Chapter 10

37 3 0
                                    

Tatlong oras na kaming nasa byahe at nanatili lamang na tulog ang katabi ko.

As usual, Mainit pa rin siya.

Wala naman akong maipainom sa kanya na gamot para bumaba ang lagnat nito.

Saka bigla na lamang siyang inubo. Sobrang hirap na hirap siya sa pag-ubo.

Nakakainis din. Hindi ako makatulog sa byahe dahil sa ubo niya.

"Sorry," aniya ng magmulat siya at bahagyang inilayo ang sarili nito sa akin.

Hindi ako sumagot.

Thank God! Tumigil din ang bus. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon, bumaba ako para bumili ng gamot niya.

Mukha naman kasing wala siyang balak na bumaba para bumili. Dahil namaluktot na ito sa upuan at muling natulog.

Napapailing na lamang ako para sa sarili ko. Hindi ko naman ugaling magmalasakit sa iba. Ngunit sa babaeng ito, hindi ko siya matiis.

"Gising!" Yugyog ko sa kanya.

"Uhm bakit po?" Paos na tanong nito sa akin. Dahil na rin siguro sa kanyang ubo kaya namaos na siya.

"Take this..." Sabay abot sa kanya ng gamot.

Nakakaloka ang tinging pinukol nito sa akin. Nagtatanong ang kanyang mga mapupungay na mata.

"Drink it para bumaba ang lagnat mo at pati ito para kumalma ang ubo mo. Nang makatulog naman ako." Ngumiti siya. "I'm just being nice dahil nakakaistorbo ka na!" Pasupladong sagot at nawala ang kanina lamang na ngiti nito.

Pagsisihan ko man ang mga sinabi ko, huli na. Nasabi ko na, alangan na bawiin ko pa.

Pero hindi niya binuksan ang gamot. Hawak lang niya ito.

"Inumin mo na iyan..." Muling sabi ko.

"I...I can't. Thanks sa concerned pero kasi may allergy ako sa gamot." Aniyang mas ibinalot pa sa buong katawan ang jacket ko at ang kanyang kumot na kinuha ko sa kanyang bag.

"Paano bababa ang lagnat mo?"

"Just by this..." Ang tinutukoy nito ay ang pamamaluktot nito at muling inayos ang kumot sa katawan nito.

I can't believe this lady, may tao ba talagang allergy sa gamot? O talagang ayaw lang niyang inumin ang binibigay ko?

Nagmamalasakit na nga ang tao sa kanya.

Hay! Nakakainis pero naaawa naman ako sa kanya. Kaya ang ginawa ko, I offered her my shoulder, actually my arms to hug her.

That's what they called 'body heat'.

Sharing ones heat to other to make her comfortable to her situations. It isn't taking an advantage.

Hindi ko kailangang gawin iyon kung may choice lang ako.

She badly needed my arms to feel her better.

"Thank you..." Bulong nito sa akin.

"Sige na, matulog ka na." Sabi ko na lamang.

Panaka-naka'y nakakaidlip ako, at bigla na lamang akong naaalimpungatan kapag gumalaw siya. O di kaya ay inuubo na naman siya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya ng tinititigan niya ako.

Umiling siya.

"Malayo pa ang byahe natin, matulog ka na muna." Hindi ko maiwasang magsuplado sa kanya.

May katigasan din kasi ang ulo ng babaeng ito.

"I...i feel better now... Pwede mo na bang alisin ang kamay mo sa pagkakayakap sa akin?"

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon