Chapter 17

31 4 0
                                    

Wala na rin naman ho akong magagawa ma, pa. You three decided whom I marry", then I looked at my eldest brother with pain. "May gusto lang akong hilingin."

"Ano yon iha." Tanong ni papa.

"Ayoko po ng bonggang kasal since hindi naman eto ang dream wedding ko. I just want a simple ceremony, a civil wedding. One pair of witness and your presence. No reception. After the ceremony, I'll go with Jhay to his place." Buong tapang na sabi ko sa kanila.

Bago pa tuluyang magsalita si kuya Franco, inunahan na siya ng aming ama.

"If that's makes you happy princess then iyon ang mangyayari." Nakangiting saad nito pero bakas sa mukha ang lungkot.

Sino ba naman ang magiging masaya na ikasal ang kaisa-isang anak na babae ng mga Mendez sa isang civil wedding?

Isang kasalan na dapat ipinagsisigawan sa buong bayan namin. Dahil sa pangalan na taglay ng angkan?

Lihim akong nagdiwang ng paunlakan ng aking ama ang aking kahilingan. Atleast, hindi lahat nasusunod ang kagustuhan ng aking kapatid.

I thought I had already prepared myself for this day.

Araw ng aking kasal.

Simpleng white na bestida lang ang suot ko. Hindi ko na rin itinali ang mahaba kong buhok. At lip balm lang ang inilagay ko sa mga bibig ko para hindi mag-dry.

Hindi naman ako mahilig maglagay ng kung ano-anong lokorete sa mukha at buhok. Ni hindi rin ako nag-spray ng katawan para bumango. May allergy ako sa perfume kaya kasya na sa akin ang sabong safeguard para manatiling fresh.

"Let's go..." Si Franco. "Nariyan na si Jhay."

Tahimik lang akong tumango.



Jhay

Napakasimple ng suot niyang puting bestida. At ayos ng kanyang mahabang buhok at wala ni bakas ng kahit anong make-up sa kanyang mukha. Ngunit napakaganda pa rin niya. Hindi mas litaw ang maganda niyang mukha without make-up.

Ngayon lang ako nakakita ng babaeng ikakasal na simple ang ayos but beautiful. A gorgeous lady.

Sabagay, sadyang maganda si Arrielle. No need to put a make-up. Her being natural makes her personality very sensuous. Lalo sana kung ngingiti ito kahit ngayon lang. Pero nakaplaster na yata ang lungkot sa kanyang mukha. Lalo na sa kanyang mga mata.

I sigh. Naalala ko pa no'ng una ko siyang makita. Kahit may sakit ito, sumisilay kahit papaano ang kanyang tipid na ngiti. Ang malambing nitong boses. Hindi ngayon, daig pa ng isang malamig na yelo ang pakikitungo nito sa akin at sa pamilya niya.

Natapos ang seremonya, sandali lang iyon tulad ng hiling ni Arrielle sa kanyang ama.

Walang bisita, walang handaan.

Dahil ayaw niyang magtagal pa sa kanila. Agad nitong inilabas ang isang maleta at backpack nito sa kanyang silid. Kinuha ko ang mga ito mula sa kanya. At nagpaalam na sa kanyang magulang.

"Ipapahatid na namin kayo hanggang sa bahay ni Jhay anak." Sabi pa ng mama niya.

"No ma. Commute nalang kami...sayang yong krudo ng sasakyan. Saka malapit lang naman ang place ni Jhay." Aniya sabay tingin sa akin.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon