Chapter 4

62 6 0
                                    


Nakakainip! Ilang araw na ako dito kina tita pero ni hindi pa ako nakakalabas ng bahay. Ang daming dahilan ni tita. Kesyo daw hindi ko gamay ang maynila. Baka maligaw at mawala ako.

Ano ako batang paslit na walang muwang sa mundo? Hindi marunong magsalita at magbasa?

Nakakainis din ang mga dahilan niya. Pero hindi ko siya masisisi dahil alam kong utos na naman iyon ng magulang ko.

Natural susunod siya, anumang sabihin ng magulang ko sa kanya. Kung hindi naman, putol ang allowance nito na natatanggap niya sa mga ito.

Hindi ako nagkamali ng sabihin kong ako ang favorite niece niya. Dahil maganda, matalino at mabait raw ako. Syempre, favorite dahil ako lang naman ang pamangkin niya na anak ng mayaman nitong kapatid, my mom.

Napapabuga ako ng aking hininga sa kawalan. Sa sobrang pagkainip sa loob ng bahay. Bukod sa maliit ang bahay, masikip, mainit din.

Kung may paglilibangan man, magbasa ng mga lumang magazine, textbook ng mga pinsan ko, readers digest at pocketbooks na talagang luma na rin. Dahil sa halos magkakahiwalay na mga pahina nito.

Pero nag-aalangan naman akong kumuha ng isang pocketbook para basahin. Baka malaman na naman ng parents ko magalit uli sila sa akin. At sangdamakmak na naman na masasakit na salita ang maririnig ko mula sa kanila.

"Ano yan?" Isang hapon, nakita ako ni mama na nagbabasa ng pocketbook sa may veranda.

"Wala ho, nagpapalipas lang po ng oras." Sagot ko sabay tiklop sa hawak kong pocketbook at inilagay sa aking likuran.

"Patingin!" Galit na lahad nito sa kanyang kamay.

Wala akong magawa kundi iabot iyon sa kanya dahil sa sobrang takot.

"Eto ang ginagawa mo? Nagbabasa ka ng ganito imbes na atupagin mo ang mga homeworks at projects mo sa school?" Namumula na naman si mama sa galit. At ako, nanginginig sa sobrang takot.

"T-tapos ko na po ma..." Tipid kong sagot.

"Kaya eto ang inaatupag mo?! Bakit naglalandi ka na kaya ganito ang binabasa mo? Siguro may boyfriend ka na! Mag-aasawa ka na? Tigil-tigilan mo ako, Arrielle!" Nanggagalaiting sabi pa nito sa akin.

Napaiyak na lamang ako sa sobrang pagkadismaya sa mga narinig ko.

"Etong tandaan mo, Arrielle,  kapag nalaman kong may boyfriend ka...hindi ka na mag-aaral. Kahit manliligaw pa yan! Ganyan ka na nga, paglalandi pa inuuna mo!" Sabi pa nito na mas sumugat sa puso ko.

Ang babaw ng tingin nila sa akin porke ganito ang kalagayan ko.

Minsan, naiinis ako kung bakit pa ako nabuhay sa mundo. Kung ganito rin lang naman ang kalalakhan ko. Panliliit sa sarili, at oras-oras pinapadama nila sa akin na hindi ako belong sa kanila.

Palagi nilang ipinapadama na hindi ako katanggap-tanggap sa buhay nila. Para akong may nakakahawang sakit kung ituring nila. At palagi na lang akong nasa tabi habang pinapanood sila na masayang nagkukwentuhan.

Gustuhin ko mang sumali sa kanila, tinataboy naman nila ako.


"Ang lalim ng iniisip mo ah, ate!" Si Aleli, hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala ito. At bihis na bihis.

"Saan ka pupunta?"

"Sa mall te...gusto mo sumama?"

"If you want me to come with you, why not?" Sabi ko.

"My pleasure te...lika na at ng makalabas ka naman dito sa bahay. Ilang araw ka na rin dito, hindi mo pa nalalanghap ang polluted air ng manila." Aniya at tumawa pa ito.

"Just a few minutes, Lei...magpapalit lang ako." At agad na akong pumasok sa kwarto para magbihis. Sasamantalahin ko ang araw na ito para makalabas. Siguro naman hindi magagalit si tita at hindi niya ako isusumbong.

Wait?! Bakit ba sobrang nababahala ako na magalit sila sa akin? Malayo ako sa kanila ngayon. At kaya ako lumayo para sa freedom ko. Hindi para patuloy na matakot sa pamilya ko kahit nasa malayo ako.

For the very first thing in my life, I want to enjoy it...my freedom away with my family. I don't want to bother myself to the things that haven't done yet.

For now, let me take this opportunity to enjoy my life.

Isang simpleng floral v-neck shirt and maong short ang isinuot ko. Bagay na iterno sa aking white rubber shoes. Saka ko inilugay ang kulot na buhok ko na hanggang bewang.

"Ang ganda talaga ng ate ko." Nakangiting sabi ni Aleli sa akin pagkalabas ko ng kwarto.

"Bolera!" Natatawang tugon ko naman dito.

"Hindi ah! Nagsasabi ako ng totoo... You are the most pretty gorgeous ate in the world!"

"O siya tama na ang pambobola, Lei. Ililibre kita don't worry." Sabi ko at magkahawak kamay kaming lumabas ng gate.

"Sandali lang ate at tatawag ako ng tricycle."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Malapit lang naman ang lalakarin hanggang sa labasan kung saan naroon ang mga jeep na babyahe papuntang mall.

"Lei, maglalakad tayo hanggang sa labasan."

"Hindi p-"

"Halika na!" Hila ko sa kanya kaya naputol ang anumang sasabihin nito sa akin.

Alam ko naman kung bakit gusto niyang sumakay kami ng tricycle hanggang labasan. At ayoko ang ideyang iyon.

I can walk! Hindi man mabilis tulad ng paglalakad niya. Nakakasabay pa rin naman ako dahil sa suot ko na brace leg.

Tama nga ang pinsan ko, super polluted ang maynila. Masakit sa ilong at sa baga ang halo-halong usok sa paligid. Nakakahilo pa ito o sadyang nanibago lamang ako. Dahil hindi ganito kausok ang hangin na nilalanghap ko sa probinsiya.

Nakarating din kami sa loob ng mall. Kung saan habol-habol ko ang aking paghinga. Hindi nakayanan ng baga ko ang usok kaya medyo nanghihina ako.

"Aleli?!" Isang boses ng lalake ang tumawag sa pinsan ko.

"Hi! Kumusta? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ng pinsan ko sa lalake. Matangkad, moreno at may itsura din naman ito.

Marahil boyfriend niya. Bulong ko na lamang sa sarili ko. At muli kong inayos ang aking sarili lalo na ang aking buhok.

Naglakad ako palayo sa kanila para hindi ko sila maistorbo kung may date sila ngayon. Ayokong masabihan na chaperon. And I hate being part of their date.

Pero tinawag naman ako agad ni Aleli. Kaya napalingon na lamang uli ako sa kanila. At naglalakad na ang mga ito palapit sa akin.

"Te meet Archel, a friend... Archel si ate Arrielle,  pinsan ko from Ilocos."

"Hi!" Tipid na bati ko sa kanya.

"Hi! nice meeting you, Arrielle." Aniyang nilahad pa ang kanyang kamay. Ngunit tiningnan ko lamang iyon.

Rude na kung sa rude pero mabigat ang loob ko sa lalaking ito. Lalo na at hindi nito iniaalis ang tingin sa akin. Nakakailang tuloy.

Pati ang pagngiti, parang may something! Hindi ko ineexpect na makikipag-date ang pinsan ko sa ganitong uri ng lalake. Kahit guwapo pa ito. Parang manyak naman!

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon