Chapter 1

202 5 0
                                    

Hello guys! Thank you for continuing supporting my story...

Please like and share😊


Sunod-sunod ang ginawa kong pagbubuntong hininga habang nakatingin sa napakalawak na bahagi ng baybaying dagat. Napakaganda nito. At napakaaliwalas din ang kalangitan. Lalo na ang kulay nito na asul tulad ng sa pusod ng dagat.

Kalmado ang dagat, hindi gaanong maalon. Kaya naman ipinasya kong maupo sa dalampasigan at hayaang mabasa ng tubig dagat ang aking mga paa sa mga mumunting hampas nito sa buhangin.

At kahit pa tirik na ang sikat ng araw, at masakit na ito sa aking balat. Hindi ko pa rin iyon alintana. Mas nag-eenjoy akong pagmasdan ito sa ilalim nang napakainit na sikat ng araw.

Ang maganda pa, tanging ako lamang ang naroon. Pakiramdam ko, hinahayaan talaga ng tadhana na mag-isa ako sa mundo. Maramdaman na tanging ako, sarili ko lamang at wala ng iba pa.

Nababalot na naman ng kalungkutan ang puso ko. Kasabay ng pagpapakawala ko ng isang malalim na buntong hininga ay ang paglandas naman ng mga luha ko sa aking pisngi.

Nangungulila ako. Namimis ko na ang aking kapatid na tanging nagmamahal sa akin. At nag-iisang tagapagtanggol ko. Ang tanging karamay ko sa aking kalungkutan, pighati at pag-iisa.

Ang tanging kasama ko sa pagtawa. At kalungkutan.

Na ngayon ay hindi ko na makakasama, makikita at wala na rin akong karamay o magtatanggol sa akin. Sa tuwing may mang-aaway, manunukso sa akin. Wala nang magtatanggol sa akin sa iba ko pang kapatid na walang alam gawin kundi ang saktan ako, pahirapan at pahiyain sa harap ng iba.

Ang magulang ko naman, wala ring pakialam sa akin. Tama bang sabihin ko na wala silang pakialam sa akin? Malupit sila sa akin.

They disowned me...

They rejected me...

They unwanted me...

Yet, I loved them so much!

Kahit pa ipinapamukha nila lagi sa akin na hindi ako part ng pamilya.

I still care for them.

Kahit ilang beses pa nila akong ipagtulakan para lumayo sa kanila.

I will always stay beside them.

And if they asked me to die.

I will die for them.

And if people used to hate me and no one to be there for me.

I will just smile and lift my head up on the sky and murmured His name to comfort me.

I will not get tired nor to stop loving them because for me they're always my family.

And I'm Arrielle Mendez, 23 years of age. The Submissive Daughter, longing the love of my family.

Omg! Alas singko y medya na pala ng hapon. Hindi ko na namalayan ang oras. Dali-dali akong tumayo at naglakad patungong kalsada para makakuha ng masasakyan na tricycle patungong bayan. Doon ako sasakay ng jeep pauwi sa amin. Pagkatapos ay muling sasakay ng tricycle para makarating sa bahay.

Pwede ko namang lakarin kung gugustuhin ko dahil malapit lang naman. Kaso lang, mahihirapan ako dahil sa kalagayan ko. Braceted ang left foot ko. Dahil nagkasakit ako no'ng bata ako. Tinamaan ang pinakamalaking ugat sa balakang ko nong tinurukan nila ng gamot noong bata raw ako. After a few days, unti-unti nang lumiit ang isang paa ko dahilan para hindi na ako makalakad. Nawalan na ito ng lakas at hindi ko na rin daw maigalaw pa ng maayos.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon