Epilogue

76 1 0
                                    

"Thank you." Two words came to his aunt and uncle. I don't know for what those words for. I just know, I doesn't deserve those words from them. Thanking me for what? For hurting Jhay? For coming back to Jhay's life? Or what...

I just nod and smile.

"Uwi na kami tita, balik kami next weekend."

"Sige, hihintayin namin pagbalik niyo. Iha, welcome ka dito sa amin." Turan ng tiyahin nito.

Ngumiti ako. "Salamat po sa mainit na pagtanggap sa akin sa kabila ng lahat."

"Kalimutan mo na ang mga iyon iha. Ang mahalaga, magsimula kayo ng pamangkin ko. At sa pagkakataong ito, sana mahalin mo siya at huwag ng sasaktan."

"Makakaasa po kayo..." Sagot ko.

Nang mapagtanto ko ang lahat. Mukhang baliktad na ang panahon. Dati, ako ang inihahabilin na huwag saktan ni Jhay. Ngayon, si Jhay naman. Sabagay hindi ko naman sila masisisi dahil nakita, nasaksihan nila ang hirap at pagdurusa nito ng umalis at iwan ko siya.

Parang kailan lang, wala akong ginawa kundi manalangin. Umasa na sana dumating din yong time na magiging masaya ako. Yong sayang umaabot sa puso ko hindi yong saya na pabalat-kayo lamang.

Nakakasawa rin yong puro lungkot, pagdurusa, luha ang bawat sandali ng buhay ko. Sumusunod sa bawat kagustuhan ng magulang kahit pa labag na ito sa aking saloobin. Maibigay lang ang kasiyahan at kapanatagan sa magulang. Ganun talaga, mahal ko eh.

At palagi kong isinisiksik sa isipan ko na I need to obey them because its for my own sake. That they didn't wish anything wrong for me na ikakapahamak ko. Maybe because of my condition that's why they've been so very protective. Na sa totoo lang nakakasakal din. Pero hindi ko magawang magrebelde, sirain ang buhay ko. Not like those people like me. Kung ano-ano lang ang ginagawa nila sa mga buhay nila. Para ipakita sa kanilang magulang na nasasakal na sila. That they can already handle their life because they're old enough to mingle it.

Dumating din sa puntong gusto kong kumawala sa kanilang paningin. Nasasaktan na ako lalo na ng hindi ko maramdaman ang pagmamahal nila sa akin. Ano pa nga ba ang mas masakit sa katotohanang hindi ka magawang pagkatiwalaan ng mismong sarili mong pamilya?

Na kahit anong gawing mabuti ay hindi man lang nila mapansin at purihin? Na ang nakikita lang nila ay ang hindi maganda sayo? Na mahina?

Until Alex came. I thought Alex is the one. He makes me smile, gumagaan ang lahat kapag nariyan siya. Hanggang sa unti-unti, nagbabago siya. Wala na siyang oras sa akin. Nalungkot ako. Dahil muling umasa ang puso ko na siya na ang mag-aalis sa akin sa mundo kong puno ng pagdurusa.

Then, Jhay, the stranger came on my way. Ang lalaking hindi ko inaasahan ngunit siya ang katuwang ko ngayon sa buhay ko. At masasabi kong hindi ko pinagsisisihan na lagi akong sumusunod sa magulang ko. Kahit na may pagdaramdam ako sa kanila. At pilit ang pagsunod ko sa kanilang kagustuhan. Wala akong pagsisisihan. Dahil masasabi kong maswerte ako sa piling ng asawa ko.

"Sweetheart,  masaya ka ba na ako ang kasama mo ngayon?" Tiningnan ko siya ng buong pagmamahal.

"Wala na akong mahihiling pa...mahal kita nang higit pa sa buhay ko. And thank you for coming in to my life. Without you, I'm still messed."

"I love you at kahit anong mangyari mananatili ako sa tabi mo. Pasasayahin at paliligayahin kita hanggang sa kahuli-hulihang hiningang meron ako. Tandaan mo iyan, Arrielle." Sabi nito saka hinalikan ang aking noo at niyakap.

Ngayon, masasabi kong kontento na ako sa buhay. Na nahanap ko na ang kaligayahan ko. At kahit ano pang hamon ng buhay, haharapin ko kasama ang lalaking nasa tabi ko. Ang asawa ko. With him, there is no more pain, hindi na ako muling mag-iisa pa. Magkasama kaming haharap sa anumang pagsubok ng buhay namin na magkasama at magkahawak kamay.

"Goodnight sweetheart..."

"Goodnight darling...and thank you for coming into my life. Thank you dahil hindi mo ako sinukuan. I love you." Sabi ko sa kanya saka ko isiniksik ang ulo ko sa kanyang dibdib at yumakap ng mahigpit.

"I love you more at hinding-hindi kita susukuan. Dahil mahal na kita noong una palang kitang makita sa bus. Mas minahal na kita ng nginitian mo ako. At mas lalong minahal kita ng nagtiwala ka sa akin agad."

"Huh?!" Naguluhan ako sa huling sinabi nito. "Paanong nagtiwala?"

"When you allow me to take care you in that bus. At ng hinayaan mo akong yakapin ka." Aniyang may himig panunukso. Naramdaman kong namula ang aking pisngi.

Paano ko ba makakalimutan ang unang encounter namin? Suplado siyang tingnan. Nakakainis ang kasungitan niya. And worst, yong concern siya pero galit naman. Kaya hindi ko magawang ngumiti at tingnan siya. Nakakatakot kaya. Baka kung singhalan pa niya ako ng di-oras.

Dahil sa walang tigil ang pag-ubo ko. Kung bakit naman kasi sinumpong pa ako no'ng gabing iyon. Naalala ko pa ang kanyang mukha. Kung paanong magsalubong ang kanyang noo sa iritasyon sa tuwing uubuhin ako. Idagdag pa ang maya't maya'y pagbubuntong hininga nito.

Kinurot ko siya sa tagiliran. "Ouch! Sweetheart..."

"Minahal pala ha?!" Hindi ako tumigil sa pagkurot sa kanya. At hinuhuli naman nito ang aking kamay habang tumatawa.

"Oh, bakit mahal ko? Totoo naman ah..." Aniya habang patuloy ito sa pag-ilag sa mga kurot ko.

Napuno ng kanyang malulutong na halakhak ang loob ng kwarto namin.

"Hmp! Ang suplado mo kaya non. Tapos kung makatingin ka, akala mo papatay ka na dahil lang sa ubo ko." At tumigil ako sa pagkurot sa kanya at humalukipkip ako.

"Syempre, kailangan kong gawin iyon para makuha ang atensyon mo. At kausapin mo... Oh, di ba, effective naman at pinansin mo ako?"

Inirapan ko siya.

"Yan ang sinasabi ko mahal ko. Yang mga irap mong iyan ang kumuha ng atensyon ko. Kaya tumibok agad ang puso ko dahil sa mga killer moves ng mata mo eh."

"Napakabolero mo Mr. Quizon."

"Hindi kaya...but I love you more sa tuwing nagsusungit kang ganyan. Gusto tuloy kitang kainin..." Aniya. "Second round tayo sweetheart,  pwede?!" Pilyong bulong nito sa akin.

Nanlaki tuloy ang mga mata ko sa sinabi nito. "Will you stop being a pervert!" Saway ko sa kanya. Ngunit tinawanan lamang niya ako at niyakap ng buong higpit.

End....




Thank you! Thank you so much! Sana nagustuhan niyo ang kwentong ito. "The Submissive Daughter."

Please support by voting my story. Like and share.

And please please please read search and vote the other story of mine entitled "The Bad Boy's Heartbreak". You'll enjoy the story guys and you'll love it.

And I'll be posting another story soon.

Title? No definite title yet but I have already the draft. Promised! If I have already the title, I'll post it.

Again, thank you sa lahat ng mga bumasa, nag-vote sa story ko.




The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon