Chapter Twenty Three

34 4 1
                                    

Chapter Twenty Three

"Georgina, halika na, mal-late na tayo sa movie na papanoorin natin.!" Sigaw ni mommy sa akin.

"Pababa na ho!" Nang bumaba ako ay nasa sala na sina Gryka, and boyfriend niya, si Kuya, si ate Stella at si Althea, nandun na rin sina mommy at daddy pati ang mga yaya at driver. Sinabi ni Daddy na dahil daw ito sa malaking kinita ng restaurant this past few days, kaya niya kami il-libre.

Halos tatlong linggo na rin ang lumipas mula nung nangyari sa amin ni Nico. I've grown better, and I have never been this better.

"Tara na" sabi ko.

"Why are you wearing jeans girl?. Wear something new, like a dress" sabi sa akin ni Gryka.

"I am comfortable with this" sabi ko.

"Yes, George, wear something beautiful yet simple" sabi naman ni Zyris na kakagaling lang sa kusina at pasulyap-sulyap na tumitingin kay kuya.

"Pero--"

"Wala nang pero pero anak, sige na at baka malate tayo, kukuha pa tayong ticket sige na" sabi ni daddy.

Kaya naman nagmadali akong magbihis ng dress. Wala akong masyadong dress kaya itong long sleeve gray dress nalang ang sinuot ko na hanggang tuhod ang length.

Sinuklay ko ulit ang buhok ko at nilugay ito.

"Okay na ba ito?" Nakangiting tanong ko sa kanila.

"Well, that is great"komento ni Zyris at hinawakan ang braso ni Mark. Ang boyfriend niya na kapatid ng boyfriend ni Gryka.

"That'll do" sabi ni mommy at agad nang naglakad.

"Tayo na!" Sigaw niya.

Sumakay sa akin sina Gryka at Zyris maging ang boyfriend nila. Sasasakyan naman ni kuya sumakay sina Yaya at si manong driver at si mommy ay sa kotse ni daddy.

Kalahating minuto ang nagamit namin para makarating sa mall. At nang dumating kami ay agad na pinark ang kotse sa Parking area at nagmadaling maglakad papasok sa mall.

Ang sabi ni mommy sampung minuto nalang daw bago magsimula ang movie kaya naman parang kabayo kami kung makatakbo.

Nang dumating kami sa ticket booth ay walang pila kaya dumeretso si mommy doon pero laking guho ng mga mundo namin nang malaman na kanina pa pala close ang ticket booth na to para sa mga magkukuha ng ticket para sa movie na iyon. Ang nakakalungkot lang ay last screening na iyon sa mall na ito. Wala nang susunod.

"Sayang naman" sabi ni mommy.

"Ano bang maganda sa movie na yun my, puro action lang, wala man lang romance" sabi ko.

"Basta maganda daw yun"

"Eh paano na yan--"

You give me hope

The strength the will to keep on

No one else can make me feel, this way

Natigilan ako nang marinig ang kantang iyon. The voice sounds familiar. Luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. Siguro mali lang ako.

Natigilan na rin ang mga tao sa paligid at nakita ko si Gryka sa harap ko na nakangiti. Tiningnan ko rin si mommy at daddy na kapwa nakangiti rin, lahat sila nakangiti sa akin.

And only you, can bring out all the best I can do

I believe you turn the tide

And make me feel real good inside

Unforgotten Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon