Chapter 21

25 1 0
                                    

Dapit hapon na ng makarating kami sa aming patutunguhan ni Jhay. I thought its inside manila, iyon pala Cavite. At heto papasok pa kami sa isang iskinita. Likod pala ng isang malaking junkshop ang pinuntahan namin. At tumigil kami sa isang maliit na... bahay ba ito?! O isang kwarto na maliit?!

Tama ba ang napasukan namin? O naliligaw lang kami?! Napataas ang aking kilay ko ng tumigil kami sa tapat niyon. And I really feel upset now. I heaved a deep breath and my eyes glared around the surroundings.

"Boss Jhay!" Anang isang matandang lalake, pasuray-suray ito sa paglalakad palapit sa amin. At may hawak pa itong lapad na tinutongga.

"Kuya, kumusta..." Tipid na sagot ni Jhay.

Sumenyas ang matanda sa kanya saka nito hinila ang isang upuan at ang maliit na mesa saka nito inilapag ang dalang alak.

Lumapit naman si Jhay rito hawak ang kamay ko.

"Asawa ko..." Aniya saka ako sinipat ng tingin ng matanda. Pagkuwa'y humagulpak na ito ng tawa. Kunot ang noo'ng  Napatingin naman ako kay Jhay.

"A-asawa mo?" Ulit nito saka tumawa uli ito. "Lang 'ya boss Jhay...paano mo naging asawa ang isang magandang ito? Siguro tinakot mo!" Sabing turo pa nito sa akin. Nag-init naman ang mukha ko sa aking narinig. Hindi ko tuloy maiwasan ang lihim na mapangiti.

"Kuya naman..." Turan ni Jhay na napakamot na lamang sa batok nito.

"Kasi naman boss Jhay...kung magbiro ka, wagas!" Tumatawa pa ring tudyo nito.

"Asawa ko nga siya!" Ramdam ko ang pagkairita nito sa boses kaya pinisil ko ang kanyang kamay.

"Asawa niya ho talaga ako ni Jhay." Singit ko. Mukha pa itong  nagulat ng magsalita ako. Seryoso na siyang tumingin sa akin.

"Maniniwala na ako na asawa mo nga siya dahil sinabi mo?!" Aniya na tila hinihintay na banggitin ko ang pangalan ko.

"Arrielle po kuya..."

"Paano mo naman nakilala at naging asawa itong hinayupak na si Jhay iha?" Tanong nito.

Napangiti naman ako sa tanong niyang iyon. Naroon pa rin kasi ang pagdududa nito. Lalo na sa way ng pagtatanong nito na may halong spanish word. Hahaha... I mean not necessary word sa aking pandinig sa description nito kay Jhay.

Kung tutuusin, hindi naman pangit si Jhay. Moreno siya at matangkad din siya. Nahahawig nga siya kay Jeric Raval. At panalo pa ito sa tikas at sa tigas ng mga masels nito na nasa ayos ng parte ng katawan. At may six packs abs na siyang maipagmamalaki ng isang lalake na kalolokohan ng mga kababaihan.

"I met him sa bus station a few months ago kuya. Dahil we both in-love at first sight, hindi na namin pinatagal kaya nagpasya kaming ikasal na agad." Napansin kong tiningnan ako ni Jhay.

Marahil hindi siya makapaniwala na magsisinungaling ako sa estado ng marriage namin. Kesa naman sabihin ko na napilitan akong magpakasal sa kanya dahil sa kagustuhan ng kapatid at magulang ko. Mukha pa namang ang taas-taas ng tingin ng matandang ito kay Jhay.


"Seriously Jhay, dito tayo titira?" Hindi ako makapaniwalang tanong ko sa kanya ng umuwi na ang matanda at pumasok kami sa isang kwarto. Kung kwarto ngang masasabi ito.

Muli kong inikot ang aking mga mata sa loob ng kwarto/bahay. Saka ako napabuga ng marahas na buntong hininga. At hindi ko itinago sa kanya ang pagkadismaya ko. Naiinis ako at parang gusto ko siyang sampalin dahil kung saan-saan lamang niya ako dinadala at ititira.

Ano bang palagay niya sa akin? Babae'ng pwedeng itira sa kung saan niya gustuhin? Na pwede kahit pa sa iskwater? Sa isang mabaho at masangsang na lugar?

No way!

Hindi ako titira dito! Ang swerte naman yata ng ugok na ito kung papayag akong dito maglagi!

"Pansamantala lang naman hon, kesa umupa tayo ng kwarto na ganito rin kaliit. Gagastos lang tayo, dito hindi na. Tsaka, dyan lang sa tapat ang trabaho ko. Paglabas dito trabaho ko na."

"Ano bang trabaho mo?" Tanong ko sa kanya.

"Taga-hakot kami ng mga scrap sa mga malls, factory at kung ano-ano pa."

"So you work here sa basurahang nasa harap?" Hindi ako makapaniwalang sabi ko sa kanya na ikinatango naman niya. "Holy crap! Jhay, I can find you a nice job. More decent than this!"

"Marangal naman ang magtrabaho dito. Kahit pa sabihin natin na basura, kumikita naman kami dito. Saka, hindi ko ikinakahiya ang trabaho kong ito."

"Andon na ako, Jhay...marangal sa kung sa marangal...pero naisip mo ba kung anong sasabihin ng pamilya ko?" Hindi ko maiwasang tumaas ang boses ko.

Nakita ko ang pagsilay ng lungkot sa kanyang mga mata. At ang laylay nitong balikat. Gusto ko tuloy pagsisihan ang mga sinabi ko sa kanya. Ok lang naman sa akin kung sa junkshop siya nagtatrabaho eh. Ang di ko lang matanggap, ang mga panunuyang sasabihin sa akin ng pamilya ko tungkol sa kanya. At mga kaibigan ko.

I heaved a sigh to comfort myself saka ko siya hinarap. "I'm sorry... I didn't mean to insult y---".

" ok lang iyon...pasensiya ka na hon kung isang magbabasura ang asawa mo. Pero sisikapin kong maibigay lahat ng mga bagay na makapagpapasaya sa'yo. Ang buhay na nakasanayan mo." Malungkot nitong sabi sa akin.

Dapat matuwa ako dahil sa mga sinabi niya. May paninindigan siya at pangarap para sa akin. Pero ang bigat ng loob ko sa mga narinig ko mula sa kanya. Mula sa lungkot ng boses nito.

Damn! Ano ba ang dapat kung gawin ngayon to relieved him? I know I hurt his ego.

Wala na akong nagawa ng lumabas siya ng kwarto. Napaupo na lamang din ako sa kama sapo ang aking mukha sa sobrang pagkainis sa nangyayari sa buhay ko.

I feel so down at pakiramdam ko no one will be there to comfort me. Aaaahh.... Himutok ng isipan ko dahil hindi naman ako makasigaw at umagaw ng eksena sa lugar dito. Kahit papaano may inaalagaan at pinoprotektahan akong dignidad. Kahit iyon na lang matira sa akin at hindi mawala....okey na iyon para magpatuloy sa buhay.

Magsimula kung may dapat bang simulan sa buhay ko. Hay! Asan na ba si Jhay? I'm starving already damn it! Tumayo ako at tinungo ang pinto. Ilang minuto rin akong nakatayo rito at naghihintay ng tao.

Napanatag na ako ng nakita kong paparating na si Jhay, at...at may bitbit itong supot. Mabuti naman at bumili siya ng pagkain namin.

"Ba't andito ka sa pinto? Malamig ang hangin baka ka magkasakit." Anitong inakbayan pa ako papasok ng kwarto/bahay.

"H-hindi ka na ba galit sa akin?" Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. "Jhay, I'm sor---" hindi ko natapos ang paghingi ko ng tawad sa kanya dahil hinalikan niya ako agad sa labi.

Smack kiss lang iyon pero medyo matagal na nagkadikit ang mga labi namin.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon