Chapter 25

35 1 0
                                    

Habang isa-isa kong isinisilid ang mga gamit ko sa bag. Hindi mapigil-pigil ang pagbagsak ng mga luha ko. Ang bigat ng kalooban ko na gawin ito.

Ang umalis.

But I think, this is better than hurting each other. Ayoko na siyang saktan pa.

Tama na.

Tapos na.

At tanggap ko na hanggang dito na lamang talaga kami.

Magsisi man ako, huli na.

Ayaw na niya. Pagod na siyang masaktan. At mahalin ako. At walang ibang may kasalanan kundi ako lang din.

"Jhay," tiningnan niya ako. "Sorry for hurting you." Sabi kong nakatingin sa mga mata nito. Pero agad din akong nagbawi ng paningin at kinuha ang backpack at lumakad na ako patungong pintuan.

Hindi ba niya ako pipigilan? Talaga bang wala nang pag-asa pa?

Nagtagal pa ako saglit. Pagkuway humarap ako sa kanya.

"Pu-puwede ko bang malaman ang pangalan ng babae'ng iyon? Gusto kong malaman ang pangalan niya bago ako tuluyang umalis at mawala sa buhay mo."

Tiningnan niya ako. Nagtataka?! Nagtatanong?! Ewan basta gusto ko lang malaman kung sino siya. At masabi rito na pakamahalin niya ang lalaking mahal ko. At huwag niya itong saktan dahil quotang-quota na siya sa sakit na ibinigay ko sa kanya. At paligayahin niya ito dahil hindi ko ito nagawa sa kanya.

Ganito pala ang sakit, doble, no, its thrice. Mali. Twice or thrice it doesn't matter. Basta sobrang naghihinagpis ang puso ko sa isiping ibang babae ang makakasama nito at hindi na ako.

Sa huli talaga ang pagsisisi.

"She texted, almost everyday but I never see you read her messages. She loves you more than I..." Sabi ko but he stop me from talking.

"Rachel, her name was Rachel. And yes, she loves me so much gaya ng pagmamahal ko sa'yo." Bumuntong hininga siya after what he said. And I bit my lower lip when I heard that. My heart is rejoicing! And I can't stop crying. Oh! God! He loves me so much! Damned much!

Pero bigla na lamang siyang tumalikod. I was expecting him to get near me. And begging. But I was wrong.

"Pero sadya yatang ganito ang kapalaran namin ni Rachel. Nagmamahal at patuloy na nagmamahal sa maling tao." Maling tao? No. Jhay you're not loving a wrong person. Damn it! I love you! Mahal kita! Sigaw ng isipan ko na hindi ko sinasadyang maisatinig iyon at marinig ni Jhay.

Natutop ko na lamang ang sarili kong bibig sa kabiglaan. Hindi ko sukat akalain na masasabi ko iyon sa kanya. Oo, kay Jhay mismo na nahing Dahilan para muli nito akong harapin. At titig na titig ito sa akin. Nakikita ko sa mga mata nito ang kalituhan.

Nasabi ko na, wala ng bawian. Harapin ko na lamang total mahal ko naman talaga siya. And if he change his mind and tell me to stay. I'll stay.

But no words came out to him. He remains standing infront of me, staring at me. And I don't believe what i see in his eyes.

Nanlumo akong tumalikod at humakbang na palabas ng kwarto. Hindi niya ako pinigilan. Hinayaan lamang niya akong umalis.

So, this is an end. Goodbye Jhay, and I'm sorry for all the pain I gave you. Bulong ko na lamang sa sarili ko habang pasakay ako ng tricycle na maghahatid sa akin sa labasan. Kung saan may mga jeep na masasakyan patungong terminal ng bus.

"Arrielle,  kumain na tayo. Ilang araw ka ng hindi kumakain anak." Boses iyon ni mama. Ilang araw na ba ako dito sa amin? Isang linggo na ba? Napabuntong hininga ako. Ilang araw na rin pala akong hindi kumakain, tubig lang.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon