Chapter Sixteen
"Georgina!, Hindi ka man lang nag-text na hindi ka makakauwi" galit na sabi ni mommy.
"S-sorry po My, n-na lock po kasi kami sa Laboratory, na low battery po ako kaya hindi ako nakapag-text"
"What?!,"Gulat na tanong ni mommy. "Kami?, You mean marami kayo?, Sino naman ang kasama mo?, Nakakain ka ba?" Napapikit ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.
"Dalawa kami, s-si N-Nico yung kasama ko, n-nakakain n-narin ako" nakita kong sumilay ang ngiti sa labi ni mommy. Napatikhim siya at napatakip ng bibig para hindi mahalata na nakangiti siya.
"Mommy naman, maliligo na nga lang ako" nilapag ko ang bag ko sa sofa at nagmadaling pumunta sa kwarto para magbihis.
"Mag-usap tayo mamaya Georgina, marami ka pang dapat sabihin sa akin" natatawang sabi ni mommy. Napairap nalang ako.
Pagkatapos kong maligo ay kumain na ako. Alas syete narin kasi. Nung alas sais ng umaga ay nagising ako at saktong nakita ko si Tatay Pedro na naglalakad sa ground sa gitna ng mga buildings kaya tinawag ko siya. Todo hingi siya ng paumanhin dahil sa nangyari, hindi niya kasi napansin, nasa likod din naman kami ng shleves. Umuwi na ako sa bahay para maligo at makapagbihis. Kailangan kong makarating sa school before 8 am dahil sa event mamaya.
Si Daddy ay maagang nagpunta sa Restaurant namin para siguraduhing nandun ang mga staff at walang problema bago mag-open
Nag-paalam na ako kay mommy at dali-daling umangkas sa motor para makapunta na sa school.
Pagdating ko doon ay marami nang estudyante ang pumapasok sa gate. Marami na rin ang nakaparadang sasakyan at motor sa parking area.
Dali dali akong nagpunta sa Faculty Room para mag-IN sa Bio.
"Late ka ngayon Maam George ah, napagod sa preparation?" Tanong ni Mr. Gomez.
Ngumiti lamang ako at naglakad na papunta sa table ko. Hinihingal na umupo ako sa upuan ko at napalingun sa katabi ko.
"Hoy, ang late mo naman ata?" Tanong ni Gryka sa akin.
Naki-usyoso na rin si Zyris.
"Sabihin mo, ano ang ginawa niyo ni Sir Nico kahapon sa Science Lab?" Makahulugang tanong niya. Umirap ako.
"Na lock ang pinto ng laboratory, hindi na kami nakalabas" sabi ko. Nanlaki ang mga mata nilang dalawa.
"Oh my gosh"
"Hala"
"Hoy hinaan niyo nga yang mga boses niyo, baka may makarinig" sabi ko. Napatakip naman sila sa mga bibig nila.
"Maam George, salamat talaga dahil natapos niyo ang mga flowers, napadikit na namin ito sa stage. Salamat talaga , nalate ka pa dahil sa pagod" sabi ni Mrs.Myline.
"Naku, wala po iyon Maam, ikinagagalak ko pong makatulong"
"Nga pala, nasan si Sir Nico?, Napagod din siguro" sabi niya.
"A-ahh baka po"
Maya-maya lang ay dumating si Nico. Naka-suot siya ng uniform at may nakasabit pa sa balikat niya na bag para sa Laptop.
"Oh, andyan na pala si Sir Nico" sabi ni Mr.Gomez. ngumiti lang si Nico sa kanila at naglakad papunta sa table niya. Hanggang ngayon ay di ko pa nalilimutan ang pabango niya.
I was about to smile at him nang biglang lumapit sa Irene sa kaniya.
"Nico, bakit nalate ka?" Nag-aalalang tanong niya. Napansin ko namang umirap si Gryka at sinusunod pa ni Zyris ang pagkakasabi ni Irenen nun.
BINABASA MO ANG
Unforgotten Love [COMPLETED]
Romance"Maybe I'm not afraid to be a failure because of him. I'm afraid because I am falling inlove again." Georgina Helena Montero transfers at a public school from a private school and started teaching as a Science Teacher in Grade 7. Akala niya magiging...