Chapter 2

100 5 0
                                    


Pumasok ako sa loob ng kwarto at ni-lock iyon. Naupo ako sa gilid ng kama at tiningnan ang likuran ko sa whole body mirror na nasa tapat ng kama. Napapailing na lamang ako ng makita ko ang suot kong damit na sira na. Punit na ito at kitang-kita ang Dumudugong sugat ng aking likod.

Hindi ko maiwasang maluha sa pagkaawa sa aking sarili sa mga oras na ito. Dumapa ako sa kama at doon ibinuhos ang lahat ng aking nadaramang sama ng loob. Nagpupuyos ako ng galit, sobrang galit na andito ngayon sa puso ko, umuusbong.

Nang may kumatok sa labas ng aking pintuan.

"Te, pinaakyat ako ni tita para gamutin ang mga sugat mo sa likod." Boses iyon ni Alexa. That bitch! Hmp. At may gana pa talaga siyang pumanhik, katukin ang pintuan ko. At magsabing gagamutin nito ang sugat ko?! The hell she is! "Te pakibuksan po ang pinto par---"

"Go to hell, Alexa...I don't need your help and I don't wanna see your fucking face!" Hindi ko na pinatapos ang anu pa mang sasabihin niya. Coz I don't fucking interested to her. All I know now is her bullshit lies.

" Stop pretending that you care coz I don't wanna believe you!" I burst out of anger. Nakakainis lang talaga ang kakapalan nito ng mukha.

Narinig ko na lamang ang kanyang mga yabag na papalayo. Ilang minuto lang ang lumipas at heto, kumakatok na naman siya sa aking pintuan.

"What?! I have already told you, I don't need you!" Singhal ko sa kanya ng buksan ko ang pintuan. Mataray na kung mataray pero naiinis talaga ako sa pagmumukha niya. Ni hindi ko magawang makipag-usap sa kanya ng mahinahon. Kahit pa sinabihan na ako ng magulang ko to treat like my sister. Pero, hindi ko magawa. Sadyang mabigat ang loob ko sa kanya eversince.

At lalo pang nadagdagan ang galit ko sa kanya nang pati ang kapatid kong si Frankie ay nalaman kong niloloko niya.

Yes, she's also the girlfriend of my brother. No'ng magkasakit ito, kahit labag sa loob ko, pinakitunguhan ko siya ng mabuti. Alang-alang sa pinakamamahal kong kapatid that time because his dying.

"Ahm, pinapatawag kayo ni tito, ate..." Aniya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"For what?" Hindi ko maitago ang iritasyon ng boses ko na tanong ko sa kanya.

"Ma-magluto ka r-raw po..." Mas lalong nag-init ang ulo ko sa narinig na sinabi niya. Ako? Magluluto ng dinner! Bakit hindi pa kaya ito nakaluto? She's the maid, and she must be the one who cooked for dinner!

Baliktad na ba ang mundo ko? At ako na princess turned to maid! Woah! Its insulting me, pero may magagawa ba naman ba ako? Papa just called me to cook. At inutusan pa talaga niya ang katulong para sabihin sa akin.

Kung alam lang nila kung gaano na nagngingitngit ang kalooban ko sa ginawa nila. At kung gaano ko kagustuhang sagutin sila ng pabalang. Para magkaroon na talaga sila ng rason para saktan ako gaya ng ginawa nila ngayon lang sa akin.

"Bababa na ako." Yon lang ang nasabi ko at umalis na siya sa harapan ko.

Hindi ako nagpalit ng damit ko para makita ng ama ko ang ginawa niyang pananakit sa akin. Itinali ko rin ang mahabang buhok ko para mas kita nila ang dumudugo at sugatang likuran ko. Saka ko iminulat-mulat ang mga mata ko para hindi gaanong halata ang pamamaga ng mata ko. Ayokong isipin nila na umiyak ako.

Palabas na ako ng kwarto ng makasalubong ko si papa. Galit na naman siya, ang mga mata nito na titig na titig sa akin. Na parang anumang oras ay sasaktan uli niya ako.

"Ayaw mo'ng bumaba para magluto?" Singhal nito sa akin.

"Kung sinabi ni Alexa na iyon ang sinabi ko eh di sana hindi niyo na ako makakasalubong para bumaba at pagsilbihan kayo." Sagot ko na hindi tumitingin sa kanya. Dahil natatakot akong tingnan siya sa mata. Hindi takot na baka masaktan niya akong muli. Pero natatakot akong baka mawala ang natitirang respeto ko sa kanya bilang ama ko.

The Submissive DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon