Chapter Seventeen

30 4 1
                                    

Chapter Seventeen

Natapos ang event kahapon. Malapit narin mag 6 pm nang matapos ito. Umuwi kaagad ako habang si Gryka ay naiwan doon dahil isa siya sa na assign sa restoration.

Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Ang kanta ni Nico na siyang nagparamdam at nagpaalala sa akin ng nakaraan.

Nung pumasok ako kinabukasan ay halos pag-usapan ng mga guro ang kanta ni Nico. Sinasabi nilang si Irene ang pinaparinig ni Nico nun, umiiling lang siya pero hindi nila napapansin dahil busy sila sa pag-uusap. Habang ako naman ay nakaupo lang sa mesa at tinutoon ang pansin sa kahit ano, basta maging busy lang ako.

Pumasok ako sa mga sections na pagtuturuan ko, that day is just like the usual. Magk-klase ako sa morning periods, kakain sa cafeteria kasama sina Gryka at Zyris.

Hindi ko kayang lingunin si Nico. Madali kasi akong ma-awkward. Madaling mahiya.

Laging sinasabi sa akin nina Gryka na baka para sa akin ang kantang iyon. Na hindi pa naka-move on si Nico.

"Guys.....please, Stop" sabi ko habang pinagtutuunan ng pansin ang kinakain ko.

"Pero Jo--"

"Hindi na iyon mangyayari. Naka-move on na siya at malabo nang mangyari ang sinasabing niyo magkakabalikan kami, yes I am hoping for thay pero hanggang dun lang yon, masyado nang malabo" sabi ko.

"Pero....paano kung totoo nga......na hindi pa siya naka-move on, ikaw na rin ang nagsabi na hindi siya nagka-girlfriend pagkatapos niyo." Sabi ni Zyris.

"Akala ko ba galit kayo sa kanya?"

"Noon, oo" tsk.

"Parang pareho lang kayo ni mommy" sabi ko at sumandal sa upuan at humalukip.

"Jo, paano kung gusto niya talagang bumalik sayo, paano kung mahal ka pa niya"

Humugot ako ng malalim na hininga.

"Minsan, may mga bagay na ginagawa nila na nakakapag-paasa sa atin pero sa huli, maling mali pala na umasa ka"seryosong sabi ko. May sasabihin pa sana sila pero pinigilan ko na.

Pagkatapos naming kumain sa karenderya ay lumabas na kami. Nasa tapat lang naman ang gate ng Junior High at sa bandang kaliwa ng Junior High ay ang Senior High.

Naglakad na kami patawid sa daan nang may biglang tumawag sa akin.

"Georgina?" Anang isang matangkad na lalake na naka-suot ng unifrom kagaya namin.

Teka, parang familiar siya.

"Uhmm, do I know you?" Nakakunot noong tanong ko.

"Hehey!, Ang dali mong makalimot sa akin.  Steve Rogers pala" naglahad siya ng kamay sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Don't kid around. Sino ka ba talaga?" Tanong ko. Umirap siya.

"Steve, Georgina. Hindi mo nalala. Classmate mo nung College." Hindi ko parin matandaan, pero he looks familiar.

"Yung gwapong Steve ng college" sabi niya pa. Nanliit ang mga mata ko at mas kumunot ang noo. Pilit na inaalala siya.

"Yung pinagkakaguluhan sa College"sabi niya pa. Hindi ko talaga maalala.

"Fine!.....The Jerk Steven" sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko.

"Steven Asuncion?!" Gulat na tanong ko.

Umirap siya sa akin.

"Yeah, kailangan pa talaga yung Jerk para maalala mo ako?" Inis na tanong niya. Tumawa ako.

Unforgotten Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon