Chapter 20

31 1 0
                                    

Arrielle

Tanghali na ng gumising kaming pareho ni Jhay. Sabay kaming bumangon at magkasama naming inayos ang tinulugan namin. Napasarap ang tulog naming dalawa. Ang harot lang kasi niya at napakadaldal din.

Wala sa hinuha ko na magkukwento siya ng kanyang buhay. Ang hirap na pinagdaanan niya sa kanyang paglaki. Mismo sa mga kamay ng kanyang magulang. Kaya pala, napakalamig ng pakikitungo nito sa kanila. Pero sa kanyang mga grand parents, napakalambing nito at talagang istimado nito ang mga ito.

Naawa ako sa kanya sa totoo lang pero kung iisipin halos pareho lang naman kami ng buhay. Nagkataon lang na lumaki akong marangya. Lahat nabibili ko, masasarap na pagkain at magagarang mga gamit. But its not enough to get my life through. Lalo na at hindi ko kailanman mabibili ang hinahangad ko sa buhay. And that's my parents love, affection, and attention.

Nauna siyang lumabas ng kwarto dahil may tawag ito. Kung sino man iyon, wala na ako roon. Its his private life. At wala akong balak panghimasukan ang pribado nitong buhay kahit pa sabihin natin na mag-asawa kami. Malamang baka ganun din ang gawin niya sa akin. Dahil pilit ang kasal namin.

I love you, Arrielle... Bigla ko na lamang naalala ang mga katagang iyon na ibinulong nito sa akin kagabi.

At ang eksena...

Bigla kong ipinilig ang ulo ko ng maalala ko ang kamuntikan naming pagsaluhan kagabi. Nakaramdam tuloy ako ng hiya para sa sarili ko.

"Honey, namumula ka!" Puna sa akin ng makabalik ito sa kwarto. Ngumunot ang noo ko sa tinuran nito.

"Namumula?!" Ulit na tanong ko sa sinabi niya para hindi naman ako obvious na nagba-blush. "Mainit dito sa loob ng kwarto saka nakakalimutan mo yatang mestisa ang asawa mo." Pairap na sabi ko pa na ikinangiti naman nito.

"Nagbibiro lang naman ako...saka dapat binuksan mo yong ventilador hon." Aniya sabay hapit sa aking bewang kaya naman napayakap ako ng di-oras sa matitipunong bisig nito na ikinailang ko. "Hon, I'm going back to manila..." Bulong nito sa akin.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin at tiningnan ko siya ng makahulugan. As if naman na gusto kong maiwan dito ng mag-isa. Eh hindi naman yata ako welcome sa family niya.

"Syempre kasama ka hon. Ayokong mawalay ka sa aking tabi.." Aniya at muli nito akong niyakap.

"Kelan tayo aalis kung ganun?" Hindi naman ako ganong ka-excited na umalis pero sadyang gusto ko ng umalis sa lugar nila. Napaka-plastic lang naman ang mga tao sa paligid ko.

"Mamayang gabi hon para malamig ang byahe."

"Ah, ok!"

"Iaayos ko lang ang mga damit na dadalhin natin. Konti lang, bibili nalang tayo ng ibang damit pagdating ng manila para hindi masyadong mabigat ang bagahe natin." Aniyang kinuha ang dalawang back pack. Yong isa lagayan ng damit ko. Yong isa damit naman niya.

Nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang pinapanood siyang nag-eempake. Sa ayaw nitong makialam ako eh.

Pagkaraan ng kalahating oras, natapos din siya. Pagkuway lumabas ito ng kwarto. Medyo matagal siya sa labas. Narinig ko naman ang boses ng dalawang babae sa labas tapat ng kwarto namin ni Jhay.

"Saan ba nakilala ng kuya mo ang babae'ng yan?"

"Sa bus daw...ewan nga ba sa kuya ko kung ano ang nakita niya sa babae'ng iyan."

Kung makababae ang mga ito, akala mo naman kagandahan sila. Kahit ganito ang kalagayan ko, wala pa sila sa kalingkingan ko. Hmp! Nakakapagpataas talaga ng dugo ang mga ingratang plastic na mga ito.

"Eh di hindi na tayo mag hipag ngayon. May asawa na si kuya..." Oh! So, kaya pala, naudlot ang pagiging maghipag nila dahil sa akin. Sa isip-isip ko. Well, sorry kayo dahil ako ang mahal ng kapatid mo at hindi ang hitad na iyan!

Inis na inis kong turan sa sarili ko. Kahit ang totoo, sobrang kating-kati na akong lumabas ng kwarto at ipamukha sa mga ito na hindi ako basta bastang babae lamang.

"Pero hindi magtatagal, maghihiwalay din ang mga iyan. Pag nahuthutan na ni kuya yan at naubos na ang pera niyan, siguradong iiwan din niya."

"Ano bang pinag-uusapan niyo? Hindi na kayo nahiya,  naririnig niya kayo sa kwarto. Kung magtsismisan kayo parang wala ang tao dito ah! Saka hindi pera ang habol ko sa kanya! Ikaw, imbes na magluto ka, andito ka nakikipagtsismisan. Wala naman ginagawa sa'yo ang tao. Tigil-tigilan mo na rin ang ilusyon mo Ana, dahil hindi ako kailanman magkakagusto sa'yo! Wow! Bravo Jhay! Naghuhumiyaw na sabi ko sa isipan ko. He really love me. No question of that.

Parang gusto ko tuloy ma-guilty dahil sa pagmamahal niya sa akin. Hindi ko kasi kayang pantayan o suklian ang pagmamahal niya. Dahil iba ang mahal ko. At alam iyon ni Jhay.

Or should i give him a chance?

A chance? If I have given him a chance, how about Alex?

Alex na naman...

Napapabuntong hininga ako kapag naaalala ko si Alex. Ilang linggo, buwan na ba ang lumipas simula ng nagpaalam siya para asikasuhin ang business nila sa Cebu? Ganon ba siya ka-busy at hindi man lang niya ako maalalang tawagan?

Kinasal na ako't lahat pero napakaimposible namang hindi pa niya nababasa ang mga pinadala ko sa kanya?

Pinaglalaruan ba niya ako? Mahal nga ba niya ako?

Anyway, mahal man niya ako o hindi. Hindi na rin mahalaga iyon dahil may asawa na ako at si Jhay iyon. Bakit hindi ko na lamang pagtuunan ng pansin ang kasal namin ni Jhay?

Subukan kong bigyan ng chance ang kasal namin. If it works, then good for the both of us.

If not, then, maybe we have to annulled our marriage para hindi na kami parehong makulong sa kasal na wala namang patutunguhan but ended us to hurt each other.

Then I finalized my mind.

Give chance to Jhay.

"Pagpasensiyahan mo na ang kapatid ko at yong kaibigan niya." Agad na sabi sa akin ni Jhay. "Arrielle, hindi na natin hihintayin na gumabi. Babyahe na tayo ngayon. Ayokong may marinig ka pa na kung ano-ano sa mga tao dito." Sabi pa niya.

Pumayag naman ako sa kadahilanang baka hindi ko na sila matantiya. Nauubos din naman ang pasensiya ko. Lalo na sa mga katulad nilang ingrata. Mabuti sana kung magaganda sila kaso mga mukha namang ewan. Kung makapaglagay ng kolorete sa mukha daig pa ng isang mascot na si joker para maging clown na rin sila. Tsk.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon