Chapter Eight: Family Date

39 4 1
                                    

Chapter Eight: Family Date

" Oh gosh I can't believe it. Akala ko talaga hindi na ako mananalo" narinig kong sabi ni Jean kay Janice.

"Ako nga eh, nung nag difficult na akala ko talaga hindi ako makakahabol"sabi ni Janice.

"Hey" pagtawag ko sa atensyon nila. " I am so proud of you two " I told them. Bahagya akong yumuko para maka level silang dalawa.

Ngumiti sila.

"Thank you Maam George"sabi nilang dalawa.

Bumaba na kami sa bus at dumeretso sa loob ng campus. Maagang natapos ang event, 4:30 pm palang ay nakauwi na kami sa campus. Ang iba ay nagpa-drop nalang sa kani-kanilang mga bahay kami naman ay piniling dumeretso sa campus.

Jean and Janice got the First Place, and will proceed to the Division Level which is next week na. Mas doble pa ang gagawin naming mga reviews ngayon.

I smiled at the sight of them. Talking about their achievement, I also won contests when I was young, but I never had the chance to tell someone even mom and dad kahit si kuya. I never had friends, I am a loner and I know mom and dad wouldn't give a damn because they were already expecting it. Ganun naman palagi.

"Maam Jo, hinahanap ka ni Sir Nico sa akin"sabi ni Maam Sarah.

"A-ahh bakit daw po?"tanong ko.

"Hindi ko alam, nandun siya sa faculty room"sabi niya. Tumango ako at naglakad na papunta sa Faculty Room. Ano naman kaya ang kailangan niya?. Would he say sorry for what he said earlier?.

Pagpasok ko palang sa faculty room ay nakita ko kaagad si Nico at nasa harap niya si Irene, nakangiti sa kaniya. I saw everyone of them staring at them, parang kinikilig.

I looked at them pero parang hindi nila pansin ang pagdating ko kasi tutok na tutok sila sa dalawa ngayon.

Nico was also smiling at her while Irene is talking. Asking if how was his day. Ughh, tsk.

Tumikhim ako.

Nilingun naman ako ni Nico, pati ang ibang mga guro doon.

"A-ahh, h-hinahanap mo daw ako Sir?"tanong ko sa kaniya. Nag-taas naman ng kilay si Irene na parang nairita dahil nakuha ko ang atensyon ni Nico. Duhh.

"A-ahh Oo"sabi niya na napakamot sa batok niya na para bang nahiya dahil nakita ko silang nag-usap  ni Irene. Eww.

"Bakit?"I asked confidently. Nakasimangot na ngayon si Irene at ang iba namang mga guro ay nag-uusap na tungkol sa pagkapanalo ng mga contestants.

"Nanalo kasi ang mga bata, I think we should treat them for Lunch or Desserts. Bukas. You decide"sabi niya. Sa sinabi niyang 'You decide' ay parang feeling ko tuloy asawa niya ako at ako ang pinagdedesisyon niyan. ang landi ko po!!!

"A-ahh, okay lang naman. Ikaw nalang ang bahala. May lakad pa kasi ako bukas ng umaga, so pwedeng lunch or just plain desserts" sabi ko.

"Saan ka naman pupunta bukas ng umaga?"tanong niya. Natigilan ako. He is too serious that it intimidates me.

" Sa orphanage" sabi ko. Ngayon, ang plano ko ay Saturdays na ako bibisita kay Nina. If possible, Every weekend dahil busy ako sa weekdays.

"Ahh, samahan nalang kita"

"Why don't you just let her be Nico?, Buhay niya yan"natigilan ako sa pabulong na sinabi ni Irene. Sino ba siya sa buhay ni Nico?. Kung maka-asta mukhang Girlfriend ha.

"Ako na Sir Nico, and I should get going, magpapahinga pa ako. Asan ba ang lugar na iyan?"tanong ko.

"Katapat lang ng Shake Station"sabi niya. Tumango ako. Hindi ko alam ang lugar na iyon.

Unforgotten Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon