One

51 2 0
                                    

Hey there!

I'm smiling in front of a building kung saan pinapatawag na ako for interview. Kinakabahan talaga ako and at the same time happy kasi kung swertihin makapagtrabaho na ako at magkapera. Yes! Yan talaga ang una kung naisip ang magkapera! Kasi mabili ko na ang lahat ng gusto ko at syempre makapaglakwatsa na ako gamit ang sarili kung pera. At higit sa lahat makatulong sa pamilya. Oh diba ang responsible ko naman masyado. Sabi ni mama at papa kasi pagnakatapos na ako sa pag aaral at makapagtrabaho, tutulungan ko din ang mga kapatid ko. And of course, gusto ko din makarating sa iba't ibang lugar. Kasi naman noong nag-aaral pa ako bawal ganito bawal ganyan. Bahay school, school bahay lang ako eh. Haist! Strict ang parents eh. Kaya ngayon need ko na talagang galingan ang first interview ko. Dapat maging positive ang resulta nito.

"Ms. Loonery Barrios."

Uy! Tinawag na ako sa loob kaya naputol ang pagmunimuni ko. Naginginig na ang mga tuhod ko sa sobrang kaba. When I open the door all eyes are set on me. Nalulon ko kaagad ang laway ko.  Relax Loone! Relax! Paano to mag successful kung magpapapatalo ka sa kaba? Bulong ko sa aking isipan. Humugot ako ng malalim na hininga at humakbang papasok.

"Please take your set."

Sabi nung isa sa mga nakaupo sa pahabang mesa. Bali anim katao ang nakapalibot sa pahabang mesa. Ito ba magiinterview sakin? Ang dami naman!

"So lets start, kindly introduce yourself?"

At nagtuloy tuloy na ang mga tanong na hindi ko alam kung paano ko nasagot lahat. But to make it short, i answered it in a rightful manner, full of wisdom and confidence. Oh hah? Ang taray ng lola nyu! Pero ang saklap di pa malaman kung tanggap ba ako o hindi. Maghihintay pa daw ng ilang days. Tatawag lang daw sila. Well hoping na matanggap ako. Ganun sa probinsya eh. Maghintay ka pa ng ilang araw bago mo malaman kung pasok ka o hindi. Well, sorry pala hindi pala ako nag introduce ng self ko sa inyo. Ako nga pala si Loonery Barrios, tawagin nyo nalang akong Loone. Isa akong simpleng mamamayan ng pilipinas. Hindi ako kasing yaman ng mga character na nababasa ninyo sa wattpad. Isa akong agriculture graduate at kontento sa simpleng pamumuhay sa isang probinsya sa Iloilo. Fresh graduate ako at yun nga katatapus lang interviewhin. Kailangan na kasi ang trabaho para makatulong sa pamilya. Wala eh. Salat tayo sa pera. Pero kung pagmamahal naman yan ang masasabi kung mayaman ako dyan.

"Loone, labhan mo nga tung mga pinaghubarang damit ng mga kapatid mo. Nakatambak naman yan dito."

"Sige ma. Ilagay mo lang dyan. Labhan ko mamaya."

"O sige. Basta pagbalik ko wala na yan diyan ha. Punta pa ako ng palayan at magbunot ng damo doon. At saka magluto ka na din....."

Yan si Mama Miloona Barrios! ang daming bilin bago umalis. Nakulili na ang tainga ko. Napapadyak ako ng tahimik ng hindi pa rin siya tumigil. Nakahinga lang ako ng maluwag ng umalis na siya. Hayss. Buhay. Kailan pa kaya kami yayaman? Para may tagalaba na kami. May tagaluto. May taga igib ng tubig. Blah blah. Nakakapagod kaya gumawa ng mga gawaing bahay. Sandali nga utusan ko tong mga kapatid ko. Ako ang ate kaya dapat sumunod sila.

"Hoy! Larnae, tulungan mo nga ako dito sa paglilinis ng bahay. Walisan mo dun sa sala at magliligpit ako ng kwarto natin."

"Ikaw inutusan ate eh." Kakamot sa ulo na sabi nito.

"Aba eh. Ako lang ba tumitira rito at ako lang ang gagawa. Sige na para mapabilis to. Mamaya pag di to matapos lagot tayo kay mader. Alam nyu naman yun. Paguuwi yan mamaya at di pa nagawa yung mga iniutos makatikim tayo ng sinturon."

"Oo na. Oo na." Padabog na sabi ng kapatid ko.

Linis dito Linis doon. Linis doon linis dito. Di joke lang. Para na akong timang. Dapat seryoso tayo. Heheh. Ng matapos na naming malinis ang buong bahay, nagpasya na akong maglaba. Tinipon ko na ang lahat ng labahin at inilagay sa palanggana. Alam nyo ba kung saan kami naglalaba? Syempre sa isang napakalinis na sapa. Yan sa probinsya diba.? Yung malayo sa sibilisasyon. Yung malayo sa bayan. Yung malayo sa karamihan. Di joke lang. Pero totoo. Wala ngang kalsada malapit sa amin eh. Kailangan maglakad ka ng isang oras bago mo marating sa amin. Kaya hindi in-house ang tubig. Hahah. Mag-igib ka para may mainom ka. Punta ka ng gubat para may panggatong ka. punta ka ng sapa para makapanlaba ka. Mahirap pero masaya. Yan ang buhay probinsya. At proud akong probinsyana na lumaki sa gitna ng kabundukan. Pakanta kanta pa akong naglalaba at kinusot ng maigi ang labahang mga damit ng di ano anu'y may narinig akong langitngit ng mga tuyong sanga ng kahoy. Ipinagsawalang bahala ko yun. Kasi naman eh, napapalibutan ng mga kahoy ang sapa eh. Kaya di na yun katakataka. Pero habang tumatagal parang yung tunog ng natatapakang tuyong sanga ng kahoy ay palapit ng palapit sa akin. Nilingon ko iyon at nagbakasakali na sumunod yung kapatid ko sa akin. Pero walang tao. Bumangon na ang kaba ko sa aking dibdib. Umasta lang akong walang pakialam sa paligid. Pero kalaunan ay talagang palapit na yung tunog at ang ginawa ko ay lingon dito lingon doon sakaling makakita ako ng tao. Pero wala talaga. Booggss! Nabitawan ko yung kinukusot ko. May bumulusuk na kung ano sa tubig sa may bandang unahan ko. And again, hindi ko alam kung ano yun. Sinigaw ko na ang pangalan ng kapatid ko.

"Hoy di na nakakatuwa yung mga ginagawa nyo! Wag ninyo akong pagtripan. Humanda kayo sa akin."

Pero wala eh. Lumipas ang ilang minuto, ayan na naman ang tunog ng naaapakang mga tuyong kahoy. At bigla nalang humangin ng malamig at nakakapanindig balahibong pakiramdam. Dali dali kong tinapos ang aking labahan at niligpit ito at akma ng aalis ng may bumato sa tubig. Kinabahan na talaga ako. Kasi sabi nina lola na pag ganitong tanghali daw may mga kapre o di kaya'y aswang na dumadaan sa mga sapa para makiinom daw. At di malabong magpapakita daw sayo yun. Hindi ako naniniwala sa mga ganun pero sa ganitong pagkakataon parang gusto kong maniwala. Dali dali kung binuhat ang aking labahan at umalis na. Binilisan ko ang aking paglalakad pero bakit parang sumusunod pa ring yung mga tunog. Wala naman akong taong nakikita na nakasunud sakin. Lumingon ako sa likuran ko pero wala. Ng ipagpatuloy ko na ang aking paglalakad na biglang hindi na ako makalakad. Parang may pumipigil sa dala ko at ito' y pabigat ng pabigat. Ng biglang....

"Waaaaaaaaahhhh....

"Aaaaaaahhhhhhh.. tulong! Tulong! May aswang! Aswang! Mama ! Papa! Aswang!" Sigaw ako ng sigaw. Hindi ko na alintana ang aking dala at tumakbo ako ng mabilis.

"Whahahahaahahahahah....whahaahahhahahbhHhhahahahahah..

Napatigil ako at napalingon. Ayon! Ang bastos kung kuya at si papa. Ang lapad lapad ng mga ngiti nila.

"Oh akala ko ang tapang mo?" Nakangisi si Mr. Nikon sa akin. Yan ang kuya ko. Pinaglilihi daw ni mama yan sa nikon na tsinelas eh kaya yun ang pinangalan sa kanya. Gustong gusto kasi ni mama na nikon ang tsinelas niya habang pinagbubuntis niya sa kuya noon. Ayaw niya ng ibang brand basta nikon. Oh diba? Ano kayo diyan? Heheh. Habang si papa ay mamatay matay na sa kakatawa.

"Huh! Loone masyado kang matakutin. Yun lang para ka ng maiihi sa sobrang takot"si papa

"Abay malay ko baka mga engkanto yun at natsambahan ako dito sa sapa. Diba sabi niyo pagganitong oras, yun ang oras ng pagparamdam nila?

"Akala namin di ka naniniwala diyan? Si papa Rino Barrios. Ang makulit at jolly kung papa. Na kung mantitrip wagas! Grrhhh..

"Iwan ko sa inyo". At binirahan ko ng alis. Nakakabadtrip naman. Halos atakihin na ako sa heart attack dahil sa sobrang kaba yun pala pinagtitripan lang nila ako. Astig din eh! Natakot talaga ako. Akala ko magkatotoo na yung mga kwento ni lola sa mga kapre at aswang. Hmmmppp.

Pagdating ko sa bahay sinampay ko na ang aking nilabhang damit ng diumano'y nag ring ang aking cellphone. Oh diba? Kahit dito ako sa labas rinig ko nakafull volume eh. Hahah. Dali dali kong inakyat yun sa taas at sinagot. Wala ng tingin tingin kong sino ang tumatawag.

"Hello?

"Hello. Is this Miss Loonery Barrios?
"Yes. Speaking po. Sino po toh?" Abah may caller ako ah. hahah. Babae kaso. Tsk. Lalaki sana. Joke lang. Patay ako kay pader pag magkataon.

"Hi! This is from Coco Organic Inc. I congratulate you for passing the exam and interview. Welcome to the company and good luck Miss Barrios. Kindly, prepare and comply your necessary documents being sent to your email account. Please report on Monday as assumption of your duty."



**************

The Quest of Miss LooneWhere stories live. Discover now