Chapter Twenty Four

49 5 0
                                    

Chapter Twenty Four

"Nico!!!!!!!!" Umalingawngaw ang sigaw ko dahil sa sakit.

"Nicholas!!!!!!!" Sigaw ko nang hindi parin siya dumadating.

"Dela Cruz!!!!!!!!!" Sigaw ko pa. Napahawak ako sa tiyan ko. Pusa tong lalakeng ito. Hindi ko gustong manganak sa bahay, gusto ko sa hospital para maayos ang pagkapanganak ko.

"George?, George? Tinatawag mo ko?. George!" Nagulat siya kaya naman dali dali niya akong dinaluhan. Nasa sala kasi ako ngayon nanunuod ng T.V nang biglang sumakit ang tiyan ko. Kabuwanan ko na!. Manganganak na ako!

"Pusa ka!, Ahhhhh.....t-tawagin mo na si manong driver pusa!." Natatarantang hinawakan niya ang tiyan ko. Lumapit narin si Yaya Marie sa amin.

"S-saan masakit?, Anong nararamdaman mo?" Natatarantang tanong niya.

Ngumiwi ako dahil sa sakit at hinawakan ang tiyan ko.

"Hoo....ahhhh, manganganak na akong pusa ka!!, Ano dito mo ako papanganakin, pusa ka talaga!, Ahhh!"

"Manong!, Manong!" Dali dali niyang tinawag si Manong Driver.

"Yes sir?" Hinihingal na sagot ng Driver habang ako ay masakit parin ang tiyan.

"Paandarin mo na ang kotse ko, pupunta na tayo sa hospital" madaling tumango si manong driver na pantot at malaki. Ahhh! Naiinis na talaga ako, ang tagal ah!.

"Masakit ba?" Nag-aalalang tanong niya habang ako rito ay pawis na pawis na.

"Palit kaya tayo para maramdaman mo rin ang nararamdaman ko!"inis na singhal ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ouch!".





Gryka Montero's POV

"Sir Nico!" Tawag pansin ko sa lalakeng nakatayo malapit sa pintuan ng isang room. Pabalik-balik ang lakad niya na parang hindi mapalagay.

Palapit ako nang palapit at mas klaro na ang sigaw ni George.

"Sir Nico" ulit ko nang nasa tabi na niya ako. Tiningnan niya ako.

"Si George?" Tanong ko at sumilip sa room kung saan may sumisigaw.

"Nasa loob" hindi siya mapalagay, pabalik-balik parin ang paglalakad niya.

"Kalma ka lang Nico, magiging okay sila" sabi ko.

"Magiging ama ka na pero ganyan ka?" Pabirong tanong ni James. Siniko ko naman.

Sinamaan siya ng tingin ni Nico.

"Buntisin mo kaya yang si Gryka at nang maramdaman mo ang nararamdaman ko ngayon" seryosong sabi ni Nico, pero kahit papano ay nakapag-papula sa pisnge ko.

"Chill bro, parang ikaw ang buntis ah" hindi nalang siya pinansin ni Nico.

"Aaahhh!" Rinig kong sigaw ni George. Sabay kaming napasilip ni Nico sa maliit na siwang ng pinto. Nag-away pa kami pero siya nalang ang pinasilip ko, tutal siya naman ang magkaka-anak.

"Shoot" mas lalo pa yata siyang kinakabahan ngayon.

"Ahhhh!"narinig namin ulit.

"Masakit ba George?!" Nag-aalalang tanong ni Nico

Biglang tumahimik, ang lahat. Kaya naman sisilip sana si Nico nang marinig ang sigaw ni George.

"Gag* ka talaga Nico, kung bakit ba kasi binuntis-buntis mo pa ako!" Natatawang tumingin ako kay James na tahimik lang at pinagmamasdan ang salamin sa harap niya.

Nakita kong napangisi si Nico.

Maya-maya lang ay tumahimik ulit ang lahat pagkatapos ng isang sigaw pa ni George. Sumilip ulit si Nico pero natigilan nang marinig ang isang iyak. Iyak ng isang bata.

Tiningnan ko siya at nakita kong maluha-luha ang kaniyang nga mata. I wonder how it feels to have a child, siguro kagaya rin ng nararamdman ni Nico at George ngayon.

Nakita kong tumayo si James at dumalo sa amin.

Hindi na nakapaghintay si Nico at agad na binuksan ang pinto. Sumunod narin ako. Nakita pa namin na pinigilan siya ng nurse.

"Congratulations, it is a healthy baby boy!" Sabi ng doctor. Maluha-luhang tiningnan ni Nico ang bata. Hindi ko pa to matingnan dahil sa tangkad ni Nico.

Habang nililinis pa ng mga nurse at doctor ang bata ay dumalo naman si Nico sa nanghihinang si George.

Umupo siya sa gilid nito at inayos ang buhok.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Nico sa asawa nito.

Bahagyang minulat ni George ang mga mata niya at tiningnan si Nico. Ngumiti ito at nag-thumbs up. Ngumiti naman ako.

"Congrats" sabi ko. Ngumiti siya sa akin.

"Ikaw, kailan ka kaya manganganak Gryks?" Biglang tanong ni George na ikinatigil naming dalawa ni James.

"A-ahh, saka na George, mga bata parin naman kami ni James" sabi ko

"Tsaka di pa kami kasal, 2 months nalang, ikakasal na kami. Kaya hintay lang tayo sa kalaro ng anak niyo ha" sambit ni James na nakapagpa-pula sa pisnge ko. I'll wait for that James. I'll wait.

Nang lumipas ang ilang minuto ay dala-dala na ng nurse ang sanggol. Nag-angat sina George at Nico ng tingin. Si Nico na naluluha at si George na nanghihina pa.

"Heto na po ang baby niyo" sabi ng nurse at marahang inilagay sa mga braso ni George. Tinitigan nilang pareho ang bata.

"Hello baby" sabi ni George at bahagya pang tinuro ang ilong nito. Gwapo ang bata, matangos ang ilong at manipis ang mga labi, may pagkachubby din ang mukha niya. Ang cute!.

Tiningnan ko ang dalawa. Halos naging saksi kami ni Zyris sa naudlot na pag-iibigan nila. Simula nung nalaman naming ex pala ni George si Nico hanggang sa nalaman naming buntis si George.

Hindi ko akalain ang ganitkng pag-iibigan ay nage-exist parin sa mundong ito.

Hindi ko akalain na makalipas ang pitong taon ng naudlot na pag-ibig, ay bumalik ang mga puso nila sa isa't-isa.

"George?!" Napalingun naman kami sa pinto kung saan pumasok sina Tita Hariett at si Tito Dencio kasama si Gavin. Nagmamadaling dumalo si Tita kay George.

"Oh, ang cute naman ng apo ko oh" sabi ni tita at bahagyang ginalaw ang kamay ng bata.

Si Nico naman ay tumayo at lumapit kay tito tsaka niyakap. Tinapik naman ni Tito ang balikat niya. Ganun din ang ginawa niya kay Gavin. At pagkatapos ay dumalo ulit sa asawa na nakangiti na ngayon sa anak nila.

"Maam, may ask you for the name of the baby?" Tanong ng nurse. Nagkatinginan si Nico at si George. Parang pinagplanuhan na nila ito.

"Gabriel Nixon Montero Dela Cruz" sabay na sabi ng dalawa at ngumiti sa isa't-isa.

Sinulat ng nurse iyon at ngumiti sa kanila bago umalis.

"C-Can I hold him?" Tanong ni Nico.

"Oo naman" sagot ni George. Nanginginig pa ang mga kamay ni Nico habang inaabot ang bata. Pero isang matamis na ngiti at mga luhang tumutulo ang nakita namin nang nasa braso na niya ang bata. Nginitian niya ito.

"Hello Gabriel, I am your d-dad"medyo nabasag pa ang boses niya nang sabihin iyon. Gumalaw ng bahagya ang bata. Ang cute talaga!.Agad siyang lumapit sa asawa niya at hinalikan ito sa labi, napangiti lang si George.

"Thank you" bulong na sabi nito.

I smiled as I watched them. Hinila ako ni James at nang humarap ako sa kaniya ay hinalikan niya ako. I smiled.

"Maghintay ka lang" tanging sabi niya pero nakapagpakilig sa akin.

He hugged me from behind, tinitingnan namin ang masayang mga magulang.

"We'll be like them soon babe" sabi ni James sa akin. I smiled.

***

Unforgotten Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon