ah, akala mo kung sino"inis na sabi ni rina habang hinihimas ang pisnge ko
Nandito na kami sa labas at nakaupo, patakbong lumapit saamin si keidi may dalang ice at iniabot iyon kay rina
"Sorry kung sana nag-ingat lang ako hindi na sana ito mangyayari"sabi niya hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti
"Wala kang kasalanan, at ok lang ako so don't worry"sabi ko ng nakangiti para gumaan na ang loob niya tumango naman siya kaaagad at ngumiti
Ilang Minuto lang din ang break namin at kaagad na kaming bumalik sa room namin, tulad ng kanina ay pinagbubulungan na naman kami kung paano namin ginalit yung trina na yun at kung paano ako nasampal, yung iba ay sinasabi na deserve ko lang daw iyon dahil sa mayabang daw ako at kung ano-ano pa. Hindi nalang namin pinansin dahil wala rin naman kaming makukuha dyan
Ng makarating sa room, ay ang mga tingin ng kaklase namin ang kaagad na sumalubong saamin, ang iba pa ay palihim pang tumatawa at tinuturo kami
"How's the slap?masarap ba"tanong ng isa kung kaklase na babae
"Ikaw kasi eh, masyaado kayong matapang yan tuloy"ang katabi namang babae nito ang nagsalita at sabay-sabay silang nagtawanan,napailing nalang ako dahil kung papatulan ko sila ay ako lang din ang mapapasama. Naglakad nalang ako papunta sa desk ko at naupo nalang doon hindi na pinansin pa ang mga kaklase kung walang tigil sa pag-iingay
Napatingin ako sa gilid ko at malaking pasasalamat ko dahil wala siya duon at pati ang mga kasama niya pang lalaki. Hanggang sa nag start nalang ang klase ay wala parin sila hindi ko nalang iniisp iyon at nakinig nalang sa klase, history ang subject namin ngayon at dahil history ang suject asahan mo na natulog ang ibang student dito sa room ang iba pa ay patago pang gumagamit ng phone ang iba naman ay kumakain pa
Napailing-iling nalang ako dahil marami naman talagang student na ganito, lumingon ako kaya heia, nakikinig lang din sila at focus ang mga mata sa board, si keidi naman at rina na magkatabi, ayon naglalaro ng kung ano, si sam ay tahimik lang na nakasandal sa upuan at nakapikit ang mga mata.
Bumalik ang tingin ko sa board para makinig ulit at mag-sulat ng mga notes na kailangan ko ng biglang malakas na bumukas ang pintuan ng room namin, nanlaki ang mga mata ko ng makita si kuya na galit na galit na ipinalibot ang tingin sa room namin
'oh my!ayan na sabi sayo eh lagot sila'
'nagsumbong talaga siya?, paano na yan kawawa naman sila'
Rinig kung sabi ng mga kaklse ko na nasa harapan ko lang. Nang makita ako ay kaagad siyang naglakad palapit saakin at hindi na pinansin ang teacher na nasa unahan namin. Sumunod na pumasok ay ang lalaking nakabungo ko kasama ang mga kaibigan nito seryoso itong sinundan ng tingin ang kuya kung palapit saakin
Ng makalapit siya saakin ay kaagad niyang hinawakan ang pisnge ko at tinignan iyon, ramdam mo ang pag-iingat niya sa bawat hawak niya sa mukha ko na para bang mababasag ako anytime na magkamali siya
"Who the fuck did this to you mae heart!"Madiin na sabi niya saakin at seryoso akong tinigna, narinig kung napasinghap ang mga kaklase ko sa narinig, gulat na gulat sila dahil hindi ang ganitong senaryo ang iniisip nilang mangyayari
"What will you do if I tell you who did this to me"walang emosyon kung tanong sa kaniya
"Who knows... baka gawin ko din sa kanila ang nangyari sayo
_______________<3
![](https://img.wattpad.com/cover/186294554-288-k272479.jpg)
BINABASA MO ANG
The Buried Memories (Amour Ascending Series #1)
RomanceNothing will be keep in the dark "It's hard to live in the dark" yan ang nasa isip ni heart habang nakakulong sa sarili nilang bahay, sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo tanging sa malaking mansyon lang umiikot ang araw niya Paano kung dumating y...