Chapter Twenty
Tulala ako nang nakabalik sa cottage. Umiinom ako ng bottled water habang nakatitig lang sa karagatan at naka-taas ang isang kilay ko.
Masama ang tingin ni Irene sa akin pero binalewala ko. Si Gryka naman ay nag-aalalang nakatingin sa akin habang si Zyris ay hinahanap si Nico. Si Ms. Sarah naman ay parang walang alam sa nangyayari lalo na't pinuntahan siya ng boyfriend niya dito.
"Bakit nga ba nagyaya si Sir Asuncion ng beach?" Biglaang tanong ni Irene.
Tumingin naman si Ms.Sarah sa kaniya.
"Dahil gusto niyang i-treat tayo dahil nakapasok siya sa school natin" sabi ni Ms.Sarah.
"Bakit tayo pa, I mean, hindi naman kayo close ni Steve, si George, sina Gryka at Zyris" sabi niya. Nag-taas ako ng kilay, so close sila?.
"Ms.Irene, highschool classmates kami ni Sir Steve, College classmates naman sila ni Ms.George at sina Ms.Gryka at Ms.Zyrisbay mga kaibigan ni Ms. George at kilala na rin niya" paliwanag ni Ms.Sarah. Halatang naiinis narin siya kay Irene. Well, sino bang hindi?
Kumain kami ng lunch sa cottage. Wala akong imik habang panay naman ang usap nila. Si Ms.Sarah at si Steve ang pinakamadaldal. Laging sila ang nagsisimula ng topics na minsan ay magtatawanan kami.
Sweet sina Ms.Sarah at ang boyfriend niyang si Louis, isang Seaman. Sinusubuan pa ni Ms.Sarah ang boyfriend niya na mamumula naman dahil sa hiya. Si Gryka naman ay panay ang pagsasalita tungkol sa boyfriend niya habang si Zyris ay tinutukso pa namin kay Kuya. Si Nico at Irene naman ay......medyo sweet. Naiirita ako minsan kasi sa tuwing tumatawa si Irene ay pinapalo niya ang lap ni Nico. Minsan tumatawa silang dalawa kahit wala namang nakakatawa.
Pagkatapos kumain at magpahinga ng saglit ay naligo na sa dagat sina Gryka at Zyris. Samantalang naglalagayan pa ng sunblock sina Ms.Sarah at ang boyfriend niya.
Naiwan naman akong mag-isa sa cottage dahil si Nico at Irene ay nagp-picture malapit sa dagat at si Steve ay di ko mahagilap.
Isang tikhim ang nakapagpalingun sa akin sa labas ng cottage.
"Gusto ko lang sanang huminga ng tawad sa......nangyari kanina" kinabahan ako sa paglapit niya.
"Alam mo kasi, kaya ganun ako mamilit k-kasi, parang takot akong mag-isa" pag-aalala at lungkot ang biglang tumakbo papunta sa puso ko. Everything has a reason. Steve has a reason.
"Iniwan n-na k-kasi ako ng....." Natigilan ako nang makitang umiyak siya. My hands are trembling. Hinagod ko ang likuran niya, I don't know what to do. I am shocked.
"I-iniwan n-na kasi a-ako n-ng Girlfriend k-ko noon.......n-na trauma n-na ako. A-at bumalik iyong s-sakit n-nang m-makita k-ko s-siya ulit" sabi niya. Kumunot ang noo ko.
"Sino ang girlfriend mo?" Tanong ko.
Pinunasan niya ang luha sa nata niya at tumawa.
"H-hindi na yun mahalaga......basta sorry ha......hindi na kita gagambalain. Pwede naman akong magmahal sa malayo lang. Alam kong di mo rin ako matututunang mahalin." Sabi niya. Parang nakonsensya ako.
"S-sorry Steve" tanging nasabi ko.
Tumawa ulit siya kahit na umiiyak.
"Okay lang....sige....basta....mapatawad mo lang ako, okay na." Sabi niya at tumayo at naglakad na palabas ng cottage.
Parang may kung anong bigat sa aking dibdib na di ko mawari. Una, ang nangyari kanina, next is Nico and Irene, si Steve naman na nasasaktan. He had a reason, but I judged too soon.
Nang dumating ang alas tres ay pumunta ako sa labas ng cottage sa buhangin. Hinubad ko ang Jacket ko at nilagay ito sa buhangin para maupuan ko. Wala na rin namang masyadong tao kaya walang makakita sa suot ko ngayon na sleeveless.
Tiningnan ko ang kabilang isla bago pumikit.
I wish love isn't this hard. We love to be loved. We love to be hurt. But the important thing is we loved.
Siguro kahit na nasaktan ako noon dahil sa pagmahal ko, ang importante ay nagmahal ako. Kahit na nasaktan ako, nagmahal ako.
After 7 years, hindi ko alam na babalik ulit ang puso ko kay Nico. After 7 years, after my first love and first heartbreak, I never thought my heart would fall again.
"Mukhang malalim ang iniisip natin" napamulat ako ng mata at napalingun sa gilid ko. Nakita ko ai Nico na nakatayo habang nakapamulsa. He was staring at me.
Ngayon ko lang napansin na ang hot niyang tingnan sa suot niya. Nakasuot siya ng white t-shirt na sadyang yumayakap sa katawan niyang maskulado. Nakasuot din siya ng brown beach shorts.
"Ako lang ang nag-iisip ngayon"sabi ko at nag-iwas ng tingin. Bumibilis na naman ang pintig ng puso ko.
Bigla siyang umupo sa gilid ko at tiningnan rin ang kabilang isla. Parang hindi na ako humihinga dahil sa lapit namin sa isa't-isa.
"George, kung hindi kaya tayo naghiwalay, tayo parin ba kaya hanggang ngayon?" Natigilan ako. I easily feel awkward, and right now, I am really feeling awkward.
"A-ahhmmm, h-hindi ko alam. Maaaring oo maaaring hindi" kalmadong sabi ko, pero nabasag parin ang boses ko. Bakita niya ba naisiping nagtanong ng ganun.
"Sana pala no, hindi nalang tayo naghiwalay" may panghihinayang ang boses niya.
Umayos ako ng upo. I am getting really uncomfortable.
"Siguro masaya tayo ngayon, siguro hindi ko kailangang maging baliw sa kakaisip na baka may makaagaw sayo---"
"Look, Nico!. Walang makakaagaw sa akin dahil walang nagmamay-ari sa akin. At huwag kang magsasalita na parang hindi mo kasalanan ang lahat!" Padabog akong tumayo. Kinuha ko ang jacket ko at niyugyog para mawala ang mga buhangin at naglakad na.
"George!" Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Nico. Binilisan ko pa ang paglalakad.
May mga tao na nasa cottage lang nila at nag-uusap pero tila nagagambala dahil sa nangyayaring eksena sa harap nila.
"George please!" Tumigil ako at hinarap siya.
"Ano pa ba Nico?. Ano pa ba ang gusto mo? Dapat hindi ka na bumalik eh, dapat di ka na bumalik. Okay na sana ang lahat. Ang akala ko naka-move na ako....pero....." Biglang tumulo ang mga luhang hindi ko inaasahang tutulo. Pinahid ko ito.
"Palibhasa kasi, hindi mo naramdaman ang sakit na naramdaman ko simula nung nakita kitang may iba, simula nung hindi ka man lang lumaban." Umiyak ako. I don't care if people are now staring at me and I don't care anymore. Parang ang hiya ay nawala na.
Hinawakan niya ang braso ko pero agadvkong hinila pabalik. Nabigla siya sa ginawa ko. Kinuha ko iyong pagkakataon na umalis.
I'll probably just ride a taxi or a bus para makabalik sa bahay. Basta ang alam ko, kailangan kong mapag-isa. I need to go back home and probably cry in my room.
I just don't know what to do.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/185750159-288-k760447.jpg)
BINABASA MO ANG
Unforgotten Love [COMPLETED]
Romance"Maybe I'm not afraid to be a failure because of him. I'm afraid because I am falling inlove again." Georgina Helena Montero transfers at a public school from a private school and started teaching as a Science Teacher in Grade 7. Akala niya magiging...