Chapter Nineteen

29 4 0
                                    

Chapter Nineteen

Ginising ako ni mommy nung umaga ng Linggo. Galing kami sa simabahan at nag-simba kasama sina kuya. Pag-uwi namin ay natulog ako ulit dala na rin ng pagod ko dahil pumunta ako sa Orphanage kahapon para bisitahin si Nina.

Buong araw akong nakipaglaro sa bata kaya napagod ako.

"Georgina!!!!" Tili ni Gryka ang narinig ko nang bumaba ako sa sala, inaantok pa.

"Hey wake up gurl!" Niyugyug pa ako ng babae. Binigyan ko siya ng pagod na tingin.

"Nagch-check ka ba ng cellphone?, Nag-text ako sayo" sabi niya. Umling ako. Inaantok pa talaga ako.

"Georgina, makipag-usap ka naman sa pinsan mo, kanina pa yan dito" saway ni mommy sa akin. Tumango lang ako.

"Ano bang tinext mo?" Tanong ko rito. Umirap lang ang babae.

"Well, nagyaya si Steven na pumunta sa Beach, 1 hour away lang yun mula rito." Umiling ako.

"Pagod ako Gry--"

Umirap siya sa akin.

"Come on George, when was the last time you came with us on outings, friendly bondings?" Nag-taas siya ng kilay.

Umiling ako.

"If this is because Steven is there, it's okay nandun naman---"

"Pwede ka namang pumunta George, ako na ang magsasabi sayo, pumunta ka na,  you've been so busy this past days, magpahinga ka rin, ako na ang magsasabi sa daddy mo" sabi ni mommy. Tiningnan ko ulit si Gryka. Hope is visible in her eyes. Nakangiti siya. I don't want to break her happiness, at tama si mommy, maybe the calming breeze of the sea would make me relaxed.

Tumango ako.

"Yes!!!!!"

"Magbibihis lang ako" I said. Tumango naman siya at ngumiti si mommy.

Nag-suot lang ako ng white sleeveless shirt  sa ilalim ng Black Hoodie pairing it with my Gray Addidas jogging pants.  At dahil beach iyon ay nag-suot ako ng pink beach sandals.

Pinasok ko sa malaking sling bag  ko ang itim na Rush guard baka sakaling maligo kami, and brought my extra clothes. Nandun na rin ang cellphone, wallet at ibang importanteng gamit. Hineadband ko ang sunglasses ko at bumaba na.

"Yes tita, ang init nga eh, pero okay lang, hindi kasi ako nagdala ng sasakyan, doon na ako sa sasakyan ng kasama namin" naabutan kong nag-uusap si mommy at Gryka sa sala. Gryka was wearing a Yellow Floral Dress, the flowers are colored dark yellow or red to be visible. She was pairing it with beach sandals too and she brought with her a beach hat.

"Ride with me" sabi ko. Napalingun naman sila sa akin. I saw Gryka tracing my body with her look and then smiled.

"Too hot Georgina" umirap lang ako.

"Let's go" inis na sabi ko.

"Ang init, magm-motor tayo, sakay nalang tayo sa Van ni Steven" sabi ni Gryka.

"Dadalhin ko ang kotse, doon na ta--" naputol ako sa pagsasalita nang marinig ang busina ng isang sasakyan. Napatingin ako sa gate at dahil bahagyang elevated ang bahay ay makikita mo ang nasa labas ng gate basta matataas na bagay.

"Oh, nandyan na sila, tara na" hinila ako ni Gryka pero hinila ko pabalik ang braso ko.

"Dadalhin ko ang kotse, hindi na tayo sasabay sa kanila" I said. Ayaw kong makasabay sila. Steven is there, and I think it will be awkward again too.

"George, sumakay ka na sa kanila, nakalimutan ko, gagamitin ko ang kotse dahil may lakad ako sa City, so sumakay ka na" sabi ni mommy. Pinanliitan ko siya ng mata.

Unforgotten Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon