Chapter 14

29 2 0
                                    

Super excited ako dahil darating si kuya Franco. Kasama ang kanyang pamilya. Meaning, makikita ko na muli ang pamangkin ko na inalagaan ko nong sanggol.

Syempre, malaki na siya ngayon, kung hindi ako nagkakamali, apat na taon na ito. Dalawang taon na din ang lumipas ng muli nilang kinuha ang anak nila. At sobra akong nalungkot nong kinuha nila siya.

Wala naman akong magawa dahil anak nila iyon. Ako?! Isang hamak  na tita lamang niya. Taga pag-alaga pero hindi ko pinagsisisihan na inalagaan ko ang pamangkin ko. Na minsan sa buhay ko, nagawa kong ibigay ang full time ko dito katulad ng sa ina.

Masakit lang talaga na mawalay sa kanya. Pero ngayon, nananabik ang puso ko na makita siya. Mayakap ng napakahigpit at masilayan ang mga ngiti nito. Marinig ang boses at mga halakhak ng pinakamamahal kong pamangkin.

Sa wakas, dumating na din sila.

Una kong niyakap ang pamangkin ko na agad yumakap sa akin pagkababa nito sa sasakyan.

Ang sarap lang sa pakiramdam dahil ramdam ko sa mga yakap nito how he misses me. At hindi ko maiwasang mapaluha.

"How are you, darling?" Tanong ko sa kanya habang hawak ng dalawang kamay ko ang mukha nito.

"I'm fine, tita. I missed you." Aniya.

"Oh, god darling, I've missed you more!" Sagot ko,  muli ko siyang niyakap. At hinayaan ko na lamang na magsilaglagan ang mga luha ko.

Nang sa di kalayuan, may tumikhim kaya nag-angat ako ng mukha.

"Nakaluto ka na?" Tanong sa akin ng kuya Franco. Hindi pa rin ito nagbabago. He's still the brute eldest brother. Na kinaiinisan ko ever!

Bossy kahit kailan!

Boses pa lang niya, nakaka intimidate na. Mga matang kung tumitig, para kaniyang lalamunin ng buo. At nakakatakot talaga siya.

Na! I'm not afraid of him, its just that I respect him because his older than me.

Tumindig ako at sinalubong ang kanyang tingin. Ramdam ko na naman ang tensyon sa pagitan naming magkapatid. Nagtataka nga ako kung bakit biglaan silang umuwi/nagbakasyon. Samantalang his a very busy man.

At ang hipag ko na masayang nakikipagkamustahan sa magulang namin. Ni hindi nga ako nilingon.

But, who cares?

Bagay nga sila ng kapatid ko. Pareho sila ng ugali. Hindi sa ayaw ko sa hipag ko. Maganda nga siya at matangkad ito. Kaya lang, talagang mabigat ang loob ko sa kanya.

I tried my best para pakisamahan siya. Pakitunguhan kahit alam kong we have a common feelings to each other.

Sa madaling sabi, she doesn't like me too like my own family.

And the feeling is mutual. Nang hindi ko na kayang makipagplastikan dito. Ako na mismo ang umiwas. Ayoko ng away. Isa pa, they only have a month to spent their vacation here in the Philippines. And I don't wanna spoil it.

"Ano ba gusto niyong lutuin ko?" Mahinahong tanong ko sa kuya ko. Kahit ang totoo'y naiinis ako sa pag interrupt niya sa moment naming mag-tita.

"Anything. Kung may hotdog at itlog, iluto mo for my son." Aniya bago hinaplos ang mukha ng anak. Saka tumalikod at bumalik sa kumpulan ng mga magulang namin na masaya pa ring nakikipagkwentuhan sa manugang nila.





"Breakfast is ready!" Tawag ko sa kanila, sabay pa silang lahat napalingon sa akin. Which is so weird.

Ako ba ang pinag-uusapan nila? Ngunot noo'ng tanong ko sa loob-loob ko. Pero syempre dedma lang iyon.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon