Chapter Twenty One

35 4 0
                                    

Chapter Twenty One

Naabot ko ang highway nang naglalakad.

Hindi ko alam kung ano ang sasakyan ko, I am not even familiar to this place. Siguro kung may dadaang taxi, ay taxi nalang siguro ang sasakyan ko.

My eyes are still blurry, patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko. I can't take this anymore.

Naglakad ako para makatawid sa daan. Doon ako mag-aabang ng taxi.

Patuloy ko paring pinapahid ang luha ko habang tumatawid. Hindi ko alam na babalik ulit ang nangyari sa akin. Iiyak na naman.

Wala akong pakialam kung tinitingnan na ako ng mga tao ngayon.

Napatigil ako at napahawak sa dibdib nang muntikan akong mabangga sa isang sasakyan na tumatakbo. Napapitlag na lamang ako nang bumusina ito.

"Nagpapakamtay ka ba miss?!" Singhal ng driver. Tinitigan ko lang siya sa gulat. Pinatakbo niyang muli ang sasakyan niya. Naiwan ako doong nakatunganga.

Bakit di ko namalayan?. Well!. Ano pa ba?. Di ko nga namalayan na pumapasok na naman ako sa isang kwarto kung saan ako sinaktan noon. Nahuhulog ulit ako at alam kong masasaktan lang ako.

"Georgina ano ba ang iniisip mo?!" May biglang humila sa akin at kinulong ako sa mga braso niya.

Ramdam ko ang pintig ng puso niya, pinapaypay ng kaniyang mabibigat na hininga ang aking buhok. Bumuhos ulit ang mga luha ko. Damn! I hate this. I've never been a crybaby before.

Hinila niya ako sa gilid ng daan.

"Ano ba ang iniisip mo?, Magpapa--"

"Ikaw!..." Natigilan siya. " Ikaw ang nasa-isip kong pusa ka!, Hindi ko alam kung bakit hindi ka parin MAWALA sa isip ko kahit na PATULOY mo along sinasaktan" humagulhol ako sa iyak.

"Kung bakit ba kasi bumalik ka pa.....dapat di ka na bumalik" napa-awang ang bibig niya habang ako ay patuloy na umiiyak. Nakatingin sa amin ngayon ang mga tao na nasa gilid ng daan.

"Palibhasa kasi, alam mong babalik ako sayo, palibhasa kasi marupok ako, palibhasa kasi alam na alam mo ang bawat detalye ng puso ko, palibhasa kasi alam na alam mo kung paano ako mahulog ulit" tinuturo ko pa siya. " Tapos kapag nahulog na ako, wala na..."tumawa ako kahit na umiiyak. " Masasaktan na naman ako, lintik na puso kasi eh, ang daling mahulog" pinahid ko ang mga luha ko at nag-iwas ng tingin.

"George---" hinila ko ang braso kong hahawakan sana niya.

"Tama na Nico!, Ayaw ko na. Ano pa ba ang gusto mo?!, Gusto mong malaman na nahuhulog ulit ako sayo? Ha?. Ano?. Oo!. Nahuhulog ulit ako, happy?! " Tumulo nang tumulo ang mga luha ko. May ibang tao na nakatitig na sa amin. Si Nico ay nakatitig lang sa akin at walang emosyon.

"I'm sorry"

"Palibhasa hindi mo alam ang oakiramdam na maloko, maiwan at masaktan. Palibhasa kasi, alam mong kapag iniwan mo ako, may sasalo pang iba sayo."

"George....."

"I gave you one chabce Nico....one chance para i-explain sa akin. Pero hindi mo ginamit" ngumuso ako. " And then I just told you to leave me, I told you to leave me, pero pusa!, Ang gusto ko nun ay manatili ka, ang gusto ko ay mag-insist ka na hindi mo ako iiwan. Kasi mahal mo ako. Gusto kong maramdaman sa pagkakataobg iyon na nahal mo ako, para lumaban pa ako. Pero pusa! Iniwan mo ako!" Mas humagolhol pa ako. Napatungo si Nico at nakita kong may luhang tumulo mula sa mga mata niya.

"Ginawa ko yun dahil alam kong sagabal lang ako sayo". I cried more.  " Lasing ako nung gabi ng Birthday ko, nilasing ko ang sarili ko dahil alam kong sagabal ako sa mga pangarap mo. Kinausap ako ng daddy mo isang araw bago ang kaarawan ko. Sinabi niyang ako ang magiging sagabal sayo. Kaya nung sinabi mong mag-explain ako ay hindi ko magawa, nang lumabas ako sa bahay, nakita ko si Jessie, inakala kong ikaw yun kaya ko siya hinalikan. At nung sinabi mong umalis ako, ginawa ko ang pinakamabigat na desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko. Ang iwan ka kahit hindi buo ang desisyon ko."

Unforgotten Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon